MEREDITH'S POV Papunta na ako sa locker ko nang may nadatnan akong kumpol ng mga estudyante dun mismo sa tapat. Nagbubulongan sila na obvious naman na rinig na rinig ko, ayos! bulong pa ba tawag nun? Ang ilang dumadaan ay nakikisawsaw na rin. "Kaninong locker ba toh? Kawawa naman" "Ewan ko.... kawawa talaga. Eh sino ba kasi ang may gustong mapagtripan?" Don't tell me locker ko ang napagtripan? Eh kasi naman, nakatingin sila sa locker ko. Walang pagdadalawang isip akong tumakbo papunta sa direksyon nila at hinawi ang ilan sa kanila sa aking daraanan. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nadatnan, bumungad sa'kin ang maraming nakasulat sa locker ko. Bitch... Malandi... Ahas... Whore... Slut... Mang-aagaw... Gold Digger... What the f-uck?! Sino ba ang gumawa nito?