MEREDITH's POV
"Rose, lets eat. Lalamig na yung pagkain!" rinig kong sigaw ni Van mula sa baba. Itinali ko ang aking buhok bago tuluyang lumabas sa aking walk in closet. Bago ko tuluyang isalampak ang katawan ko sa aking higaan, mas minabuti kong ipikit ang aking mata habang naglalakad papuntang pinto.
My bed was inviting my tired body to be on top of it.
"Andiyan na!" sigaw ko at dali-dali akong lumabas sa kwarto at bumaba sa hagdan. Nakita ko ang limang unggoy na nakapwesto na sa dining area, at handa nang kumain. Tss, food lover daw eh.
"Oh! Halika na Rose umupo ka na," sambit niya kaya umupo na lang din ako.
"Let's eat?" tumango kaming lima sa sinabi ni Dale, at nagsimula nang kumain pagkatapos magdasal.
Hmm... Masarap din ha?
"Who cook this?" tanong ko sa lima, sabi kasi ni Adam may hinanda silang pagkain eh, gusto kong malaman kung sino ang nagluto.
"Kami," sabay-sabay nilang sabi. Kaya kumunot ang noo ko. Sila? They cooked this? I am expecting Van or Dale to answer me, but them? How come? Eh nagtanong naman lang din ako, eh baka sila nga talaga.
"Oh ba't nakakunot noo mo diyan?" tanong ni Lance sa akin na ikinatingin ko sa kanyang direksyon.
"Hindi ka naniniwala noh?" ani naman ni Adam habang nakangisi. Ibinaling ko nalang ulit ang aking paningin sa plato ko.
"Nope, I'm just surprised kasi marunong pala kayung tatlong magluto," plain kong sabi habang tinusok ang karne bago ito sinubo. Nag "ahh" naman silang tatlo while Van and Dale just continued eating.
"So, anong lasa?" tanong ni Lance sa gitna ng aking pagnguya.
"Masarap ba? " si Tristan na naman ang nagtanong na halatang may kuryosidad sa boses.
If you can only see their faces, matatawa ka cause they're very curious about my answer, pfft!
"Masarap naman, pero..."
"Pero?..." sabay nilang sabi, see? They're very curious.
"May kulang."
"Ano?" sabay na naman. Pero I stare at them for awhile. Nakatingin na silang lahat sa akin, na naghihintay sa sagot, silang Van at Dale nakatingin na din. Limang pares ng mga mata ang nakatutok sa aking ngayon.
"Spices," I said while looking back on my plate.
"Spices?? Ano yun?" si Lance yan.
"Bobo! Pampalasa yun!" sabi ni Tristan, sabay batok ng malakas kay Lance. Seriously? Hindi niya alam yun? Saang mundo ba 'to ipinanganak si Lance?
"Aray! Hindi mo naman kailangang mambatok!" singahl ni Lance kay Tristan habang napahawak sa parte kung saan siya binatukan ni Tristan. Mukhang masakit talaga 'yon dahil medyo malakas ang impact ng pagkakadikit ng mga palad ni Tristan sa batok ni Lance.
"Eh, ang bobo mo kasi!" ani ni Tristan na ikinagulat naman ni Lance.
"Aba't sumusobra ka na Tristan ah!"
"Huy! wag na nga kayong mag away," pagsesermon ni Van sa dalawa dahil tumataas na ang kanilang boses.
"Lance tama na, wag na kayong magbangayan diyan," pinagsabihan na rin sila ni Adam.
Ang ingay ha? Hindi ba nila alam na kumakain ako? Nasa harapan pa sila ng hapag kainan nagbabangayan. Kung magaaway lang naman din sila eh dun sila sa labas! Bigyan ko pa sila ng baril at magpatayan na.
"Bakit ba! Eh porket matalino ka, Tristan? ha?" -Lance
"Wala naman akong sinasabing ganyan ah!" - Tristan
"Pwede ba, hinaan niyo ang mga boses niyo. We're having dinner. " kalmadong sambit ni Dale habang maingat na nagsa-slice ng kanyang karne. Kung ikukumpara sa'kin, mas mahaba ang pasensya ni Dale sa kahit na anong bagay, kalmado rin siya at malumanay kung magsalita.
"Eh grabe naman kasi siya makasabi na bobo ako? Tas ang lakas pa kung makabatok."
Hindi ko na kaya ang pagaaway nila, masakit na sa tainga. Kaya sinuntok ko ang mesa, dahilan upang tumigil sila at tingnan ako. Tiningnan ko sila isa-isa, I'm giving them my death glare. Tumayo ako at pumunta sa isang drawer na malapit sa dining area, at kumuha ng dalawang baril. Bumalik ako sa pwesto ko at binigay kay Lance at Tristan ang baril. Na agad naman din nilang kinuha,but there's a question on their faces.
"Kung magaaway lang naman din kayo, ba't hindi niyo simulan sa barilan? Hindi yung bibig ang ginagamit, para kayong mga babae. I'm giving you a gun so start it now. Kung ayaw niyo dito, malaki ang space sa labas dun kayo." Tiningnan ko si Van at Dale.
"Van, Dale, kung tapos na silang magbarilan, paki linis nalang sa mga tatalsik na dugo. Understood?" Tumango lang sila, pero bago ako maglakad palayo tiningnan ko muna sila Lance at Tristan. "By the way use silencer, ayoko ng maingay," ani ko bago tuluyang tumalikod at naglakad papalayo sa dining area.
"Queen, sorry na. Joke lang yun, diba Tristan?" Tumingin ako ulit sa direksyon nila nung nagsalita si Lance.
"O-oo, Bati na kami ni Lance, no need na magbarilan. He-he." Naka-akbay na silang dalawa na may mga ngiti, yun naman pala eh. Magbabati din. Kaya tumuloy lang ako sa paglalakad papuntang kwarto ko, nawalan na ako ng gana dahil sa pagaaway ng dalawang unggoy.
Kaasar! Akala mo namang mga bata kung magbangayan.
Pagod na nga ako sa mula sa school tas ganon pa ang madadatnan ko sa hapag kainan. Kailan ko ba makakamit ang kapayapaan sa bahay na 'to?
DALE'S POV
I silently watch my friends after what just happened. Meire walked out from our dining table and find herself walking up to her room.
She really had a bad temper in terms of this kind of situation. Masyado siyang sensitive sa mga ingay at bangayan kaya mas lalong umiinit ang ulo niya.
Just by looking at her direction earlier, I can feel for tired she is from school. Dinagdagan pa ng pag-aaway nila Tristan at lance kanina, mas lalo tuloy siyagn sumabog.
The two must really grow up and start acting like their age. Mas bata pa si Meire sa kanilang dalawa pero mas matured siyang tignan kung ikukumpara sa kanila.
"Takte! Natakot ako nung binigyan na kami ni Rose ng baril," Tristan said.
"Ikaw kasi eh, ba't mo kasi ako binatukan? Ang sakit kaya nun, pang lima mo na yung batok sa'kin ngayung araw, tsk!" that's Lance.
"Eh spices lang di mo alam? Nakapagtapos ka ba talaga ng pag-aaral Lance?"
"Oo naman noh! Eh hindi naman kasi culinary ang course ko, para malaman yang spices na yan, psh!"
"Oh! tama na yang mga sumbatan niyo, magligpit na lang tayo dito," Van butt in to stop the two from rising another conflict again.
"Mabuti pa ng,a" Adam said in the corner.
Kaya nagligpit na kami dito sa mga pagkain. Ngayun ko lang nakita na ganun si Meire, yung pagsuntok niya sa mesa ng ganun ka lakas. Yung walang buhay niyang mukha, at ang pagsasalita niya. Hindi naman siya ganon, hindi niya pinapakita sa'min yung mga ganong klaseng katangian niya kapag kami lang ang kasama niya, unless if this is about the mafia and her revenge.
Yes, alam namin ang paghihiganti niya. Tinutulongan din namin siya, pero minsan mas gusto niyang siya mismo ang gagawa ng mga aksyon kung paano niya papatayin ang mga lalakeng pumatay sa mga magulang niya.
Hindi namin siya masisi, because if I'm in her situation, maybe I'll do the same. Maghihiganti rin ako, she's strong, brutal, merciless, and a cold girl. Hindi din namin maiwasang hindi magalala sa kanya, she's our little sister, and we're her brothers. Nakita ko mismo sa kanyang mga mata ang lungkot at galit noon.
"Seb, nakatulala ka diyan?" lumapit si Van sa'kin at tiningnan kung saan ako nakatulala kanina.
"I know, Rose right? Ngayun ko lang din nakita na ganun siya," pareho kaming nakatingin kung saang parte sinuntok ni Meire ang mesa. And there was a huge crack attached on it. Tiningnan ko to ng mabuti, at may ilang dugo. Kaya agad akong kumuha ng first aid kit, at dali-daling umakyat sa itaas, I even heard Van calling my name, pero di ko na siya pinansin at pumunta na sa kwarto ni Meire.
*Knock knock*
"Come in," kaya agad kong binuksan ang pinto at nakita ko si Meire na nasa edge ng kama nakaupo.
"Dale? What are you doing here? At ba't may first aid... kit ka?" Nakita ko pang tinago niya yung isa niyang kamay sa likod at umiwas ng tingin. I approached and sit besides her.
"Meire, give me your hand," kalmado pero may diin kong sambit sa kanya. Hindi parin niya binibigay, I forgot to tell you that Meire is also a hardheaded girl.
"C'mon, " kaya binigay din niya sa'kin ang kanyang kamay, pero hindi yung may sugat.
"Meire," I heard her sighed, at binigay na yung kamay na may sugat, dumudugo pero hindi ganun ka rami kaya pumunta kami sa banyo para hugasan yung sugat na dumudugo parin. At nilagyan ko yun ng alcohol para hindi na dumugo at hindi magkaimpeksyon.
"Aray, dahan-dahan naman Dale." Nakakunot ang mga noo niyang sambit. Tinignan pa ako ng masam.
"Ba't mo kasi ginawa yun? May sugat ka tuloy, you don't have to hurt yourself."
"I know, wala na akong ibang maisip na gawin para patahimikin yung dalawa."
"Okay fine, but don't it again," I said and she nodded in response, kaya tinuloy ko na lang ang paggamot sa sugat niya. Hindi siya pwedeng umangal, dahil ako ang masusunod kapag nagkaganito siya. If she got wounded, it is my duty to treat her immediately and as fast as I could.
I'm a doctor and I completed medicine.
"Thanks Dale... I mean thanks Dr. Sebastian Dale Sieberg." Umiling lang ako habang bahagyang tumatawa, ganun din siya. It's great to see her smiling and laughing, I can see it through her green eyes. Hindi siya nag contact lens ngayon, siguro dahil matutulog na din siya.
"I need to go, magpahinga ka na para bukas," I said as I stood up from sitting on her bed
"Thank you again Dale," she said with a smile, kaya hindi ko mapigilang ngumiti din sa kanya pabalik. Ginulo ko ang buhok niya, ito ang palagi kong ginagawa sa kanya kahit noong bata pa kami.
"You're welcome, matulog kana," sambit ko sa kanya.
"Opo, masusunod na po"
"Mabuti naman kung ganon. Good night Meire."
"Good night too Dale, pakisabi na din sa ibang unggoy," bahagyang tumaas ang isa kong kilay sa sinabi niya. So I'm a monkey too? Tss.
"I will," sabi ko kaya lumabas na ako sa kwarto niya, at dumiretso sa kwarto ko.
This night is great cause I saw her, smile and laugh again genuinely. My best friend and our little sister...
"Meire"
SOMEONE'S POV (#1)
Tinanggal ko ang necktie na nakasabit sa aking leeg at kung saan na lang ito inihagis.
"Hon, you receive a call from our landline. Someone is looking for you," sambit ng aking asawa atsaka ito binigay sa'kin ang telepono.
Nang mailahad niya sa'kin ang telepono, binigyan ko siya ng isang malalim na halik bago siya tuluyang umalis sa opisina ko. I looked at the telephone for a few seconds before putting it against my ear.
"Speak," I said and sip the whiskey from a glass in my hand. This man better give me the updates that I need. Binabayaran ko siya ng sakto, walang labis at walang kulang, kaya dapat niya gawin ng mabuti ang pinapagawa ko sa kanya.
[Boss, natagpuan ko na ang babae na pinapahanap mo sa'kin.]
Hindi ko maiwasang mapangisi sa sinabi niya sa kabilang linya. So you really did came back huh? What brings you back here my dear, Rose.
"Good, keep an eye on her. Always," I said in an authoritative tone. Just like what I expected, babalik at babalik ka nga kung saan ka nagmula pero sa anong rason? Whatever might be, I don't give a full s**t about it.
[Copy boss.] Ibinaba ko na ang tawag atsaka napasandal sa aking upuan.
Napatingin ako sa madilim na kalangitan habang nakamasid sa langit na puno ng bituin na kumikislap. Sinalinan ko ng bagong inumin ang aking baso bago tuluyang tumayo mula sa aking kinauupuan at lumapit sa full length window sa loob ng aking opisina.
Rose Meredith Mercalli, my favorite child subject before.
Those beautiful green eyes of yours must be mine but you fcking get out of my league because of those bastards!
Naikuyom ko ang aking kamao habang nilalaro ang baso sa aking kamay. I got back to my desk and opened my secret drawer with my fingerprint scanner. Kaagad kong kinuha ang mga litrato doon at tinitigan ito ng mabuti.
Nasa mga litrato ang ilang imahe ni Rose noong bata pa siya, at ang iba naman ay ngayong dalaga na siya. These photos are mostly captured in Los Angeles where she came from before coming back here in the Philippines.
Kaagad akong napangisi ng makita ko ang buong anyo niya ngayon.
"Still alive huh? Living strong, brave and beautiful," ani ko bago tinungga ang isang baso.
I can't wait to meet you in person, my dearest.