Maagang nagising si Kallisa at kasalukuyan siyang nasa labas ng bahay at nag wawalis ng mga tuyong dahon, may malaking puno sa bakuran ng bahay kaya tuwing malakas ang hangin ay nag uunahan sa pag lagas ang mga dahong tuyo na galing sa puno . Ramdam niya ang pagwawalis ng biglang— “Ineng, juskong bata ka bakit ka nagwawalis diyan?” Ani ng ginang na naka silip sa may bintana ng kanilang bahay, kaya agad siyang napalingon doon banda at ang nagtatakang mukha ng ginang ang kaniyang nakita. “Po? Nagwawalis lang naman ako rito ante, wala naman kasi akong gagawin kaya nag wa-walis na lang po ako.” Nakangiti niyang ani at ipinagpatuloy ang pagwawalis. Habang ang ginang naman ay napapailing dahil sa hiya, hindi talaga sila sanay na may ibang tao sakanilang bahay. Kasunod nitong bumaba ay ang as