Mabuti nalang ay may alam palang parentahan ang ina ng binatang drayber sa motorsiklo kung saan siya nakasakay. Kasalukuyan ngayon ay sinasamahan siya ng ginang sa bahay renta at hindi nito alam kung magkano ang renta sa isang buwan. “Rosa! Rosa! Pumarito ka nga sandali” Sigaw ng ginang, mula sa kinatatayuan nilang dalawa ngayon. Kaagad naman bumukas ang bintana ng bahay at niluwa ang isang ginang na may katandaan narin katulad ng kasama niya, “Bakit Nilda?” tanong nito ay inayos ng kaunti ang buhok. “Eh, ito kasing kasama ko naghahanap ng ma rentahan na bahay o kwarto, baka May bakante kapa.” Ani ng kanyang kasama. Kaagad naman lumipat ang paningin ng babae sa kanya, “Wala na akong bakante Nilda, baka naman sainyo nalang siya.” suhestiyon ng nagngangalang Rosa. Kaagad napakamot ang kan