Taas kilay na tinignan ng dalaga ang binata na hindi maipinta ang mukha habang hawak ang araro at tali ng kalabaw, “Oh! Bakit ayaw mong pagalawin yang kalabaw?” tanong ng dalaga sa binata, “I don't know how,” nanghihinang sambit ng binata. Ngumiwi naman ang dalaga dahil sa sinabi ng binata. “Sabi ko naman sayo huwag kang hambog kung hindi naman pala kaya.” Sumbat niya at agad tumalikod. “Fine, fine, fine,” pagsusuko ng binata alam kasi nito ang ibig-sabihin ng dalaga tungkol sa hambog. Pano ba naman kasi kung ano-ano ang kanyang sinasabi sa dalaga kaya heto siya ngayon nganga at kamot sa ulo. Habang ang ginang na si Pasing ay panay Lingo dahil naawa ito sa binata, ilang ulit narin nitong pinakiusapan ang dalaga ngunit hindi ito nakinig ang sabi pa ay—“Nay kaya niya yan, ang hambog kaya ni