Chapter 2

2013 Words
"Cool," tanging naikomento ko nang makita ang aking repleksyon sa salamin habang suot ang bagong unipormeng ibinigay sa akin ni Erol kahapon. Tulad ng aking inaasahan pati ang uniporme ay kakaiba. Dinisenyo ito ng unang headmaster ng Enchantasia, si Vivo Lockheart. Nang mapagsawaan ko ang aking itsura ay humugot muna ako ng malalim na hininga bago kinuha sa upuan ang aking hinandang backpack. Ngayon na ang unang araw ng aking kalbaryo sa Enchantasia kaya kailangan ko maging masinop. Paglabas ko pa lang sa aking kwarto ay tila naagaw ko ang atensyon ng karamihan. Karamihan sa mga iyon ay babae. Siyempre hindi maitatanggi na may ka-gwapuhan akong tinataglay katulad ng sinabi ni Tita Caramel. Iyon nga lang baka mabago ang tingin nila sa akin kapag nalaman nila na wala akong mahika katulad nila. Kinibit balikat ko na lamang ang mga atensyon na nakukuha ko sa paligid at nagsimulang maglakad patungo sa cafeteria. Ayon kasi sa student guide ay sa cafeteria nag-aagahan ang mga estudyante. Iyon ang isa sa mga kagustuhan ng unang headmaster. Gusto niya na magkasama sama ang mga estudyante sa kanilang pagkain na parang isang pamilya. Hindi naman binago iyon ng kasalukuyan na Headmistress, si Tita Naomi Veneficia-Nuria. "Naikwento ni mama na transferee rin noon si Tita Naomi," bulong ko sa hangin at inisip ang pagkapareho namin ng sitwasyon, "So… maaaring magkaroon rin ako ng cool magic tulad niya," Napailing ako ng ulo. "Imposible. Wala naman akong koneksyon sa mga Lockheart at sa mga prinsipe na nagmamay-ari ng mga elemental magic." Napasimangot ako habang inaalala ang aking pinagmula kumpara sa ibang naririto. "Parehong ordinaryong magic user ang mga magulang ko kaya kung magkakaroon ako ng magic ay pang-ordinaryo lang din iyon," pagbaba ko pa sa kompiyansa ko sa aking sarili, “Hindi ko talaga alam kung magandang ideya na mag-aral ako rito.” Napatigil ako sa aking paglalakad at nagtatakang nilibot ang tingin sa aking paligid. Sa lalim ng aking iniisip, mukhang hindi ko na alam kung saan parte ng Enchantasia ako napadpad. "Damn, mukhang naliligaw na ako." Napatapal na lang sa aking noo sa kapalpakan ko sa unang araw ko rito sa Enchantasia. Nilibot ko muli ang tingin sa aking paligid. Nakakapagtaka lang dahil nasa gitna ako ng gubat na tila wala ng kabuhay buhay. Itsura pa lang ng lugar ay kahit sino ay kikilabutan. Maikukumpara ito sa mga horror movie kung saan may bigla bigla na lang susulpot na mga multo o ano. Natatakot ko na inilibot muli ang tingin sa aking paligid na akala mo nag-iintay kung may anuman na lalabas. "Argh! Paano ba ako nakarating dito?" Tinignan ko ang mapang dala ko pero wala naman ganitong lugar sa loob ng Enchantasia. Nakalabas kaya ako sa akademya ng hindi ko namamalayan? Imposible naman yata na mangyari iyon. Pero kung nasa akademya pa ako ay bakit wala ito sa kanilang mapa. Nakakapagtaka naman di ba? "Great Cipher. Mukhang may natuklasan kang isang lihim ng Enchantasia," hindi ko nasisiyahang sambit saka inis na ginulo ang aking buhok, "And you're in trouble kapag nalaman nila ito." Umihip ang isang malakas na hangin. Nakaramdam ako ng kakaibang kilabot na tila may mga matang nakatingin at nanunuod sa akin. Nilibot ko ang aking tingin para hanapin sinuman iyon. Iyon nga lang puro mga patay na puno lamang ang nakikita ko na nakapalibot sa akin. Walang ibang senyales na may tao rito. Lumapit ako sa isang patay na puno. Sa isang tapik ko lang ay naging abo ito sa aking harapan. Ewan ko pero may pakiramdam ako na isang itim na mahika ang may sanhi nito. Nabatukan ko ang aking sarili dahil sa aking naiisip. "Cipher, ano ang iniisip mo na isang dark magic ito?" natatawa kong bulalas habang iniiling iling ang aking ulo. "Imposible iyon dahil mapayapa na ang pagitan ng magic user at dark magician." Ngunit hindi ko maitatanggi kung bakit may ganitong parte sa loob ng Enchantasia. Isama mo pa ang aking hinala na walang alam ang ibang estudyante sa gubat na ito. Pero nakakapagtaka kung bakit tinatago nila ang tungkol sa gubat na ito? Ano ang mayroong sa gubat na ito? Kaysa problemahin ko itong natuklasan ko ay mas mabuti pa siguro kung bumalik ako sa aking dinaraanan. Kabago bago ko pa lang at mahirap na mahuli nila ako na naririto. Magpapanggap na lang siguro ako na hindi ko nakita ang gubat na ito at payapa ako mamumuhay bilang isang ordinaryong estudyante. Nilagay ko sa magkabilaang bulsa ang kamay ko at nagsimulang maglakad pabalik sa direksyon na pinagmulan ko. Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ng isang magandang tinig na tila kumakanta. "M-M-May multo ba rito?" natatakot kong sambit habang nakatingin sa direksyon nang pinagmumulan ng tinig na iyon, "s**t, s**t, s**t! Mas mabuting bilisan ko na lang ang pag-alis rito." Dagdag ko at halos takbo ang ginawa para makalabas lang sa gubat na iyon. Hindi nagtagal ay nakarating ako sa isang pathway na may mga buhay na halaman. Sa aking paglingon ay napakunot ako ng noo dahil hindi ko na makita ang walang buhay na gubat. Para bang hindi iyon nag-e-exist. Dahil walang bakas ng gubat na iyon ako ngayon na mahanap. Sinubukan kong bumalik sa aking direksyon na pinagmulan dahil baka may secret passage ako nadaanan pero wala na talaga ang gubat na iyon. Kinusot kusot ko ang aking mga mata at naguguluhang napatingin sa aking paligid. Umagang umaga ay tila binabangungot na ako. "What the hell!" nangingilabot kong bulong sa hangin at napayakap sa aking sarili, "Ano iyong nakita ko rito?" *** Wala sa sarili ako nagpalakad lakad. Hindi na nakakapagtaka kung iniisip ng mga nakakasalubong ko na nababaliw na ako. Dahil baka isa na nga akong baliw. "Totoo iyong nakita ko," pilit kong sinasabi sa aking sarili ang tinignan ang daliri na may pruweba dahil naroroon pa ang bahid ng abo mula sa tuyot na punong hinawakan ko, "Hindi kaya nagtime travel ako pabalik sa nakaraan?" "Hindi. Hindi maaari iyon dahil buhay na buhay pa si Tita Himea," natatawang pagsalungat ko sa iniisip na dahilan sa nakita, "Kakadalaw niya lang kay mama nitong nakaraan." Hanggang sa napalundag ako sa aking kinatatayuan dahil sa sobrang gulat nang may tumapik sa aking balikat. Masyado yatang maraming kape ang nainom ko nitong nakaraan para maging magugulatin. Humugot muna ako ng malalim na hininga saka lakas loob na tinignan ang nagmamay-ari ng kamay na iyon. Sa aking paglingon ko ay bumungad ang nakangiting mukha ni Erol na ibang iba mula sa huli kami pagkikita. "Good morning, Kuya Cipher," pagbati niya ngunit tila napalitan ng pagtataka ang mukha niya nang makita ang aking anyo, "Kuya, may problema ba? Bakit tila namumutla ka yata?" Gusto ko man sabihin sa kanya ang nakita ko kanina pero may posibilidad na hindi siya maniwala sa sasabihin ko kung sakali man. Baka mamaya pagkamalan pa niya ako na isang baliw. Tumikhim muna ako at inayos ang postura ko bago niya isipin na isa akong weirdo. "Err… A-Anong sinasabi mo diyan, Erol?" sabi ko saka pilit na ngumiti. "N-Nagulat lang ako sa iyo, i-i-iyon lang iyon." Napakunot siya ng noo sa kakaibang inaasta ko pero hindi na ako inusisa pa. "Papunta ka rin na ba sa cafeteria?" pagtatanong niya, "Okay lang ba sa iyo na sabay na tayo?" "Sige ba," masisiyahang sabi ko sa alok niya, "Kanina pa nga ako nagugutom." Pasimple muli ako lumingon sa direksyon ng misteryosong gubat bago sinundan si Erol papunta sa cafeteria. *** Pagdating namin ng cafeteria ay natahimik ang lahat. Hindi nakakapagtaka dahil nandito na ang bunsong anak ng headmistress. "Ayoko talaga ng special treatment," bulong ni Erol at nagtago sa aking likuran. Mukhang iyong ang pagkakatulad niya sa kanyang ina nasi Tita Naomi. Ayaw na ayaw rin kasi ni Tita na binibigyan siya ng special treatment dahil siya ang headmistress. Dahil nagtago na sa aking likuran si Erol ay nalipat ang atensyon ng lahat sa akin. Napuno ng bulungan ang cafeteria na tila nagtataka kung sino ako at bakit ko kasama si Erol. Nagbuntong hininga na lamang ako at binalewala muli ang tingin na binibigay sa akin saka naisipang maghanap ng pwedeng maupuan naming dalawa. Kaso bago pa ako makahanap ay may tinuturo si Erol sa isang direksyon. "Doon tayo, Kuya Cipher," sambit niya habang pilit hinihila ang laylayan ng aking damit papunta sa direksyon na iyon. Tinignan ko ang tinutukoy niya at may apat na estudyante na nakaupo na roon. Batay sa pag-upo nila, naka-reserba iyon para sa kanila. "May nakaupo na, Erol," sambit ko na puno ng pagtutol, "Hintayin na lang natin sila na umalis." "Okay lang iyan," nakangiting sambit ni Erol sa akin. "Mga kaibigan ko sila at saka gusto ka rin naman nila makilala." "Huh?" nagtatakang sambit ko. Wala na ako nagawa nang hilahin ako ni Erol patungo sa table ng mga iyon. Nang makalapit kami ay natigilan sila sa kanilang pag-uusap. Idagdag pa na sabay sabay na lumingon sila at tinitigan nila ang aking kabuuan. "Ikaw si Cipher?" nakangiting tanong ng magandang babae na may kulay berde na buhok. Pilit akong ngumiti sa kanila dahil nakakahiya na kilala nila ako kahit mga hindi ko sila nakikilala. "Ah a-a-ako nga..." nag-aalangang sabi ko at napakamot sa aking batok. Napa-'woah' siya. "Tama nga si Tita Caramel," napahagikgik na sabi niya. "Ang gwapo mo nga! Tingin ko tuloy bagay tayo!" pagkasabi niya noon ay binatukan siya ng babaeng katabi niya kaya napanguso siya. Doon, nabaling ang aking tingin sa kanyang katabi. Para ito isang buhay na manika sa kanyang itsura. Kung hindi lang siguro niya binatukan ang katabi niya ay baka mapagkamalan ko siyang life sized doll. "Geez Laycka..." angal ng babaeng may berdeng buhok habang sapo ang kanyang batok, "Anak ka nga ni Tito Cielo at Tita Caramel dahil ang hilig mong mambatok." "Pero sa kaingayan tila ikaw ang anak nina Tita Caramel at Tito Cielo, Ate Althea," singit ni Erol sa kanilang usapan kaya sinamaan tuloy siya ng tingin ng babaeng may berdeng buhok na nangangalan palang Althea. "Siya si Ate Althea, anak siya nina Tito Citron at Tita Chocolat," pagpapakilala ni Erol sa kanya, "Sa sobrang kaingayan mas namumukhang siyang anak nina Tita Caramel." Pagkatapos ay tinuro ni Althea ang katabi niya. "Siya nga pala naman ang pinsan kong si Laycka," pakilala niya sa mala-manikang babae, "Tulad ng narinig mo kanina ay siya ang tunay na anak nina Tita Caramel at Tito Cielo." Binigyan lang ako ng isang tango ni Laycka. Mukhang hindi siya kasing kulit at kasing ingay nina Tita Caramel at Tito Cielo. Napapaisip tuloy ako kung totoong anak siya ng mga iyon. "Minsan lang magsalita iyan kaya pagpasensiyahan mo na," dagdag ni Althea at nagkibit balikat, "Huwag mo ring isipin na ampon siya dahil ipina-DNA test ko na rin siya para alamin kung magpinsan ba talaga kami. At confirm! Tunay siyang anak ng dalawa." Tinuro naman niya ang dalawang lalaki na kasama nila. "Sila naman sina Haze at Con," pakilala niya sa kanila, "Si Haze ay pinsan rin ni Laycka dahil anak siya nina Tita Luna at Tito Rain at si Con naman ay pinsan ni Erol dahil anak siya nina Tito Yuan at Tita Hillary." Nakipag-fistbump sa akin sina Haze at Con. "Welcome to the group, Cipher," masayang sabi ni Haze, "Marami pa ang may gusto na makilala ka pero mga busy sila ngayon kaya kami na lang muna." "Pero tol, bakit ngayon mo lang naisipan na lumipat sa Enchantasia?" nagtatakang tanong ni Con sa akin. Napabuntong hininga ako. Wala naman ako balak itago ang katotohanan na wala akong tinataglay na mahika. "Err sa totoo lang wala akong magic tulad niyo," nahihiyang pag-amin ko sa kanila. "Huh? Posible ba iyon? Parehong magic user ang magulang mo di ba?" nagtatakang sabi ni Con. Tumango ako at napakamot ng batok. "Kaya nga minsan iniisip ko na isa lang talaga akong ordinaryong mortal na inampon ng mga magulang ko," nanlulumo kong sambit. "Ano? Ipapa-DNA test na rin ba kita?" pang-jo-joke ni Althea sa gitna ng awkward na sitwasyon ko, “You know para makasigurado tayo.” "Hay naku, Althea," iiling iling na sambit nina Haze at Con sa minungkahi sa akin ni Althea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD