Chapter 1

2296 Words
Nakatuon lamang ang tingin ko sa labas ng sasakyan habang patungo ito sa aking magiging panibagong paaralan. Tutol ako sa desisyon ng aking mga magulang na ilipat ako ng paaralan pero ayon sa kanila iyon ang makakabuti sa tulad namin. Bagot na lang ako napakamot ng aking batok dahil sa sobrang pagkainip dito sa loob ng sasakyan. Mga walong oras na rin ang lumipas mula nang umalis kami ng bahay at tila wala pa rin kami sa aming pupuntahan. "Sigurado ba kayo na hindi tayo naliligaw?" kunot noong tanong ko, "Puro puno na lang ang nakikita ko sa labas." Nagkatinginan sina mama at papa sa isa't isa saka sabay na ako ay tinawanan. Napairap na lang ako sa pagkakaroon ng isang weirdong mga magulang. Sabagay, talaga naman mga hindi sila karaniwan. Aware ako na may kakayahan sila na hindi kaya ng mga karaniwang tao. "Narito na tayo, anak," biglang anunsyo ni papa kaya napatingin ako sa aming harapan. Doon, halos sumayad ang aking panga sa lupa nang makita ang isang literal na gintong gate sa gitna ng kagubatan. Kung maibebenta ko lang gate na iyon ay paniguradong yayaman na agad kami. Bumisina si papa at dahil doon ay unti unti nagbukas ang gintong gate. Napapikit pa ako nang masilaw sa kung anuman ang nasa kabilang banda ng gate na iyon. "Welcome to Enchantasia, anak," masayang sambit nina mama at binigyan ako ng napakalapad na ngiti. Dahan dahan ako napaangat ng tingin at nagulantang ako sa tumambad sa aking harapan. "E-E-Eh?!" hindi ko makapaniwalang sambit, "I-Ito ang Enchantasia?!" Kung ganoon, ito ang Enchantasia na matagal na kinukwento ng aking mga magulang kung saan sila nagkakilala. Batay sa kwento nila ay pareho silang alumni rito at ang pagkakaalam ko ay isa sila sa mga matalik na kaibigan ng 'headmistress'. Iyon nga lang malayong malayo ito sa nasa imahinasyon ko. Akala ko isang simpleng school ito na pinamumugaran ng mga weirdong estudyante na may kakaibang kakayahan katulad ng aking mga magulang. "T-Totoo ba na academy ito?" nagtataka kong sabi habang nililibot ang tingin, "Mas mukhang palasyo ito kaysa sa sinasabi niyo na isa itong academy." Napatawa lang muli sina papa sa aking sinabi saka ako tinulungan na ibaba mula sa sasakyan ang maletang naglalaman ng aking mga gamit. Hindi pa rin ako makapaniwala na mula sa araw na ito ay dito ako maninirahan hanggang sa grumaduate ako. Si mama ang nanguna sa aming paglalakad patungo sa opisina ng headmistress. Sabi niya ay nakausap na niya ang kanyang kaibigan tungkol sa aking pag-transfer dito kaya marahil kanina pa nila inaantay ang aming pagdating. Ngunit ang nakakapagtaka ay lahat ng mga estudyante na aming nakakasalubong ay nagbibigay galang kay mama. "Anong meron sa iyo, mama?" kunot noo at buong pagtatakang tanong ko sa aking ina, "Bakit tila kilala at ginagalang kayo ng mga estudyante rito?" "Marahil dahil sa isa ako sa mga kaibigan ng headmistress," sagot niya pero palagay ko may mas malalim na dahilan kung bakit ganoon na lang ang pagtrato ng mga estudyante sa kanya. Napadako ang tingin ko sa field at nakita ko ang mga estudyante na nag-eensayo ng kanilang mga mahika. Hindi ko maiwasang mainggit sa kanilang tinataglay na kakayahan. Parehong magic user ang aking magulang pero ako itong nag-iisa nilang anak ay hindi nabiyayaan ng mahika. Mas malaki ang tiyansa ng tulad ko na magtaglay ng kakayahan pero tila naiiba ang kaso ko. Minsan tuloy naiisip ko na baka inampon lang ako ng aking magulang at ayaw lang nila aminin iyon sa akin. Napatigil ako sa aking paglalakad kaya kunot noong napalingon ang aking mga magulang. "Ma, huwag na kaya tayo na tumuloy," nakayukong sambit ko, "Imposible na matanggap ako rito dahil wala akong kakayahan tulad nila," dagdag ko na nasa malungkot na tono. Tinapik ako ni papa sa aking balikat. "Cipher..." seryosong pagtawag niya sa aking pangalan, "Anak ka namin kaya paniguradong may mahika ka ring tinataglay. Iyon nga lang ay hindi mo pa ito natutuklasan." Bumaling ako kay mama dahil siya na lang ang inaasahan ko na magbabago ng desisyon na ipasok ako rito. "Tama ang iyong ama," nakangiting sambit niya at saka napabuntong hininga, "Kaya ka namin dinala rito dahil ang Enchantasia lang ang lugar na makakatulong sa iyo para matuklasan at makontrol ito." Mukhang wala ng makakapagbago ng kanilang desisyon. Siguro kailangan ko na lang tanggapin ang magiging panibagong yugto ng aking buhay. Sana nga lang ay buhay pa ako makakalabas ng akademya na ito. Doon, nagpatuloy si mama sa paglalakad patungo sa Headmistress' office. Bata pa lang ako ay marami nang naikwento si mama tungkol sa headmistress. Tinagurian niya itong isang bayani kaya ngayon ay payapa ang pamumuhay ng mga katulad namin. Mula sa kanya, siya ang tumalo sa dark prince noong huling digmaan at siya rin ang dahilan kung bakit nagkakaisa na ang lahi ng mga magic user at dark magician. Siya rin ang pinakamalakas na magic user sa kanilang henerasyon. Naputol ang aking pag-iisip nang marinig ang pagkatok ni papa sa isang pintuan. Napalunok ako nang mabasa sa taas ng pinto ang 'Headmistress' office'. Mukhang nakarating kami nang hindi ko man lang namamalayan. Hindi nagtagal ay unti unti nagbukas ang pintuang iyon at tumambad ang isang babae. "Oh my gosh! Heal!" malakas na tili ng babaeng iyon at agarang binigyan nang mahigpit na yakap si mama, "Long time no see!" Napatakip naman ako ng aking tenga sa lakas ng kanyang boses. Siya kaya ang headmistress na laging kinukwento ni mama? Iba yata ang pagka-deskripsyon nila sa kanya. "T-T-Teka lang Caramel... h-h-hindi ako makahinga," angal ni mama na tila nahihirapang sa paghinga. "B-B-Bumitaw ka muna please..." Agaran naman pinutol ng babae ang kanyang mahigpit na pagyakap at natatawang nagbigay ng peace sign kay mama. "Hindi ka pa rin nagbabago, Caramel," napapailing sambit ni mama habang binabawi ang kanyang hininga. Mukhang siya si Tita Caramel na isa rin sa mga matalik na kaibigan ni mama. Pagkakaalam ko may kakambal ito na nangangalang Chocolat. Ayon kay mama, madali lang malaman kung sino sa dalawa si Tita Caramel at Tita Chocolat dahil may pagkaiba ng kulay ang kanilang mga buhok. Hinila ako ni mama papunta sa kanyang tabi kaya nagtataka naman na pinagmasdan ako ni Tita Caramel. "W-W-Wait Heal, nagbago ka ba ng asawa?!" hindi niya makapaniwalang bulalas habang nakatitig sa aking mukha. "Nandito pa ako, Caramel," pagsingit ni papa sa usapan na nasa seryosong tono, "Anak namin iyang tinitignan mo. Tss." "Ito naman hindi mabiro kaya ang sarap mong asarin eh…" natatawang sambit ni Tita Caramel na ikinasimangot ni papa, “May pagkakatulad talaga kayo minsan ni Aidan sa ugali.” Binalingan muli ako ng tingin ni Tita Caramel nang maalala ako. "A-Ah… H-H-Hello po, Tita," nahihiyang pagbati ko sa kanya, "A-Ako nga po pala si Cipher." "Infairness, ang gwapo ng anak niyo, Heal," namamanghang komento ni Tita Caramel at bahagyang inilapit ang mukha sa aking mukha habang nakahawak ang isang kamay sa kanyang baba, "Kung bata bata lang ako baka—" Nanlaki ang mga mata ko nang biglang may nambatok sa kanya. Nasasaktan na napahawak sa kanyang ulunan si Tita Caramel bago matalim na binalingan ng tingin ang tumabi sa kanyang lalaki. "Hoy masamang hangin! Anong problema mo at nambabatok ka diyan?" inis na singhal ni Tita Caramel sa panibagong lalaki. "Mahiya ka naman kasi, Caramel," pagsinghal ng lalaking iyon sa kanya, "Anak iyan ng kaibigan mo kaya umayos ka! Saka gurang ka na ‘no para patulan niya!" "Siyempre binibiro ko lang ang bata!" inis na inis na sambit ni Tita Caramel sa lalaki na palagay ko ay ang kanyang asawa na si Tito Cielo, "Bakit selos ka? Hindi ko alam na nakakahawa ang pagiging seloso ni Aidan." "A-A-Ako? M-Magseselos? Oy, oy, oy! Maraming babae nagkakadarapa sa kagwapuhan ko oy!" pagtatanggol naman ni Tito Cielo sa kanyang sarili, “Saka akala mo naman rin na may iba pang papatol sa iyo bukod sa akin. Magpasalamat ka nga sa akin dahil pinatulan ka ng gwapong katulad ko ‘no!” Hanggang sa alam ko na lang malakas na sinasabunutan ni Tita Caramel si Tito Cielo. "Marami pala ang nagkakadarapa huh! Tignan natin kung meron pa kung kalbo ka na!" inis na sambit ni Tita Caramel habang patuloy sa pananabunot kay Tito Cielo, “Saka ikaw gwapo? Baka kwago!” Hindi ko tuloy maiwasang mapangiwi sa pagkakalbong nagaganap sa aking harapan. Lumingon ako kina mama para awatin si Tita Caramel sa p*******t kay Tito Cielo pero tinawanan lang nila ang mga ito at hinayaan sila. "Huwag mo sila itindihin," payo pa ni mama sa akin, "Ganyan lang talagamaglambingan ang dalawang iyan. Masasanay ka rin." "TSS," inis na bulalas ng isang baritonong boses mula sa loob ng opisina na ikinakilabot ng aking buong katawan. Dahil doon, agarang natigilan si Tita Caramel sa pangkakalbo kay Tito Cielo. Nagkatinginan pa ang mag-asawa at sabay na napangisi bago nilingon ang sinuman na naroroon. "Ang aga aga ay high blood ka na, Aidan," walang takot na sambit ni Tita Caramel sa lalaking nakaupo sa loob ng opisinang iyon, "Don't tell me nag-away na naman kayo ni Naomi." "TSS," iritado muling bulalas ni Tito Aidan saka sinamaan ng tingin ang mag-asawang na binibigyan siya ng mapang-asar na ngiti, "Shut up before I'll kill both of you." Tila natakot naman sina Tito Cielo at biglaang natahimik. Doon, ibinaling ni Tito Aidan ang kanyang tingin kina mama. "Long time no see, Heal, Second," pagbati niya sa aking mga magulang at bahagyang ngumiti pa sa kanila. Yumuko naman si mama para magbigay galang sa kanya. "U-Umm… Aidan, siguro sinabi sa iyo ni Naomi ang pakay ko rito," seryosong sabi ni mama sa kanya at pasimple akong tinignan sa kanyang tabi. “Oo, ibinilin niya sa akin kanina bago siya umalis,” pagkukumpirma ni Tito Aidan. Naghalukipkip pa ng kanyang braso si Tito Aidan at pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan na ikinalunok ko dahil sa pagka-intimida sa kanyang ginagawa. "Pfft Aidan! Huwag mo naman takutin ang bata," natatawang komento ni Tito Cielo, "Kaya maraming umuurong na mag-enrol dito dahil tinatakot mo eh!" "I told you to shut up, Cielo," iritadong sambit muli ni Tito Aidan kaya kunwari nag-zipper ng kanyang bibig si Tito Cielo. Tinuro ako ni Tito Aidan at nagbigay senyas na tila pinalalapit ako sa kanya. Natatakot na nilingo ko sina mama ngunit marahan na tinulak niya ako palapit kay Tito Aidan. Napalunok muna ako bago nanginginig ang tuhod na naglakad palapit kay Tito Aidan. Nang makalapit, "Here is your dorm key," seryosong sambit niya at nilagay sa aking kanang kamay ang isang susi. Napakurap kurap napatingin sa hawak kong susi. “Eh?” gulat kong sambit nang malaman na kaya niya ako pinalapit ay para iabot iyon. Bigla ako nakahinga ng maluwag. Akala ko kasi may nagawa akong kasalanan kaya ako pinalalapit sa kanya. Gusto lang pala niya iabot itong susi ng dorm ko. Alanganin tuloy ako napakamot ng batok ko at nakaramdam ng kaunting hiya sa inasta ko patungo sa kanya kanina. "Si Erol na ang bahala maghatid sa iyo sa iyong dormitory," dagdag pa ni Tito Aidan na bilin na ikinakunot ko ng aking noo. Hindi ko kilala si Erol na sinasabi niya kaya saan ko naman hahanapin ang taong iyon? Ngunit sa aking paglabas ng opisinang iyon ay bumungad ang isang lalaki na masasabi ko na mas bata sa akin ng mga tatlong taong. Siya siguro si Erol na tinutukoy ni Tito Aidan. "Ikaw ba iyan Erol? Ang laki laki mo na!" hindi makapaniwalang sabi ni mamaat niyakap ang lalaking iyon, "Ang bilis talaga ng panahon. Naalala ko tuloy noong ipinanganak ka ni Naomi at ako pa ang nagpaanak sa kanya noon." Namula ang mukha ni Erol sa sinabi ni mama. Sabagay sino ang hindi mahihiya kung maungkat kung paano ka ipinanganak ng iyong ina. Kahit ako, hindi ko ma-imagine iyon. "Si Erah? Kamusta?" masayang tanong muli ni mama sa kanya, "Nasaan na ang makulit kong inaanak?" Ngunit tila nabago ang ihip ng hangin nang mabanggit ni mama ang pangalan na Erah. Naging malungkot ang lahat ng aming kasama. Sa klase pa lang ng tingin na binibigay nila ay mukhang may masamang nangyari sa taong nangangalang Erah. Tumikhim si Erol. "T-Tita, paumanhin po pero ihahatid ko na po ang iyong anak sa kanyang dorm dahil baka mahuli ako sa aking klase," buong kaseryosohan na sambit niya at tinulungan ako na buhatin ang aking mga maleta. "Mabuti pa siguro, Erol," pagsang-ayon ni Tita Caramel at isang pilit na ngiti ang binigay sa akin habang marahang tinutulak kami paalis ni Erol sa opisina. Wala akong nagawa kundi magbigay ng isang mabilisang paalam kina mama. Halata na nagpaiwan sila para pag-usapan ang tungkol sa taong nangangalang Erah. Kung anuman ang pag-uusapan nila ay mukhang seryoso iyon. Nabaling ang tingin ko kay Erol na tahimik lamang sa kanyang paglalakad habang hinahatid ako. Mukhang isang taboo para sa kanya ang marinig ang pangalan ni Erah. Hindi ko tuloy maiwasang ma-curious kung sino ba si Erah para maging ganito ang lahat nang mabanggit ang pangalan niya. "We’re here," agarang anunsyo ni Erol kaya doon ko lang napansin na nasa tapat kami ng isang pintuan. Mukhang masyado nilipad ang isip ko at hindi man lang namalayan ang mga dinaraanan naming bago makarating rito. Napakamot ako ng ulo dahil mukhang mahihirapan ako nito bukas. Inabot ni Erol ang isang paper bag at isang papel na kanyang dala. Mukhang nakalimutan niyang iabot sa akin iyon kanina. "Iyan ang mga uniporme mo at class schedule," pagbibiygay alam niya bago walang paalam na iniwan ako sa tapat ng aking magiging kwarto. Nagkibit balikat na lang ako sa nangyari dahil wala naman akong posisyon para alamin ang bagay na ayaw nilang ipaalam. Sa ngayon, dapat mas isipin ko kung paano ako makakapag-survive sa Enchantasia na wala man lang mahikang taglay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD