Chapter 4

2401 Words
Napamaang ako nang makilanlan ang lugar na kinaroroonan ko ngayon. "H-H—How?" Alam ko lang ay labis na namamadali ako dahil sa mahuhuli na ako sa una kong klase pero hindi ko akalain na makakarating muli ako ngayon sa misteryosong gubat. Napatapal pa ako sa aking noon dahil kung kailan hindi ko ito hinahanap ay saka naman ito nagpakita sa akin. Paano na ngayon? Male-late na ako sa aking klase. "Damn! Late na talaga ako," naaasar ko pang sambit nang makita ang oras sa aking suot na wristwatch. Dahil late at nandito na rin ako, siguro gagawin ko na lang ang dapat ko ginawa noon. Napameywang pa ako habang inililibot ang tingin para hanapin kung saan ako magsisimula sa paghahanap. Ngunit kulad ng dati puro mga patay na puno lang ang nasa paligid at walang kabuhay buhay ang buong lugar. Napayakap pa ako sa aking sarili nang makaramdam ng kakaibang kilabot. "H-H-Hello! M-May tao ba rito?!?" malakas at nauutal na pagsigaw ko pa. 'H-H-Hello! M-May tao ba rito?!?' 'H-H-Hello... M-May tao ba rito...' '... M-May tao... ba rito...' Napangiwi ako dahil umalingawngaw lamang ang pabalik ang boses ko sa buong paligid. Kahit sino na makakarinig roon ay mararamdaman kung gaano ako natatakot ngayon. Bigong napakamot pa ako ng aking batok na tila hindi malaman ang gagawin. Medyo nagdadalawang isip na rin ako magpatuloy sa binabalak ko na halugadin ang kabuuan ng misteryosong gubat. Paano na lang kung makakakita ako ng isang kakaibang halimaw na nagtatago rito? O kaya may isang serial killer na nagtatago sa sikretong gubat na ito? Muling gumapang kakaibang takot sa aking katawan dahil sa aking mga iniisop. Dahil tama man ang isa sa aking hinala, wala sinuman ang magkakapagligtas sa akin at malaki rin ang posibilidad na hindi na mahanap pa ng aking magulang ang aking katawan. "s**t, s**t, s**t!" sunud sunod na mura at tinitimbang ang kagustuhan ko na libutin ito at ang aking takot sa maaaring matuklasan. Bahagya na lumapit pa ako sa isang patay na puno na malapit sa aking kinaroroonan at pinagmasdan ito .Nakakapagtaka dahil kahit isang ibon o langgam wala ako makita sa misteryosong gubat na ito. "Ang weird talaga ng lugar na ito. Para bang may humihigop ng life source," pabulong na komento ko dahil sa kakaibang pakiramdam na tila may pwersa na gustong gumapang sa aking katawan. Hindi kaya kagagawan ito ng isang itim na mahika? Kaso kung iyon nga ang sitwasyon hindi ba dapat nanghihina na rin ako? Tinignan ko ang aking kamay at ilang sandi na pinakiramdaman ang sarili. Ngunit wala naman ako maramdaman na kahit anong pagbabago katulad na lang ng panghihina at paghirap sa paghinga. Kinibit balikat ko na lamang iyon ang aking akala at nagdesisyon na simulan libutin ang misteryosong gubat. Naglakad lang ako na naglakad kung saanman ako dalhin ng aking paa. Sa halos isang oras na paglalakad at pagtingin tingin sa paligid ay natigalgal ako sa natagpuan. Nagulat ako na makakita ng isang bahay sa gitna ng walang kabuhay buhay na lugar na ito. Sino ang mag-aakala na may taong pipiliin na tumira sa ganitong lugar. Wala ako makita na pwede man lang pagkunan ng pagkain o inumin kaya paano kaya mabubuhay ang nakatira rito. Saglit pa na inispeksyon ko ang kabuuan ng bahay para siguraduhin na hindi ito abandonado. Sinubukan kong kumatok sa pintuan pero pagkatapos ng ilang segundo na paghihintay ay walang nagbubukas nito. Nagtaka naman ako kaya pinili ko na sumilop sa siwang ng bintana at napatunayan ko na may tao rito dahil buhay ang lutuan sa loob nito. Muli ako sumubok na kumatok sa pintuan. "Tao po! Alam ko may tao diyan!" sigaw ko mula sa labas at paulit uli na kumatok para tawagin ang sinuman na nasa loob. "G-G-Go away!" mautal utal na sigaw ng isang natatakot boses sa loob ng bahay na iyon, "U-U-Umalis ka rito! P-Pakiusap umalis ka at huwag na huwag ka ng babalik!" Labis ang pagkagulat ko sa pagtataboy niya sa akin. Base sa timbre ng boses niya ay masasabi ko na isang dalaga ang nagmamay-ari na lalong nagpataka sa kanya. Paano naman kasi sinong babae sa ganoong edad ang gugustuhin na manirahan sa ganitong lugar? Hindi kaya isang bihag ito at nasa paligid lang ang dumakip sa kanya? Kaya ba pinapaalis siya nito ay para iligtas sa anumang dumakip sa kanya? Nakaramdam ako ng kadesiduhan na tulungan siya. "Kung kailangan mo ng tulong ay nandito ako! Huwag kang matakot at magtiwala ka sa akin!" pag-aalok ko pa ng tulong sa kanya, "Lumabas ka at sumama sa akin na tumakas sa lugar na ito!" "S-Salamat sa iyong pag-aalok na tulong pero... H-H-Hindi ako maaaring umalis sa lugar na ito..." sagot muli ng dalaga sa kanya. "I-Ikaw ang dapat ang agarang umalis! Delikado para sa iyo ang manatili ng matagal sa lugar na ito," nag-aalalang payo pa niya. Napabuga ng malalim na hininga ako sa narinig sa kanya. Tingin ba niya magagawa ko pa umalis ngayong alam ko na may katulad niya na nangangailangan ng aking tulong? "Hindi ako aalis hanggang hindi ka sumasama sa akin," pagpupumilit ko. Sinubukan ko pang silipin muli ang siwang ng bintana para hanapin ang nagmamay-ari ng boses na iyon ngunit wala akong maaninag na tila ba nagtatago siya mula sa aking paningin. Hanggang sa makarinig ako ng mga malalakas kalabog sa may likuran ng bahay. Dali-dali ako nagpunta roon para tignan kung ano iyon. Ngunit pagdating ko roon ay nabungaran ko na lamang ang tumatakbong palayo ng isang pigura ng babae. "T-T-Teka!" natarantang sambit ko at sinubukan habulin siya. Mukhang narinig naman ng dalaga ang aking mga yabag habang hinahab siya kaya mas kumaripas ito ng takbo palayo. "Teka lang miss! Bakit ka ba tumatakbo? Nais ko lang naman na tulungan ka!" "P-P—Please go away!" muling natatakot na pagtataboy niya sa akin. Binilisan ko rin ang aking takbo para habulin sita. Para kaming mga tanga na tila naglalaro naghahabulan sa gitna ng patay na kagubatang ito. Dahil sa hinahabol ko siya, tanging likuran lamang niya ang nakikita ko kanina pa. Hindi ko maiwasan magkaroon ng kuryosidad sa kanyang itsura at nakaramdam ng labis na kagustuhan na makita ang kanyang mukha kaya mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo para maabutan na siya. "T-Teka lang, M-M-Miss!" humihingal na tawag ko sa kanya dahil sa kanina pa naming pagtakbo, "B-Bakit ka ba t-tumatakbo palayo?" "Don't come near me!" natatakot na muling sambit niya, "Please leave me alone! Para sa iyo ito!" nagmamakaawang dagdag niya Napakunot ang noo ko sa ibig sabihin ng kanyang sinabi. Takot na takot ang dalagang ito sa akin sa hindi ko malaman na dahilan. Gwapo naman ako di ba? Bakit kailangan niya akong takbuhan na akala mo nakakita ng isang multo? Mukhang unti-unti nakaramdam ng pagod ang babae dahil bahagyang pagbagal na ng kanyang takbo. Pagod man rin ako at mas nakakalamang sa akin na makita ang kanyang mukha. Sa huling yugto ng aking natitirang lakas ay binilisan ko muli ang aking pagtakbo para habulin siya. Malapit na malapit ko na siyang maabutan. Ilang dipa na lang ang natitira sa pagitan naming dalawa. Inangat ko pa ang kanang kamay habang unti unti ko inaabot ang kaliwang kamay niya para hulihin siya pigilan siya sa patuloy na pagtakbo. . . . . . . . . . . *BOOOOOOGGGGGSSSHHHH!* "Aw! s**t! Ang sakit!" hiyaw ko sa sakit at napahawak sa nasaktang kong ilong. Pag-angat ko ng tingin para alamin kung ano ang humarang sa akin ay napag-alaman ko na bumangga ako sa isang malaki at matayog na puno. Napasapo muli ako sa nasaktan kong ilong at naramdaman ko ang pagtulo ng mainit at malapot na likido mula rito dahil na rin sa sobrang lakas ng pagkabangga ko ay dumugo ito. "Gaah! Bashag shata eng ishong ho (Basag yata ang ilong ko)!" napangiwing sambit ko habang pinipigilan ang pagtulo ng dugo sa aking ilong. "Pashanong bishlang nagshashuno shito (Paanong biglang nagkapuno rito)?" takang sambit ko at tinignan muli ang puno na nasa harapan ko. Paglibot ko ng tingin sa aking paligod ay laking gulat ko na pala ako sa misteryosong gubat. Wala na rin ang babaeng hinahabol ko. Napasabunot pa ako ng aking buhok at paulit ulit na inuntog ang ulo sa damuhan dahil sa labis na panghihinayang na nararamdaman sa oras na ito. "f**k! Malapit ko na siya maabutan!" nanghihinayang ko pang sambit. Nasa ganoong tagpo lang ako sa loob ng ilang minuto. Nang mahimasmasan ay naisipan ko na umalis. Nanlulumo na tumayo ako at pinagpagan ang nadumihang uniporme. Dahil late na rin ako ay hindi na ako makakapasok sa ngayon sa aking klase. Idagdag pa na patuloy pa rin dumudugl ang aking ilong kaya kailangan ko pumunta ng clinic para ipagamot ito. Buti na lamang ay medyo malapit lang ang clinic sa kinaroroonan ko kaya agad ko rin ito mapupuntahan. Ngunit pagdating ko roon ay napanganga ako nang makita kung sino ang mga nandoon at siyang nanggagamot sa klinika ng akademya. "M-Ma? P-Pa?" gulat na gulat kong sambit at palipat lipat na tinignan sila saka kinusot kusot ang mga mata para siguraduhin na hindi ako namamalik-mata lamang. Narinig ko ang paghagikgik nila sa aking naging reaksyon. "Cipher, anak! Na-supresa ka ba namin?!" natatawa at kalmadong sambit ni mama. "Napano iyang ilong mo, Cipher?" pagpansin naman ni papa sa patuloy na pagdurugo ng aking ilong at inalalayan ako na maupo sa harapan ni mama. Sinamaan ko sila ng tingin dahil hindi nila ipinaalam sa akin na naririto lang rin sila sa loob ng akademya. "All this time nandito kayo pero hindi niyo pinaalam sa akin?" natatampo kong sambit. Napakamot ng batok si papa at tinignan si mama para alamin kumg paano nila ipapaliwanag ang ginawa nilang paglilihim sa akin. "Hindi naman sa tinatago namin, anak," paliwanag ni papa, "Ayaw lang namin isipin mo na nakamatyag kami sa iyo. Gusto namin na makapag-adjust ka rito sa panibago mong pamumuhay. Kapag nalaman mo kasi na nandito kami baka mamaya dumepende ka pa sa amin at ubusin ang iyong mga oras sa pamamalagi rito sa klinika para tumulong." Napabuga ako ng malalim na hininga at initindi ang dahilan nila kaya nagawa nilang ilihim ang pagtra-trabaho nila sa klinika ng akademya. Sinimulam suriin ni mama ang ilong ko. "Napaaway ka ba, anak?" taas kilay na pagtataanong ni mama sa akin at matalim ako na tinignan sa mata, "Cipher..." Nagbabantang tono pa niya. "Hindi po, Ma!" pagtanggi ko at winagawayway ang kamay ko para itanggi ang inaakala niya, "Promise! Bumangga ako sa puno kaya nagkaganito ang ilong ko!" Tinitigan naman ako ni mama na tila inaalam kung nagsasabi ba ako ng totoo. Nang makasiguro ay unti-unti nagliwanag ang kamay niya at sinimulan akong gamutin. At isang iglap ay nawala ang sakit at pagdurugo nito. Kahit ilang beses ko na nakita ang mahika ni mama ay hindi ko pa rin maiwasang humanga. "Hindi ba dapat nasa klase ka ngayon, Cipher?" biglang pagtatanong ni papa sa akin. "Huwag mong sabihin na hindi ka pumasok." Napatikom ako ng bibig at hindi ko alam kung dapat kong sabihin sa kanila ang tungkol sa misteryosong gubat. Alam ko na hindi naman rin nila ako paniniwalaan. Baka mamaya pati ulo ko ay gamutin ni mama sa pag-aakalang may sira na rin ako sa utak. "Papasok na talaga ako kanina pero dahil sa sobrang pagmamadali ko dahil late na ako ay hindi ko namalayan na bumangga ako sa puno." pagsisinungaling ko sa kanila, "G-Ganoon po ang nangyari..." Parehong malakas na humalakhak sina mama at papa sa sinabi ko. "Seryoso ka ba diyan, anak?" tumatawang sambit ni mama, "Sa susunod nga mag-ingat ka at tignan mo rin ang dinaraanan mo!" "Heal, gamutin mo rin kaya yung puno baka nasaktan sa pagkabangga nitong anak natin. Matigas pa naman ang ulo nito." pang-aasar ni papa sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Pimalo ni mama sa braso si papa. "Second, tigilan mo nga ang pang-aasar sa anak mo," saway naman niya sa kanyang asawa, "Pero anak, nasaan iyong punong iyon para matignan ko?" Dagdag niya na tila nag-aasar rin kaya napasimangot ako. Arrgh! Pinagtutulungan nila ako. "Tsk! Ano ba ginagawa niyo rito?" pag-iiba ko ng usapan at naghalukipkip ng aking braso. Nagkatinginan silang dalawa na tila may malalim na dahilan na hindi ko dapat na malaman. "Humingi ng tulong si Naomi sa akin," seryosong sambit ni mama, "Nitong nakaraan ay dumadami ang kaso ng mga estudyante na biglaan na lang nakatamo ng kakaibang sakit." Napakunot ako ng noo dahil nakuha nito ang aking kuryosidad. "Nalaman niyo ba ang sanhi?" tanong ko kay mama. Malungkot na napayuko at napailing ng ulo si mama. "Hindi ko rin magawang gamutin sila," naguguluhan niyang dagdag, "Feeling ko tuloy ay hindi rin ako nakatulong kay Naomi." Inakbayan namam siya ni papa at buong pagmamahal na hinalikan sa kanyang ulunan. "Sssh.. Okay lang iyan, Heal. Makakahanap ka rin ng paraan para magamot sila." Napahawak ako sa aking baba at malalim na napaisip. Nakakapagtaka naman kasi na hindi tumalab ang mahika ni mama na kayang maggamot ng kahit anong karamdaman. "Pwede ko ba na makita ang mga estudyante?" umaasang tanong ko kay mama Saglit na nagkatinginan muna sina mama at papa na tila nagdadalawang isip na ipakita ito sa akin. Pagkatapos ng ilang sandali ay binalingan muli ako ng tingin ni mama. Tumango siya at pinahihintulutan ako na makita ang mga ito. Giniya nila ako patungo sa likuran at tagong bahagi ng klinika. Nakita ko roon na may limang estudyante na mga nakahiga at may nakakabit sa kanilang katawan na iba't ibang aparato. Humakbang pa ako palapit para obserbahan ang mga ito. Ngunit sa paglapit ko ay may parang itim na usok na lumalabas sa kanilang bibig at katawan. Nangingitim na rin ang mga balat nila na akala mo nilason. Biglang may dumaan na pamilyar na kilabot sa aking katawan. Katulad ang kilabot na ito na naramdaman ko habang nasa loob ako ng misteryosong gubat. Maaari kaya may kaugnayan ang sakit ng mga estudyante sa kung anong mayroon sa kagubatan na iyon? "Something is absorbing their life source," paliwanag ni mama at tila pinoprotektahan ako na mahawa kung ano man ang sakit nila, "I don't know if it is a new kind of magic." Kung tama ang aking hinala na may kaugnayan ang gubat sa kakaibang sakit na ito, ano kaya ang ginagawa ng babae roon at tila hindi siya naapektuhan? Saka bakit naman namamalagi pa rin roon ang babae kung delikado ang gubat na iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD