Chapter 5

2034 Words
Pinakiusapan ako nina mama na ilihim ang tungkol sa mga estudyanteng may kakaibang sakit. Lahat ng nahawaan nito ay magic user kaya maaaring isang dark magic ang may sanhi ng sakit na ito. Ayaw naman ni Tita Naomi na ang pangyayaring ito ang maging dahilan para magkaroon muli ng hidwaan sa pagitan ng mga magic user at dark magician. Lalo na mapayapa sa ngayon ang pagsasama ng dalawang lahi. Pero ang mas kinatatakot nila ay ang posibilidad na pinanganak muli na dark prince at siya ang mismong may pakana ng sakit na ito. Kaya kung iyon nga ang sitwasyon ay hindi nila maiiwasan na magkaroon muli ng digmaan sa pagitan ng dalawang lahi. "Cipher pare, sigurado ka bang okay ka na?" Kunot noong tanong ni Haze sa akin. "O baka gusto mong bunalik ng klinika?" "H—Huh?" Takang sambit ko. "Bakit niyo naman naitanong." "Kanina ka pa kasi tulala, Kuya Cipher." Sambit naman ni Erol na puno ng pag-aalala sa akin. "Hindi ka rin nakikisali sa aming pinag-uusapan." Agad na lumapit si Althea sa akin at pinagkatitigan ang aking mukha. "Baka naalog ang utak mo nang bumangga ka sa puno. Ipinatingin mo rin ba kay Tita Heal din iyan?" Komento naman niya na ikinatango ni Laycka na tila sinasang-ayunan ang sinabi ng kanyang pinsan. Sinamaan ko lang ng tingin si Althea at bahagyang lumayo sa kanya. "I'm fine." Paninigurong sambit ko. "May iniisip lang ako." Nagkatinginan muna sina Haze at Con sa isa't isa saka ako biglang nginisian. "Tungkol pa rin ba sa babae mo iyan, Cipher?" Nang-aatig nilang sabi. "Bakit binasted ka na ba?" Malakas na napabuntong hininga ako nang maalala muli ang babae sa misteryosong gubat. Malapit ko na siya maabutan kahapon kung hindi lang ako biglang nakalabas sa lugar na iyon. Nakakapanghinayang talaga. Kaunting kaunti na lang ay makikita ko na dapat ang mukha niya. Isa pa sa aking isipin kung bakit doon siya naninirahan kumpara rito sa normal na komunidad. May tinatago kaya siya na hindi dapat malaman ng iba? Pag-angat ko ng tingin ay bumungad ang matalim na tingin ni Althea sa akin. "Sino ba kasi ang babaeng iyan at patay na patay ka." Nakasimangot pa niyang komento. Nagkibit balikat lang ako at muling malakas na napabuntong hininga. "No idea." Namomoblemang pag-amin ko sa kanila. Biglang napangisi sina Con at Haze sa sinagot kk. "Ibig sabihin... meron nga?" Nang-aatig muling sambit nila saka tawang tawa na nag-apiran pa sa harapan ni Althea. "Sana nilapitan mo at tinanong ang pangalan, Kuya Cipher." Payo pa ni Erol sa akin. "Anong year ba siya? Baka alam ko at matulungan kita." Napatikom ako ng bibig dahil hindi ko pwede sabihin ang tungkol sa gubat na iyon sa kanila. Paano na lang kung isipin nila na isa na talaga akong baliw? Hindi na ako magtataka kung bigla na lang nila akong dalhin sa isang mental. Iniling ko na lang ang aking ulo para sabihin na hindi ko rin alam ang sagot sa tanong ni Erol. "Arrgh!" Gigil na gigil na sambit ni Althea at nagpapadyak ng paa. "Bakit ba kasi sa iba ka pa tumingin kung nandito naman ako?" Napailing lang ng ulo sina Haze at Con sa inaasta ngayon ni Althea. "Don't mind her baka hindi lang naturukan siya ngayon ng pampakalma." Komento pa nila at hindi pinansin ang kaibigan nilang nag-liligalig. Nang marinig naman ni Althea ang kinomento ng dalawa ay napatigil siya at matalim na tinignan ang dalawang binata. Hindi nagtagal ay may lumapit sa aming babae na tingin ko ay mas may edad sa amin. Sa tindig pa lang niya ay makikita na punong puno ito ng awtoridad. Kahit sino na makakaharap niya ay maramramdaman kung gaano kalakas ang awrang tinataglay niya. "O nag-aaway na naman kayo." Nakangiting bungad niya kina Althea. Natigilan naman ang tatlo sa kanilang pag-aaway at gulat na napatingin sa bagong dating na babae. "Ate Minao!" Masayang bungad sa kanya ni Erol at mabilis na lumapit rito. "Waaah! Nakabalik ka na!" Nginitian niya kami isa't isa. "Hahaha! Long time no see guys!" Masayang bati niya hanggang dumapo ang tingin niya sa akin. "Ah! Ikaw siguro si Cipher. Nabalitaan ko na sa mga mensahe ni Althea ang tungkol sa iyo." Alanganin akong ngumiti sa kanya at inayos ang aking pagkakaupo. "H-H-Hi po. Nice meeting you po, Ate Minao." Nahihiyang sambit ko sa kanya. "Yeah, nice meeting you." Pagbati niya sa akin. "Nameet mo na ba ang buong gang?" Pagtatanong pa niya sa akin. "Hindi pa, Ate Minao. Tulad mo binigyan sila ng special training ni Tita Naomi." Paliwanag ni Con kay Ate Minao. "Marahil makilala niya ang iba nating kaibigan pagkabalik pa nila." Napatango na lang ng ulo si Ate Minao. "I hope mabuo tayo next time." Malungkot niyang dagdag. "And I wish she's also with us that day." Natahimik ang lahat sa sinambit ni Ate Minao Kahit hindi ko na itanong ay alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Walang ina kundi si Erahliya Nuria. Ang panganay na anak nina Tita Naomi at Tito Aidan. "S-Sana nga..." Umaayong bulalas pa nina Althea. "S-Sana makita na natin siya..." Ilang sandali na namayani ang mahabang katahimikan sa pagitan nila. Mararamdaman ang biglang paglumbay sa kanilang mga mukha. Ang nakakahiya ay tila tanging ako lang ang hindi nakakaramdam nito dahil hindi ko naman kilala at kaibigan si Erah. Mahinang hinila ni Erol ang laylayan ng damit ni Ate Minao para kuhanin ang atensyon nito. "Tagal mo kayang nawala, Ate." Naka-pout na sambit niya. "Saan ka ba dinala kasi ni mama para mag-training? Ayaw niyang sabihin kahit anong pagkukulit ang gawin ko." Namutla panandalian si Ate Minao. "Err... sa M-Mount O-O-Olympia." Nakangiwing sagot ni Ate Minao. Parehong napatayo sina Althea at Laycka dahil roon. "D-Don't tell me..." Nanginginig na sambit ni Althea habang nanlalaki pa ang mga mata. "Ate, you met our... Grandmama?" Dahan dahang tumango si Ate Minao para kumpirmahin ang hinala nila. "Yeah. I met... Elena. I was... trained under her." Pigil hiningang pagpapaalam niya at kahit hindi niya sabihin ay kita sa reaksyon niya kung gaano kahirap ang dinanas niya sa kamay ng witch na si Elena. Namutla rin ang magpinsan at nakiki-simpatya na tinignan pa si Ate Minao. "B-Buti nakabalik ka pa." Natatakot na sambit ni Laycka kaya biglang siniko siya ni Althea para patigilin sa anumang sasabihin. "Shhh! Baka marinig ka ng matandang iyon." Nag-aalalang pagsaway niya sa pinsan. "Alam mo naman ang dami niyang kayang gawin. Baka mamaya nakikinig pala iyon sa lahat ng ating sasabihin!" Nagulat kami nang may biglang mahulog na malaking tipak na bato sa ulo ni Althea. "Arrgh! Bakit ako lang, grandmama?!" Pagmamaktol at pagrereklamo niya sa paligid na akala mo may kausap sa hangin na hindi nila nakikita. "Pati naman si Laycka ah. May favoritism lang?" Muling umulan ng ilang bato kaya mabilis na umiwas si Althea sa kalabang hindi niya nakikita. Napalunok na lang ako sa nasaksihan na pangyayari. Mukhang hindi ko gugustuhin o papangarapin na makaharap pa si Elena. *** Pagkatapos ng aming klase ay humiwalay muna ako kina Haze. Napagpaalam ako sa kanila na pupuntahan ko sina mama sa klinika pero ang totoo ay gusto ko kasing balikan ang punong nabangga ko. Nais ko itong siyasatin dahil baka makakuha ako ng ideya kung paano makakabalik muli sa misteryosong gubat. Ilang araw rin ako hindi nakatulog dahil sa pag-iisip kung sino ba ang babaeng sa misteryosong gubat at kung ano marahil ang itsura niya. Ngunit pagkarating ko sa punong iyon at may matandang lalaki na naunang sa akin na sinusuri ito. Napakunot noo ako habang pinapanuod ang ginagawa niya. Nang maramdaman niya ang aking presensiya ay napalingon siya sa aking gawj. Ramdam ko pa ang tagos kaluluwang pagtitig niya sa akin. Napalunok ako dahil sa nai-intimidate na pagtingin niya. Pakiramdam ko ay tila ba sinusuri niya ang buong pagkatao ko. Ngunit sa kalaliman ng aking pag-iisip ay siyang unti unti paghakbang niya patungo sa akin. Nagulat ako ng iangat niya ang kamay niya at nagliliwanag ito. "A-A-Ano pong gagawin niyo?" Kinakabahang tanong ko sa balak niyang gawin sa akin. Pero nagpatuloy lang siya sa paglapit. Gusto ko mang lumayo pero tila natuod ang mga paa ko sa sobrang takot. "L-Lumayo kayo sa akin..." Natatakot kong sambit "Forget what you see." Seryosong sambit niya habang inilalapit ang kamay sa aking ulunan. "It is still not the right time for her to come back." "P-P-Po?" Naguguluhang sambit ko. "S-S-Sino po ba ang tinutukoy niyo?" Kaunting kaunti na lang ay lalapat na ang kamay niya sa ulunan ko. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . "Lolo Sen?" Napatigil ang matanda sa kanyang binabalak at gulat na gulat na nilingon ang tumawag sa kanya. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita si Tita Naomi sa hindi kalayuan at siyang tumawag sa matandang aking kaharap. "Naomi, hija." Seryosong sambit ng matanda at dahan dahan na ibinababa ang kamay sa kanyang gilid. Kunot noo siya napatingin sa aming dalawa. "Is there a problem?" Tanong niya sa amin pero sa akin nakatuon ang kanyang tingin. "Nothing." Seryosong sabi ng matanda habang iniiling ang kanyang ulo. "Gusto ko lang sana alamin kung okay na siya dahil nalaman ko na bumangga siya sa punong ito." Napakagat labi ako sa kanyang dinadahilan kay Tita Naomi. Unang una, bakit kailangan malaman ng matanda ito ang maliit na insidente sa katulad kong hindi naman importanteng estudyante ng akademya. Idagdag pa ang kakaibang naging akto niya bago dumating ang headmistress. Sigurado ako na nagsisinungaling siya at may ibapang pakay siya sa akin. Ngunit kung tinawag siyang Lolo Sen ni Tita Naomi, ibig sabihin ang matanda ay si Principal Sentiene. Ang kilalang mythical magic user na nagtataglay ng sealing magic at kaibigan matalik ng nakaraan na headmaster. Sa mga kwento sa akin ni mama ay mabait si Principal Sentiene kaya ano naman kaya ang motibo niya sa kanyang gagawin kanina? Sealing magic... Hindi kaya may kung ano na balak siyang i-seal mula sa akin? Kung ano iyon ay hindi ko sigurado lalo na ito ang unang beses na nakita ko siya. Nang nararamdaman ko na ang mga paa ko ay unti unti ako lumayo sa matanda at lumapit naman kay Tita Naomi. Dahil mas malapit kay Tita Naomi ay mararamdaman ko na magiging protektado ako. Tinignan ako ni Tita Naomi dahil sa ginagawa kong pagdikit sa kanya. "Namumutla ka, Cipher." Nag-aalalang sambit niya habang tinitignan ako sa aking muka. "Mukhang hindi ka pa okay kaya ihahatid muna kita sa klinika ng mama mo." Tumango lamang ako at agarang sumunod kay Tita Naomi. Habang naglalakad palayockami ay hindi ko maiwasang lingunin si Principal Sentiene na pinapanuod ang bawat ginagawang paghakbang ko. Nakaramdam pa ako ng kakaibang kilabot sa katawan nang makita ang matalim na tingin niya sa akin. Agaran ako napaiwas ng tingin at mas dumikit pa sa pagsunod kay Tita Naomi. Nang makalayo ako roon ay nagpakawala ako ng malalim na hininga. Mukhang napigil ko ito kanina habang papalayo kami. Bigla namang huminto si Tita Naomi at seryosong hinarap ako. "T-T-Tita Naomi?" Kinakabahang sambit ko sa biglaang pagtigil niya. "He is about to use his magic to you, right?" Pag-uusisa niya na ikinagulat ko. Ibig sabihin ay napansin pala ni Tita Naomi iyon kaya bigla niyang tinawag ang principal para matulungan ako. Sabagay hindi siya tataguriang pinakamalakas kung hindi niya iyon malalaman kahit sa malayo. "Anong ginawa mo?" Tanong pa ni Tita Naomi sa akin na punung puno ng kuryosidad. Binuka sara ko ang bibig ko. Gusto ko sagutin ang tanong niya pero hindi ko rin alam ang totoong dahilan. "S-Sorry, Tita. I don't have even a slightest idea." Pag-amin ko. "Ito ang kauna unahang beses na makaharap ko siya." Tinitigan ako ni Tita Naomi na parang inaalam kung nagsasabi ba ako ng totoo sa kanya. Nang makasiguro ay malakas na napabuntong hininga siya at napameywang na nag-isip. "For now, avoid him at all cost." Mahigpit na payo niya sa akin. "Minsan kasi ay hindi ko alam ang tumatakbo sa isipan ni Lolo Sen. Pero gayun pa man, I know na maganda lagi ang intensyon niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD