Chapter 44

2063 Words

"E-Erret..." Namayani ang katahimikan dahil sa biglang pagbunyag ni Erret ng kanyang lihim para maipagtanggol lamang ako sa galit ni Tito Aidan. Kita ko pa ang gulat at galit sa mukha ni Tito Aidan habang nabaling ang tingin kay Erret. Agad ko naman hinigit palayo si Erret kay Tito Aidan. Mahirap na baka siya ang pagtuunan ng galit ngayon. "Lahat ng nangyari ay dahil sa aking desisyon at hindi dahil sa pangako ko kay Erret." Pagtatanggol ko sa binatilyo. Napaatras ng ilang hakbang palayo sa amin si Tito Aidan. "So it's really you huh..." Hindi makapaniwalang sambit ni Tito Aidan. "May hinala na ako ngunit gusto ko na kayo mismo ang magkumpirma." "A-Aidan..." Naiiyak na sambit ni Tita Naomi at hindi malaman kung hahawakan ba niya ang kanyang asawa. Dismayadong nilingon naman ni Tito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD