Patrick Cervantes
Nagtitingin-tingin ako ng restaurant na rerentahan para sa gagawin kong pagpo-propose sa long time girlfriend ko.
Matagal na rin kaming magkasintahan at sa tingin ko ito na ang tamang panahon para makapag-umpisa na kami ng sariling pamilya.
Wala na akong iba pang nanaisin pang makasama habang buhay kundi si Ericka lang kahit tutol pa si Daddy at ang nakakatanda kong kapatid na babae.
"Sir Patrick, napatawag po si Mr. Cervantes." ani ng sekretarya kong si Menchu.
"Which one?" Lima kasi kaming lalaki sa pamilya.
"'Yung Daddy niyo po. Sabi niya umuwi po kayo ng maaga at may importante siyang sasabihin."
"Wala na ba akong appointment sa raw na 'to?"
"Wala na po, Sir."
"Okay. Uuwi tayo ng maaga ngayon pero bago ka umalis siguraduhin mo munang nakaset na ang lahat ng appointments ko for tomorrow."
"Ariglado, Sir."
"Sige mauuna na ako."
Sinalubong ako ni Nanay Caring ang naging yaya naming lahat na magkakapatid at hanggang ngayon naninilbihan pa rin sa'min hindi na bilang yaya kundi bilang mayordoma ng mansyon. Ayaw rin niya kasing magretiro at umalis. Gusto pa niyang makita na magkakapamilya kami.
"Kanina ka pa nila hinihintay, anak. Nando'n sila sa library ng Daddy mo." ani ni Nanay Caring.
"Sino pong sila, Nay?"
"Mga kapatid mo. Pati si Paris."
Napakaimportante siguro kung bakit kami pinatawag ni Dad lahat.
"Pumasok ka na, Patrick." Ani ni Dad nang sumilip ako sa nakaawang na pinto.
Sa pagpasok ko nakita kong pinapatahan nina Angelo at Knch, si Ate Paris.
"Anong nangyayari rito?"
Napatingala si Paris at agad yumakap sa kanya.
"Anong nangyari sa'yo, Ate? Iniwan ka naman ba ng boyfriend mo?"
Agad napahiwalay ng yakap si Ate Paris at tinaasan ako ng kilay.
"Hindi no. Mahal na mahal ako ng boyfriend ko at magpapakasal na rin kami soon." ani ni Ate Paris niya at bumalik sa kanyang kinauupuan kanina na parang wala ng nangyari.
"So, Dad, anong importanteng pag-uusapan natin at kompleto tayong lahat?"
"Actually, kayo lang namang dalawa Patrick at Paris ang kakausapin ko. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng tatlong 'yan dito." Tukoy ni Dad sa tatlo ko pang kapatid na lalaki.
"Hindi ko nga po alam bakit ako nandito, e, tinutulungan ko lang si Nanay Caring na maggayat ng gulay nang bigla akong hatakin ni Kuya Gelo." Katwiran ni Knch.
"Hinatak din naman ako ni CJ kaya damay-damay na 'to." ani ni Angelo.
"Sige Dad, mga kapatids sisibat na ako. Nakalimutan kong pinapabili pala ako ni Herababe ng diaper ni Carrie." ani ni CJ saka dali-daling sumibat.
"At kayong dalawa? Ano pa ang ginagawa niyo rito?" ani ni Dad.
Nag-uunahang lumabas ang dalawa ng silid.
"So, ano nga Dad?"
"Hijo, alam kong marami ka ng naisakripisyo para sa Manifest." ani ni Dad.
"Dad, let's get straight to the point marami pa akong gagawin."
"I want you to marry the daughter of my friend." ani ni Dad.
"What?!" Bigla akong napatayo sa sinabi niya.
"Arrange Marraige, Dad? Uso pa ba 'yan sa panahong ito?" Singit ni ate Paris.
"But Dad, bakit ako? Nand'yan naman si Angelo. Si Knch."
Bakit ko, e, may girlfriend ako at nagpaplano na akong pakasalan ito.
"Pabagsak na ang MC Apparels at nagra-rally na ang mga empleyado natin ro'n. Mabuti na lang napakiusapan sila ng maayos at itinigil ang rally. 'Yun nga lang kailangan natin silang bayran ng double sa sinasahod nila." ani ni Dad.
Tinapunan ko ng tingin si Ate Paris. Siya ang namamahala ng MC Apparels.
"Paano nangyari 'yun? Akala ko ba maayos ang pagpapatakbo mo ro'n?" Biglang napayuko si Ate Paris.
"Tama na, Patrick. 'Wag mo ng dagdagan ang bigat ng nararamdaman ng Ate mo." ani ni Dad.
Napakahalaga sa'min ang MC Apparels dahil si Mommy pa ang nagtayo nito.
"Dad, wala na ba ibang paraan para matulungan ang MC? Hindi kaya ng konsensiya ko na makasal si Patrick sa hindi niya mahal dahil sa kagagawan ko." Naiiyak na ani ni Paris.
Hindi ko mapigilang makonsensiya nang makitang umiiyak ang nag-iisang prinsesa ng pamilya nila.
Hindi rin kasi pwedeng makahiram sa Manifest dahil kasalukuyan kaming gumagawa ng bagong pabango at malaki-laki rin kakailangin naming pundo para do'n.
At sigurado rin akonh walang gaanong kalaking pundo rin ang publishing na pinamamahalaan ni CJ.
"Dad, kung papayag ba ako sa gustong mangyari ng kaibigan niyo nakakasiguro ba kayong tutulungan nila ang MC Apparels?"
"Oo dahil siya mismo ang nagbigay ng kondisyon na 'yan at kilala ko ang kaibigan kong ito na mayroong palabra de honor." ani ni Dad.
"Pero Dad, hindi tama na-". Pinutol ni Dad ang pagsingit ni Paris.
"Ayos lang Ate. Hindi ko rin naman kayang mawala sa atin ang MC Apparels. Pinaghirapan 'yun ni Mommy."
"Patawarin mo ko, Rick. Kung hindi lang ako tanga hindi mangyayari sa'tin 'to." ani ni ate Paris.
"Walang kang kasalan Ate. Dapat pa nga magpasalamat kami sa'yo dahil ikaw ang nagboluntaryong mamahala ng MC na dapat tayong lima ang magtulong-tulong."
"'Wag kang mag-alala, Rick. Sisiguraduhin kong mabait 'yang mapapangasawa kung hindi itatapon ko talaga siya sa dead sea." ani ni ate Paris.
"O, siya fixed na ang problema natin sa MC Apparels. Patrick, magpahinga ka na sasabihan na lang kita kung kailan tayo lilipad papuntang Los Angeles para i-meet mo ang kaibigan ko at ang fiancee mo." ani ni Dad.
"Sige Dad."
Lugmok na lugmok akong lumabas ng study room ni Dad. Oo, nakahanda na akong magpakasal pero hindi para sa negosyo at sa babaeng hindi ko naman mahal at kilala.
-----***-----
"Thank you." ani ni Ericka Singson, ang girlfriend sa waiter matapos ma-serve lahat ng in-order namin.
Matapos mag-usap namin kanina tinawagan ko si Ericka at nakipagkita. Ayoko munang isipin ang problema sa MC Apparels at ang pinag-usapan namin kanina.
"Babe, Is there something wrong? Kanina pa ako nagkukwento mukhang hindi ka naman nakikinig." ani ni Ericka.
"Wala. Babe, ano nga ulit 'yung kinu-kwento mo?"
"Sigurado ka bang walang problema?" Tila hindi kombisido si Ericka ngayon lang kasi niya nakita ang boyfriend na malalim ang iniisip.
"Yes, babe. So, ano nga 'yung kweninto mo kanina?"
"Okay basta kung may problema ka 'wag kang mahiyang magsabi sa'kin."
I'm so lucky to have Ericka as my girlfriend. Mabait na. Talented pa. Isa itong freelance model.
"Ganito 'yun, kilala mo si Roxy Feliciano, 'yung leader ng sorority na sinalihan ko no'ng nasa college pa tayo. Ikakasal na siya. And Guess what Babe hindi si Phil na matagal na niyang boyfriend ang groom niya kundi isang stranger guy. Arrange Marraige raw sabi ng friends namin. Biruin mo, Babe, uso pa pala ang arrange marraige sa panahon ngayon."
Bigla akong nabilaukan sa kwento ng niya gano'n na gano'n ang mangyayari sa'kin oras na hindi ako makaisip ng paraan para hindi matuloy ang arrange marraige namin ng anak ng kaibigan ni Dad.