Patrick Cervantes
"Sooner later matutuloy rin ang kasunduan itaga mo 'yan sa bato." ani ni Dad sa kabilang linya bago pinatay ang tawag.
'Yun ang naabutan ko nang makapasok akp sa hapag-kainan.
"Good morning, Dad! Sino ba 'yung kausap mo kiaga-aga na ha-high blood ka. 'Yung kaibigan mo ba 'yun?" ani ko habang nagtitimpla ng kape sa kitchen counter.
"Hindi. Si Rodrigo. Tama si Tito Rodrigo mo ang kausap ko. Tinatanong niya kung nakauwi na ba galing sa honeymoon sina CJ at Hera." Mukhang nagpapalusot lang itong si Dad.
"Ahh. Gano'n po ba."
"Good morning my wonderful family!" Bati ni ate Paris na kakapasok pa lang.
"Princess, kiaga-aga bihis na bihis ka. Saan ang lakad mo?" ani ni Dad.
"Dad, ihahatid ko sa school si bunso." Masayang ani ni ate Paris. Siya kasi naghahatid-sundo sa aming bunso noon nang hindi pa siya lumipat sa Los Angeles.
Nakasimangot na lumabas sa likod ni ate Paris si Knch.
"Ate naman, e. Nakakahiya. 4th year highschool na ako kaya ko ng pumunta sa school mag-isa." Reklamo ni Knch.
"Aba Knch! Kinakahiya mo ang ganda ng Ate mo? No'n nga ako pa ang nagpapaligo sa'yo. Nakikiliti ka pa nga kapag sinasabunan ko ang pototoy mo." ani ni ate Paris.
"Ate!" Pulang-pula ang mukha ni Knch sa pinagsasabi ni ate habang ang kami ni Dad nagpipigil ng tawa.
"Bakit hindi ba? Naku! Bunso, gusto lang naman kitang ihatid sa school niyo." ani ni ate Paris.
"Fine hanggang sa gate lang." ani ni Knch.
"Dad, sobrang tanda ko na ba? Kasal na si CJ. Itong si Patrick naman ikakasal. Si Gelo, magti-third year na sa college baka nga may nabuntis na."
"Grabe ka naman Ate, wala nga akong girlfriend. Nililigawan pa lang." Singit ni Angelo.
"At itong si Knch binata na. Bakit hanggang ngayon hindi pa rin nagpo-propose si Helia my honeybunch sa'kin?" Patuloy ni ate Paris.
"Isa lang ang masasabi ko sa'yo, ate. 'Wag kang magmadali kung ayaw mong-" Naputol ang sasabihin ko nang biglang sumingit sina CJ at Gelo.
"Malusyang agad." Agad tumakbo palabas ng dining area ang dalawa.
"Mga talipandas kayo." Hinabol naman ni atw Paris ang dalawa.
"Ate, mala-late na ako. Ihahatid mo pa ba ako?" Habol din ni Knch.
"Itong mga kapatid mo talaga parang mga bata pa rin. Nagtataka nga ako kung bakit pinatulan ni Hera ang Kuya CJ mo." Iling-iling na ani ni Dad habang pinagmasdan ang nilabasan ng mga kapatid ko.
"Naglalambingan lang po ang mga 'yan, Dad. Sige po aalis na ako marami pa akong gagawin sa opisina."
"Sige mag-ingat sa pagmamaneho. Siya nga pala tapusin mo na lahat na kailangan mong tapusin. Sa linggo na ang alis natin papuntang Los Angeles do'n natin ime-meet ang kaibigan ko at ang fiancee mo." ani ni Dad.
Hindi ko inaasahan na agad-agad kaming magkikita ng fiancee ko. Inaasahan kong mga dalawa o tatlong buwan pa bago kami magkita. Tila minamadali ng Dida ang pagpapakasal naming dalawa.
"Okay po, Dad."
-----***-----
"Hmm. Super busy naman ng boyfriend ko."
Napatigil ako sa'king ginagawang pagbabasa ng mga papeles nang marinig ang boses ni Ericka.
Nakita ko siyang nakapamewang sa harapan ko.
"Oh, hi babe. Pasensiya hindi kita napansing pumasok."
Agad akong tumayo at lumapit kay Ericka saka niyakap at dinampian ng mabilis na halik sa labi.
"Akala ko nambabae ka na kaya hindi mo sinagot ang mga tawag at text ko." ani ni Ericka.
"Pasensiya na babe kailangan ko kasi matapos ang lahat ng 'to bago mag-week end. Aalis kasi kami ni Dad sa linggo papuntang Los Angeles."
"Kailan pa sinabi ng Daddy mo na aalis kayo? At hindi mo man lang sinabi sa'kin? Akala ko ba mahal mo ako?" Nagtatampong ani ni Ericka.
Hindi lingid sa kaalaman ni Ericka na hindi siya gusto ng pamilya ko maliban kay Knch na walang pakialam kung sino man ang magiging girlfriend namin as long as masaya kami.
"No'ng huling nagkita tayo."
"Bakit hindi mo sinabi sa'kin? Nakapag-promise pa naman ako kay Tita Margaux na isasama kita sa family reunion namin this week end."
"Pasensiya na babe. Nawala kasi sa isip ko. Alam mo naman na kapag magkasama tayo ikaw lang ang nasa isip ko."
"Hmp. Nambobola ka na naman."
"Kailan pa kita binola? Hmm."
"Oo na. Pero paano 'yung reunion? Inaasahan ka pa naman nila." Malungkot na ani ni Ericka.
"Babe, ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa kanila. Hindi kasi namin maaaring i-delay ni Dad ang lakad namin. Pabagsak na kasi ang MC Apparels."
"OMG! Fan na fan ako ng MC. Bakit nagkagano'n? Lahat ng damit ko ay MC. This can't be."
"Kaya nga babe dapat maisalba namin agad ang MC bago tuluyan itong bumagsak. Maaawa ako sa mga empleyado na mawawalan ng trabaho."
"Okay-okay. Ako na bahala magpaliwanag sa kanila basta 'wag mong hayaang bumagsak ang MC, babe."
"Thanks, babe."
Wala na akong ibang nais makasama kundi si Ericka lang pero hindi sang-ayun sa'min ang tadhana. Ipagdasal ko na lang na sana mapakiusapan ko ang kaibigan ni Dad na 'wag na lang ituloy ang kasal namin ng anak nito.
Nakapag-isip na ako ng plano no'ng nakaraang gabi. Ang makipag-usap sa kaibigan ni Dad at kung palpak man ang plano ko may nakahanda akong plan B 'yun ay ang pakiusapan mismo ang anak ng kaibigan ni Dad.
"Marami ka pa bang gagawin, babe? Pwede naman dito na lang tayo magdinner. Mag-order na lang tayo sa restaurant." ani ni Ericka habang hinahanap sa cellphone niya ang numero ng gusto niyang restaurant.
"Ikaw na bahala, babe. Pwede namang iutos na lang natin kay Menchu."
"Ayos lang babe. Marami rin naman atang ginagawa si Menchu. Tinanguhan lang nga niya ako nang makita ako."
"Pasensiya, babe. Marami rin kasi akong pinapa-move na appointments kay Menchu. Milagro nga at hindi pa nagrereklamo 'yun."
"Kaya bawas-bawasan mo ang pagiging strict mo sa kanya. Sa lahat ng naging secretary mo si Menchu ang pinakagusto ko. Hindi siya tulad ng mga secretary mo na inakit-akit ka noon." Taas kilay na ani ni Ericka.
"Hindi naman nila ako naakit dahil sa'yo lang ako naaakit."
Hahalikan ko na sana si Ericka nang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya at iniluwa si ate Paris.
Agad akong dumistansya kay Ericka habang ang huli ay umupo sa upuan malapit sa kanya.
"Sorry interrupt your lovey dovey but Rick kanina pa tawag ng tawag si Dad sa'yo hindi ka raw sumasagot." ani ni ate Paris.
"Pasensiya hindi ko napansin."
"Yeah right. Kaya pala tumawag si Dad dahil gusto niyang sabay tayong pamilya na maghapunan sa bahay." Mataray na ani ni ateParis habang nakatingin kay Ericka.
"Oo nga babe, 'wag ka ng mag-order sa bahay na lang tayo magdi-dinner."
"Next time na lang, babe." Mahinang ani ni Ericka.
"Are you sure, babe?"
"Yes babe. Minsan lang naman kayo magkasabay kumain na magkapamilya at saka do'n na lang ako kina Tita Margaux." ani ni Ericka.
"Gano'n naman pala. Rick, let's go. Wala akong dalang sasakyan kaya makikisakay ako sa'yo." ani ni ate Paris.
"Okay but we drop Ericka first."
"Whatever. I'm waiting in your car." Naunang lumabas si ate Paris.
"Babe, pasensiya ka na inasal ni Ate. Alam mo na 'yung about sa MC Apparels."
"Ayos lang, babe. Naintindahan ko naman ang ate mo. Halika na baka magalit pa ang ate mo sa'yo sa tagal natin."
"Sorry talaga, babe."