Dinalaw nina Marcus Cervantes at Rodrigo Davin ang kanilang matalik na kaibigan sa ospital. Bitbit nila ang iba't-ibang klase ng prutas at isang pong-pong ng bulaklak.
"Pare, kumusta ka na?" ani ni Rodrigo habang nilalagay sa vase ang bulaklak na dala.
"Ito malapit na ang deadline." Natatawang ani ni Lorenzo Dominguez.
May leukemia si Lorenzo at huli na nang malaman nila ito.
"Nakuha mo pa talagang magpatawa. Hindi mo man lang inaalala ang nararamdaman naming mga kaibigan mo." ani ni Marcus na napatigil sa pagbabalat ng dalandan.
"Saan pa ba ang kahahatungan ko? E, do'n lang din naman." ani ni Lorenzo.
"Alam niyo mga pare nakita ko si Martha sa panaginip ko. Sinusundo na niya ako." Pagpatuloy niya.
"Sabihin mo r'yan kay kumareng Martha na 'wag ka munang sunduin. Paano kami? Hindi na makokompleto ang 3 musketeers. Si Athena. Ang bata-bata pa ng anak mo. Wala na nga siyang ina. Mawawalan pa siya ng ama." ani ni Marcus.
Biglang nalungkot si Lorenzo nang maalala ang anak. Paano kung mawala na siya? Sino na lang ang mag-aalaga sa nag-iisa niyang anak? Wala naman siyang kilalang kamag-anak dahil 0 lang siya ng kinikilalang magulang at mawala na rin ang mga ito.
Napatitig siya sa dalawang kaibigan na nakatitig din sa kanya.
"Pare, bakit ganyan ka makatitig? May nararamdaman ka bang masakit? Gusto mo tumawag ako ng doktor? " ani ni Rafael.
"Wala, pare may naisip lang ako bigla."
Ihahabilin niya ang anak sa pinagkakatiwalaan niyang tao at 'yun ang dalawa niyang kaibigan. Sigurado siyang hindi pababayaan ng mga ito ang anak.
"Pare, may hihingin sana akong pabor sa inyo." ani ni Lorenzo.
"Ano 'yun, Pare?" ani ni Marcus.
"Pare, alam niyo naman na laki kami ng asawa ko sa ampunan at wala kaming kilalang kamag-anak. Nais ko sanang ihabilin sa inyo ang pangangalaga kay Athena kapag nawala na ako." ani ni Lorenzo.
Nagkatingan sina Marcus at Rodrigo. Tila nag-uusap ang kanilang mga mata kung sino sa kanila ang mangangalaga sa anak ng kaibigan at pareho silang may pamilya at buntis pa sa pangatlo nilang anak ang asawa ni Marcus.
"Ayokong mapunta sa bahay ampunan si Athena. Ayokong maranasan niya ang naranasan namin ni Martha at saka kilala na niya kayo." Patuloy ni Lorenzo.
Sabay napatingin ang magkakaibigan sa pinto nang may kumatok. Mayamaya'y pumasok ang isang walong taong gulang na babae.
"Magandang hapon po mga Tito at sa'yo rin Daddy."
Pinagmamasdan lang nina Marcus at Rodrigo ang batang si Athena Shane habang binababa ang dalang bag sa sofa. Kagagaling lang nito sa skwela at dumiretso lang sa ospital para makasama ang ama.
"Daddy, may surprise po ako sa inyo. Ito po 'yung report card ko. Sabi po ng teacher namin top 1 po ako sa klase at may medal po ako sa recognition day namin. Gusto ko po ikaw ang magsabit no'n." ani ni Athena Shane.
"Baby, you already knew my condition, right? I can't promise but your Titos are here. They're definetly join you up in stage." ani ni Lorenzo.
Malungkot namang naupo si Athena Shane sa tabi ng ama at nakita ng dalawa ang pagkalugmo ng bata.
"Cheer up, Shane. Ako ang magsasabit sa'yo ng medalya mo tapos ivi-video tayo ng Tito Marcus mo para makita ni Daddy Enzo mo. Ayos ba sa'yo 'yon?" ani ni Rodrigo nang tinabihan si Athena sa upuan.
Nakapagdesisyon na rin si Rodrigo na siya na ang magiging guardian ni Athena oras na mawala ang kaibigan.
Siguradong ayos din naman sa asawa ang desisyon niya. Gusto pa nitong magka-anak pa sila kaya lang hindi na ito maaaring magbuntis dahil sa kondisyon nito sa sakit sa puso.
"Oo nga baby, maganda ang idea ng Tito Rodrigo mo. Dito na lang ako hihintayin kita at sabay nating papanoorin ang video mong sinasabitan ka ng medalya." ani ni Lorenzo.
"Sige po basta magpagaling po agad kayo Daddy para sa susunod ikaw na po ang magsasabit ng medalya ko."
Muling nagkatinginan ang magkaibigan. Ang alam lang ng bata ang sakit ng ama pero hindi alam nito na hindi na gagaling ama.
"Sweetie, can you get me a juice? 'Yung lagi mong binibigay sa'kin t'wing pupunta ka rito." ani ni Lorenzo.
"Oh, no! Nakalimutan ko magmadala. Sige po Daddy do'n sa baba ko lang naman po binili 'yun. Kayo po Titos gusto niyo rin po ng juice?" ani ni Athena.
"Sige darling. Basta mag-iingat ka." ani ni Rodrigo.
"Opo. 3 juices coming up." Dali-daling lumabas ng kwarto si Athena Shane.
Nang masigurong nilang nakalayo na ang bata muling nag-usap ang magkakaibigan tungkol sa sinong magiging guardian ng bata.
"Ako na magiging guardian ni Athena. Pareho naman naming gusto pa ng anak ni Angie at hindi na siya maaaring magbuntis pa kaya sa'min na lang si Athena. Magkasundo naman sina ni Hera." ani ni Rodrigo.
Napangiti si Lorenzo sa desisyon ni Rodrigo. Sa isip ni Lorenzo any moment pwede na siyang sumama sa asawa.
Ang anak lang naman niya ang inaalala niya kapag wala na siya pero ngayong nasisiguro na siyang nasa mabuting kamay ang anak ay pwede na siyang mamaalam.
"Ako man pare gustong-gusto ko maging anak si Athena Shane pero hindi sa ganitong paraan." ani ni Marcus.
"Anong ibig mong sabihin?" ani ni Lorenzo.
"Gusto ko siyang maging anak oras na mag-asawa sila ng pangalawa kong anak. Si Patrick." ani ni Marcus.
Nagkatinginan sina Lorenzo at Rodrigo.
"Arrange Marraige? Mauuso pa ba pagdating ng panahon?" ani Rodrigo.
"Pero pare gusto ko si Athena Shane ang pipili ng gusto niyang mapangasawa." ani ni Lorenzo.
"Oo nga pare. Kung ako man ay gusto ko si Hera rin ang pipili ng gusto niyang mapangasawa." ani ni Rodrigo.
"Believe me pare kahit walang arrange marraige magkakatuluyan ang dalawa." ani ni Marcus.
"Ipagpilitan mo maglapit ang mga bata?" ani ni Rodrigo.
"Hindi. Alam nating maliit lang ang mundo at sigurado akong magko-cross ang landas ng dalawa pagdating ng araw." ani ni Marcus.
"Sige ipagpalagay natin na magko-cross nga ang landas ng dalawa. Paano mo masasabing magkakatuluyan sila?" ani ni Rodrigo.
Napaisip si Lorenzo sa diskusyon ng dalawa. Nasisiguro na niya na maayos ang magiging kalagayan ng anak sa pangangalaga ni Rodrigo pero paano kapag nag-asawa na ito? Ayaw niyang mapunta ang anak sa kung sino-sino lang baka saktan lang nito si Athena.
Pero kung sakaling papayag siya sa gusto ni Marcus na pagdating ng panahon ipapakasal ang Athena Shane niya sa anak nito nasisiguro niyang nasa maayos ang kalagyan ito. Kilala niya si Marcus at alam niyang hindi rin pababayaan ang anak niya.
"Sige pumapayag na akong maikasal ang anak ko sa anak mo Marcus pagdating ng tamang panahon." ani ni Lorenzo.
"Pero Enzo akala ko ba gusto mong si Athena Shane ang mamili ng papangasawa niya." ani ni Rodrigo.
"Mabuti na ring isa sa anak ni Marcus ang mapapangasawa ni Athena Shane nakakasiguro akong mapupunta siya sa mabuting kamay." ani ni Lorenzo.
Ningiti-ngiti naman si Marcus sa naging desisyon ni Lorenzo.
"Hindi ka magsisisi, Pare nasa mabuting kamay ang iyong unica hija." ani ni Marcus.
"Siguraduhin niyo lang natutupad kayo sa usapan kapag hindi mumultuhin ko kayong dalawa." ani ni Lorenzo.
"Wala namang ganyan, Pare." Sabay na ani ng dalawa.