Patrick Cervantes "Good morning, Rick! How's the night with your first love?" ani ni Ate na kakapasok pa lang ng kusina. Pinaningkitan ko siya ng mata. Una palang alam na niyang si Athena ang fianceé ko hindi man lang sinabi. "Oh! Nagtatampo ka pa rin kay Ate?" Sa kanya ko unang pinakilala si Athena noon. May usapan kaming magkakapatid na lalaki na dapat kay Ate unang ipakilala ang magiging girlfriend namin. "'Wag ka ng magtampo, Rick. Diba na suprise ka? Kwento nga ni Dad titig na titig ka kay Athena. Kung hindi lang daw sinabi ni Athena na magkakilanlan muna kayo, ipapakasal na agad kayo ni Dad." Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ko lang ang paghigop ng kape. "Para sa'kin, mean to be talaga kayo ni Athena. Hindi kagaya no'ng girlfriend mong plastic na oportunista pa." Hind