Patrick Cervantes Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na sa dinadami ng babae sa mundo si Athena Shane Dominguez pa ang fianceé ko. Habang magkasama kami kanina muling bumalik sa'kin ang mga ala-ala kung paano kaming unang nagkakilala. First year highschool palang kami nang una kong makilala si Athena. Magkaklase kami at lagi kaming magkakagrupo kapag mayroong mga activities. Pinagmamasdan ko lang siya habang masayang nakikipagkwentuhan sa iba pa naming kaklase. Matalino, mabait at napaka-friendly nitong si Athena kaya walang dudang maraming nagkakagusto sa kanya at isa na ako ro'n. Break time namin no'n at naghahanap ako ng mauupuan nang biglang may tumawag sa'kin. "Cervantes, dito." Nakangiting tinawag niya ako habang tinatapik ang upuan sa tabi niya. Tila nagslo-mo an