Athena Shane Dominguez Nag-aya pa hindi naman pala nagplano kung saan kami pupunta. Sinira lang niya ang beauty rest ko. Minsan na nga lang makapag-relax dahil super busy kami sa restobar namin ni Besty. Speaking of besty, hindi ko pa pala nasabi sa kanya kung sino ang fianceé ko. Siguradong mawewendang 'yun. Napalingon ko kay Patrick ang alam ko nakasunod lang siya sa'kin. At 'yun nga nasa labas lang siya ng store at may kausap sa cellphone niya. Lumabas ako ng store at muling nagpalakad-lakad. Window shopping lang kumbaga. Mas nag-e-enjoy kasi akong mag-window shopping kaysa magshopping talaga. Mauubos pa ang pera mo. Hindi naman sa kuripot akong tao may pinaglalaanan lang na mas importante. Sa paglalakad ko, nakakita ako ng isang pet store. Pumasok ako at nagtitingin-tingin sa mga