Patrick Cervantes Hindi ko mapigilang maiinis do'n sa mga lalaking bisita namin kanina. Halatang nagpapapansin kay Athena at ito namang asawa ko gusto-gustong pinapansin siya nong mga lalaki, e, mas di hamak na gwapo at macho pa ako sa mga 'yun. "Hoy! Anong problema mo at nakabusangot ka r'yan? Kanina lang ang lapad-lapad ng mga ngiti mo do'n sa mga babae." aniya na kakapasok palang. Nauna na akong bumalik sa loob ng bahay dahil naiinis ako. "Wala akong problema baka ikaw." "Ako? Sa pagkakaalam ko wala naman akong problema. Ano bang nangyayari sa'yo? May buwanang dalaw ka ba?" "Wala akong bu- Teka, lalaki ako." Aba! Loko 'to, a. "Paiba-iba 'yang mood mo. Malay mo, diba? D'yan ka na nga maghuhugas pa ako ng mga plato." aniya. Wala kami ibang ginawa ni Athena buong araw kundi ang man