Athena Shane Dominguez After doing all my morning rituals. Bumaba na ako. Siyempre, bilang isang butihing may bahay ay dapat maghahanda ka ng almusal n'yo ng mister mo. Kahit naman arrange marraige lang kami ay dapat kumilos pa rin sa naaayung gawi ng isang ordinaryong mag-asawa. Pero hindi pala ako ang naunang nagising sa'min dahil naabutan ko na si Patrick sa kusina na nakasuot lamang ng puting sando at jogging pants na pinatukan ng apron na kulay pink at kasalukuyang nagluluto ng almusal. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ko ang sinabi niya noong nasa high school pa lamang kami na kung mag-aasawa siya ipaghahanda niya ng almusal araw-araw kung may oras pa siya. Siyempre, papasok pa raw siya sa trabaho. "Good morning! Sandali na lang ito. Gutom ka na ba?" aniya nang mapansin