Patrick Cervantes Maaga akong nagising dahil balik trabaho na ako. Naka-two weeks leave lang ako sa opisina para sa preparation sa kasal at sa honeymoon namin ni Athena. Pababa na ako ng makarinig ako ng marahang pagbukas ng gate. Sinong nagbukas ng gate? Hindi naman siguro si Athena 'yun. Malamang tulog pa 'yun at humihilik pa sa kwarto niya. Hindi rin naman siguro magnanakaw 'yun. Hindi basta-basta napapasok ang subdivision na 'to lalo na kung wala kang gate pass o wala ka sa listahan ng bibisita ng mga home owners. At saka wala naman sigurong magnanakaw na magnakaw sa umaga. Kinuha ko 'yung may kalakihang vase at dahan-dahang pumwesto sa gilid ng pinto. Inihanda ko ang aking sarili nang pinihit nito ang doorknob at binuksan ng dahan-dahan. Ihahampas ko na sana ang base ng puma