Patrick Cervantes
Palabas na ako ng banyo nang magring ang cellphone ko. Nakita kong pangalan ni Ericka ang naka-flash sa screen kaya pinili ko munang sagutin ang tawag bago bumalik sa mesa namin.
Palabas na sana ako nang restaurant na may bumangga sa'kin.
"Miss, I'm sorry. I didn't see you comin'." Hindi ko talaga siya napansing pumasok.
Nag-angat ng tingin ang babae at hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Bakla na kung bakla pero 'yun talaga ang naramdaman ko nang mapagsino ko ang babaeng nakabungguan ko.
"Athena?"
Nakita kong hindi rin niya inaasahan na magkikita kami base sa mukha niyang gulat na gulat.
After 7 years ngayon lang ulit kami nagkita. Gano'n pa rin ang itsura niya 'yung simple pero nakakaakit.
Ano ba 'tong pinagsasabi ko?
"Long time no see. Kumusta ka na?"
Bakit parang gusto kong malaman kung kumusta na siya?
Hindi kasi kami in good terms nong huli naming pagkikita. 'Yun 'yung panahon na nalaman kong niloko niya ako. Pagkatapos no'n hindi ko na siya nakita.
"Oh! Hi! Okay lang naman. Sige, mauna na ako late na kasi ako sa meeting ko." aniya saka dali-daling umalis.
Sayang naman. Gusto ko pa sana siyang makausap. Parang bigla kong namiss 'yung dati naming ginagawa. 'Yung simpleng kwentuhan lang tapos sabay na tatawa kung may nakakatawa.
Ano ba 'tong mga pinagsasabi ko?
"Excuse me, Sir. Your phone."
Nabaling ang attention ko sa waiter na nasa harap ko. Hawak niya ang cellphone ko na nagri-ring pa rin.
Nakalimutan ko tumatawag nga pala si Ericka.
Napatingin ako sa waiter. Teka, paano 'to napunta sa kamay niya? Nalaglag siguro nang magkabunggo kami ni Athena kanina.
"Thank you."
Kinuha ko ang phone at dumiretso sa labas ng restaurant.
"Hello babe!"
"What keeps you busy na hindi mo agad nasagot ang tawag ko?" Seryosong ani ni Ericka sa kabilang linya.
"Sorry, babe. Kasama ko kasi si Dad at may meeting kami ngayon."
"Oo nga pala, babe. Pasensiya ka na akala ko kasi nambabae ka na r'yan kaya hindi mo agad nasagot ang tawag ko."
"Anyway, babe guest what kung sino ang nakita ko rito sa Los Angeles."
Siguradong matutuwa si Ericka. She been longing to see her best friend. Tulad ko matagal na rin no'ng huli silang magkita.
"Spill it, babe. You know naman na I'm not good in guessing."
"Si Athena."
"Who?"
"Si Athena. 'Yung best friend mo."
"Yeah. Yeah. I know. The cheater."
"Babe, stop it. Matagal na 'yun and I'm already move on at saka ikaw na ang mahal ko."
"I didn't forget kung paano ka niya niloko noon."
"Matagal na 'yun, babe. Kalimutan mo na 'yun. We're happy now."
Si Ericka ang tumulong sa'king makapag-move on sa ginawang panloloko sa'kin ni Athena noon.
"Baka bumalik ang feelings mo for her and you forget about me."
"Hindi mangyayari 'yun, babe. I love you. I love you."
"I love you too. Sige na babe tinatawag na nila ako. Call me from time to time, a."
"Okay. Just enjoy your reunion."
Mahal ko si Ericka. Natuwa lang ako nang makakita ang isang kakilala na matagal mong hindi nakita at 'yun ang naramdaman ko nang makita si Athena. Nothing else.
Inayos ko muna ang sarili ko bago muling pumasok sa restaurant. Tinanguhan ko lang 'yung guard nang nagbukas sa'kin ng pinto.
Napatigil ako sa paglapit sa mesa namin nang may nakita akong babaeng nakaupo sa tabi ni Tito Rodrigo at masayang nakikipag-usap kay Dad.
Siya na ba ang fiancee ko?
Muling bumilis ang t***k ng puso ko kagaya nang makita ko si Athena habang papalapit sa kanila.
Kinakabahan lang siguro. 'Yun 'yun. Walang ibang kahulugan.
"Did I miss something?"
"Nand'yan ka na pala. Akala ko na-flush ka na sa inidoro. Maupo ka na rito." ani ni Dad.
"Sinagot ko lang 'yung tawag sa labas."
Umupo na ako sa tabi ni Dad at laking gulat ko kung sino ang nasa harap ko.
"We meet again." Ningitian ko si Athena na halatang tense na tense sa kinauupuan niya.
Hindi ko inaasahang siya ang fiancee ko.
"Magkakilala na kayo?" ani ni Dad.
"Magka-"
Sasabihin ko sanang magkaklase at magkaibigan kami pero naunahan niya ako.
"Nagkabanggaan po kami kanina sa labas, Ninong. Hindi ko po kasi siya nakita."
"Akala ko pa naman magkakilala na kayo. 'Pag nagkataon ipapakasal na namin kayo agad. Guest like kailangan niyo pang magkakilanlan."
May mabuti rin pa lang maidudulot ang hindi pagsabi ng totoo.
"Agree ako, kumpadre. Hayaan na muna natin silang magkakilala na dalawa." ani ni Tito Rodrigo.
"Ayos lang ba sa inyo 'yun? O gusto niyong ipakasal na namin kayo agad." ani ni Dad.
Nakatitig lang ako sa kanya mula ng maupo ako. Hindi pa rin kasi ako makapaniwalang si Athena ang magiging fiancee ko.
Minsan ring akong nangarap na maikasal sa kay Athena. 'Yung panahon na kami pa at hindi ko pa nalaman na niloko niya ako. Pero sabi ko nga, matagal na 'yun. I'm already move on. Ang plano ko lang ngayon ay pakiusapan siyang 'wag na lang naming ituloy ang kasal.
"O siya, sige kung 'yan ang gusto niyo. Mas mabuti ngang magkakilanlan muna kayo. I'll give you 3 months and after that magpapakasal na kayo sa ayaw at sa gusto niyo." ani ni Dad.
"Ano kumpadre, iwan na muna natin ang mga bata." ani ni Dad kay Tito Rodrigo.
"Ano anak, ayos lang ba sa'yo?" ani ni Tito Rodrigo kay Athena.
Kanina pa ako nagtataka. Davin ang apelyido ni Tito Rodrigo. Bakit Dominguez ang dala ni Athena?
"Patrick, ikaw na bahala sa anak ko. Kapag may nangyaring masama sa kanya lagot ka sa'kin." ani ni Tito Rodrigo.
"Papa naman." ani ni Athena.
"Makakaasa po kayo, Tito."
"Tara na kumpadre. May alam akong bagong bukas na bar sa kabilang kanto." ani ni Dad.
"Mag-ingat ka anak." Nakatingin lang ako kay Tito Rodrigo na hinalikan sa ulo si Athena.
"Patrick, ikaw na bahala kay Shane." ani ni Dad saka tinapik ang balikat ko.
-----***-----
"So, Athena?" Nang kami na lang dalawa.
"Call me, Shane."
"Okay Shane, ayos lang sa'yo ang ganitong set up?"
Para naman kasing ayos lang sa kanya ang set up namin. Oo nga at pina-delay niya ng ilang buwan pero gano'n pa rin ang kababagsakan naming dalawa. Magpapakasal at magpapakasal pa rin kami.
"Ang alin? Itong arrange marriage na 'to? Of course, hindi. Sino ba namang may gusto nito? Ikaw, ayos lang sa'yo?"
"Hindi rin." Kung nandito lang si Mom hindi rin niya hahayaan ito. My mom believes in love.
"E, bakit hindi ka nagsasalita kanina? Baka sana ma-cancel pa."
Akala ko walang pinagbago itong si Athena. Nagbago pala ang ugali. Kanina parang maamong tupa habang kaharap ang mga tatay namin ngayon para ng leon na handang manakmal.
"E, ikaw sana. Pina-delay mo na nga bakit hindi mo pa nilubos at pina-cancel."
"Mahal ko ang Papa ko kaya handa akong magsakripisyo." aniya saka uminom ng juice.
"Kanina ko pang gustong itanong ito sa'yo. Anak ka ba talaga ni Tito Rodrigo? Bakit Dominguez ang dala mong apelyido at hindi Davin?"
Sa pagkakaalam ko tatlong babae ang anak ni Tito Rodrigo.
"Sa puso, oo. Sa dugo, hindi." aniya.
"Ahh. So, ano na ang gagawin natin para hindi matuloy ang kasalang ito?"
Nakita kong may dumaan sa kanyang mata na hindi ko mapangalanan ngunit bigla rin itong nawala.
"Like what I said kaya kong magsakripisyo."
"Kaya ko rin magsakripisyo."
Hindi ko alam kung ba't 'yun lumabas sa bibig ko.