Pinili kong maging okay sa araw na iyon. Pinilit kong ngumiti sa mga customer habang ako ang cashier. Inabala ko ang sarili ko sa trabaho at nang tumuntong ang gabi ay tinulungan ko sina Alyssa sa pagsasara ng café. Sila na rin ang naghatid sa akin pauwi sa condo ni Thunder dahil hindi na naman ito makakauwi. Katahimikan ang sumalubong sa akin pagkapasok ko ng condo. Huminga ako ng malalim, nilocked ko ang pinto saka dahan-dahan na naglakad papasok. Inilapag ko ang bag ko sa mahabang sofa saka nagtungo sa kitchen. Huminto ako sa tapat ng fridge at kinuha ang naka-tupperware na pasta na pina-deliver ni Thunder kagabi. Nilagay ko ito sa microwave at naupo sa dining chair. Hanggang ngayon hindi ko pa rin kino-contact sila Mommy at kinakamusta kung ano na ang kalagayan niya. Hindi sa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books