I guarded my heart. Pagkatapos ng pagtatalo at pagsisigawan namin ni Thunder ay may na-realize ako. At para hindi ako tuluyang malugmok sa kalungkutan at sakit dala ng labis na pagmamahal ko sa kanya ay ako na ang kusang umiwas at lumayo. I know I need to do this for my own sake. For once, iisipin ko muna ang sarili ko. "I'll fetch you later. Hanggang six P.M lang ang shift ko sa hospital ngayon,” sabi nito. Tumango ako sa sinabi ni Thunder saka tinanggal ang seat belt na suot ko. Lumingon ako sa back seat at kinuha ang shoulder bag ko saka tumingin dito at tipid na ngumiti. "Salamat sa paghatid,” sabi ko saka binuksan ang pinto sa gilid ko. "Ronnie,” mahinang tawag niya sa akin. Hindi ko pinansin ang pagtawag niya at tuluyang bumaba sa sasakyan. Narinig ko pa ang p