HANZ RED Naikuyom ko ang mga kamao ko nang mapanood ko ang balita. Pagbabayaran nila ng mahal ang ginawa nila sa pamilya ko, sisiguraduhin kong mabulok sila sa kulungan. Narinig kong nagring ang cellphone ko at nakita kong tumawag si Zach ang aking kaibigan na tumulong sa paghahanap mga taong salarin sa pagpatay sa pamilya ko. "Bro," wika ko agad dito. "Napanood mo ang balita?" tanong nito. "Yes, pupunta ako riyan upang pag-usapan ang nararapat sa mga pumatay sa mahal ko sa buhay," sabi at agad na nagpaalam dito. Nagmamadali akong umalis para puntahan ang kaibigan kong si Zach, meron din akong aalamin tungkol kay Ana Luna. Nakarating agad ako sa opisina nito at agad akong pumasok ako sa loob at naupo sa sofa. "Ito ang mga ebidensiya na nakuha ng agent ko na may hawak ng kaso ng pami