Pinarada ko ang kotse ko sa isang madilim na bahagi, walang kahit anong naririnig na ingay sa buong paligid, kung hind ang mga kuliglig lamang. Mapangahas at walang pakundangan na umakyat ako sa puno at naglambitin kahit ano mang ingay ay walang maririnig sa bawat galaw ko. Nang tuluyang makasampa ako sa isang puno ay gumana ang pakiramdam ko sa buong paligid. Mayamaya pa'y may narinig akong umalis na mga sasakyan, kaya nagmadali akong tumalon sa puno at bumagsak sa madilim na bahagi na lugar. Tumingala ako at nakita ko ang lubid na inilagay ng isa sa mga tauhan ko, hindi talaga ito mapapansin dahil kakulay ito ng pader, pansin ko rin na walang masyadong pumupunta dito sa likod, dahil marami ng mga tuyong dahon ang nasa lupa at hindi nawawalis. Humawak ako sa lubid ay nagsimula nang u