NAGISING si Celeste sa isang lugar na hindi pamilyar sa kaniya. Kulay puti ang paligid at nakita niya ang sarili niya na nakahiga sa ibabaw ng tubig. Napakurap siya at nagtaka. “Nakakakita na ako?” Nagtataka niyang tanong sa kaniyang sarili. Tinignan niya ang repleksyon niya sa tubig. Nakasuot siya ng puting kasuotan at may puting tiara na nakapatong sa kaniyang ulo. Tinignan niya ang paligid. “Nasaan ako?” “Celeste…” Napasinghap si Celeste nang marinig niya ang malamyos na boses na tumatawag sa kaniya. Kapagkuwan tumingin siya sa hindi kalayuan at nakita niya doon ang isang babae na nakatayo na katulad niya ay nasa ibabaw rin ito ng tubig. Tumayo si Celeste. “Celeste, halika rito.” Parang may sariling isip ang mga paa ni Celeste at naglakad palapit sa babae. Habang papalapit siya