LUCIAN stay by Celeste’s side. Walang makapagsabi kung bakit nakatulog si Celeste at hindi nila ito magising kahit anong gawin nila. Kaya naman ang ginawa na lamang ni Lucian ay ang manatili sa tabi ni Celeste. Inilipat na nga rin niya ang mga ginagawa niya sa East Wing at doon na siya nagtatrabaho. Nakayukyok si Lucian sa gilid ng kama habang hawak ang kamay ni Celeste nang maramdaman niyang gumalaw ang hawak niyang kamay ni Celeste. Mabilis siyang nag-angat ng tingin at nakita niyang gising na si Celeste. “My Queen, gising ka na.” Celeste opened her eyes. Nagulat si Lucian nang makita niya ang nangyari. Celeste’s eyes glowed but it immediately disappeared. His mate looked at him. Natigilan si Lucian. “Celeste?” Celeste was just looking at him but somehow, he got a reaction from Cel