IKA-LIMANG KABANATA

2293 Words
Ilang buwan na ang nakakaraan mula nang aksidenteng nagkatagpo-tagpo silang lahat sa party ng mga Castromayor. Ganoon pa man ay parang kahapon lang iyon nangyari para kay BC. Hindi pa rin mawala-wala sa isipan niya ang ngiti sa labi ng kinaiinisang dalaga habang kasayaw at kahawak kamay ng iba. Worse? Ang lalaking kahawak nito ng kamay ay ang kaparehong lalaki na lagi niyang nakakabangga simula noong nasa elementary sila. It just happened na mas lamang at mas matalino siya kaysa rito kaya lagi siya ang nanalo noon. Iyon nga lang lagi silang magkatunggali sa lahat ng bagay, even when it comes to love. "Talo mo man ako sa academic o kahit sa sport, Harden, hinding-hindi mo ako matatalo pagdating sa pag-ibig," ani Eric matapos siyang komprontahin ni BC tungkol sa nobya niya. "Hindi ko na kasalanan iyan, Castromayor. Magsikap ka sa iyong pag-aaral para malamangan mo ako at huwag kang manulot ng nobya. Hindi na iyan makatarungan!" gigil na sagot ni BC dito. "I don't fuckin' care, Harden. Saka itanong mo nga riyan sa nobya mo na sinasabi mo, kung sino sa atin mas mahal niya. Moreover, ask her for her virginity, tingnan ko kung may maibigay pa siya sa’yo," nakaismid na tugon ni Eric na ikinaigting ng panga ng binata. Hindi siya malupit sa tao, lalo na sa mga babae. Mula sa pagkabata pa lang ay tinuruan na siyang magpahalaga sa mga babae. Lumapit siya sa dalagita na hindi makatingin sa kanya nang diretso. Nasa huling taon na sila ng sekondarya, at balak niyang ipakilala ang nobya sa mga magulang niya. Kaso lang ay parang malabo nang mangyari iyon. "Cristy, isang tanong isang sagot. Totoo ba ang sinasabi ng taong ito?" mahina pero tagos sa puso na tanong niya rito. At para kay Cristy, ay sapat na ang pagtatanong ng binatilyo para mahiya siya sa sarili. " I- I'm sorry, B-Bryan. Pero totoo ang sinabi ni Eric—" "What a f**k! Kailan pa, Cristy!? Kailan mo pa ako niloloko ha!? Malaki ang respeto ko sa iyo at kahit dulo ng kuko mo'y hindi ko sinagi. Pagkatapos, malalaman ko lang na naisuko mo na pala ang pagkatao mo sa gagong iyan!?" malakas na animo'y kulog na wika ni Bryan Christoph sa nobya nitong nakayuko. Dahilan para mapatingin ang mga kapwa nila mag-aaral sa paaralang iyon. "Watch your words, Harden. Hindi lang iisang beses na nakapagsalita ka ng masama, and you know the rules. Isa ka pa namang opisyal ng campus," pang-aasar pa ni Eric dito, para kahit papaano ay makabawi siya sa paulit-ulit na pagkatalo rito. "Shut up, you demon! I'm ready to face the consequences of what I uttered! But you, devil! You don't know how fight fairly! Damm you!" Ayan at lumitaw ang pagka-Americano ni BC. Bago pa niya mabitiwan o mapadapo ang kanina pa nanginginig sa galit na kamao niya ay mas minabuti na lamang niyang iwan ang mga ito. Nakakailang hakbang na siya, pero bigla siyang nag-about face na akala mo ay mangangain ng tao. Aminin man o hindi ni Eric ay nakaramdam siya ng pangamba dahil kilala ng buong campus na isa sa mga black belter si BC. At dahil sa akala ng mga nakapaligid na sasapakin nito ang VP ng student council ay agad lumapit ang isa sa mga malapit na kaibigan ni BC. "'Tol, maghunos dili ka. Huwag kang padalos-dalos. Alalahanin mo, baka suspension pa ang parusa mo kapag ituloy mo iyan." "I don't care, bro. Maraming paaralan diyan, hindi lang dito. I can even continue my studies in the USA," Hayon, naging suplado tuloy ang binatilyong si BC. Hindi na ito sumagot dahil mukhang hindi rin naman nila ito mapipigilan. Alam naman nilang kayang-kaya nito ang lumipat kahit saang paaralan. Bukod kasi sa anak-mayaman ito ay isa pang opisyal sa Camp Villamor ang ama nito. Pero nakahinga sila nang maluwag nang tumigil ito sa tapat ni Cristy. "Sayang ka, Cristy. Akala ko iba ka sa lahat. Akala ko hindi ka padadala sa pre-marital s*x, pero nangyari na. Naisuko mo na ang dignidad mo sa taong hindi mo sigurado kung mahal ka o gusto lang akong gantihan patalikod. Wala na tayong magagawa diyan kundi ang tanggapin ito. At kahit ganoon ang ginawa mo, I'm still wishing na panagutan ka ng taong nakauna o nakakuha sa iyo. Still, I'm sorry for the harsh words, but from now on, kalimutan mo nang naging tayo. We're done, Cristy. Thank you for loving me back then," malamig pa sa yelo na sabi ni BC, saka naglakad palayo sa kinaroroonan nila. Para namang napahiya ang dalagita dahil dito. Tumingin siya kay Eric pero kagaya niya itong hindi makaimik, lalo at marami nang mga kapwa nila mag-aaral ang nakarinig sa huling tinuran ni BC. Hindi nakayanan ni Cristy ang kahihiyang tinamo ng araw na iyon, kaya't hindi na siya naghihtay sa kung ano ang sasabihin ni Eric. Tumakbo siya palayo sa mga ito. Sa katunayan ay nalagpasan pa nito ang lalaking sinaktan niya, pero hindi siya nito binigyang pansin. Hindi nga siya nagkamali dahil ilang araw lang ang nakaraan matapos ang pagkausap niya sa mga ito ay nalaman na lamang niyang dropped na ang dating nobya dahil lumipat na ito sa ibang paaralan. Napatawag din silang tatlo sa guidance office ng araw na iyon, pero first warning pa lang iyon at kung mauulit pa raw ay matatawag na ang mga magulang nila. Pero bago pa man niya nalamang nag-transfer sa ibang paaralan ang dati niyang nobya ay may iba ng karelasyon si Eric. Kaya naman alam niyang isa rin ito sa dahilan kung bakit lumipat ang dating nobya niya. "Ang mundo nga naman sadyang napakaliit. Pamilyar naman sila sa lipunan, pero paano nangyari na hindi sumagi sa isip ko ang bagay na iyon?" sambit ni BC ng biglang sumingit sa isip niya ang tungkol sa nakaraan niya. That was more than ten years ago. He was already thirty years old, labinlimang-taon na pala ang nakalipas mula noong umibig siya at nasaktan. "At kailan ka pa bumalik sa pagiging masungit mo sa pinsan ko, bro? Akala ko, ayos na kayong dalawa? ero napansin ko lang bro, ilang buwan na naman na lagi kang nakabulyaw sa kanya. Tapatin mo nga ako, insan. May problema ka ba?" ani Adrian sa pinsan na hindi na namalayan ang pagpasok niya dahil nasa malalim na pag-iisip habang nakatanaw sa bintana ng opisina nito. "Huh? At ikaw? Kailan ka pa natutong pumasok sa opisina nang may opisina nang hindi kumakatok? Know your manners," ismid na sagot ni BC. "Know your manners daw, eh, ikaw kaya ang walang manners, bro. Kanina pa ako kumakatok for your information. Maski ang sekretarya mo ay natatakot na yata sa iyo dahil sinabihan kong tawagin ka, pero tumanggi dahil baka raw masigawan mo. What's the matter, bro?" sagot ni Adrian. Hindi agad nakasagot si BC dahil totoo naman na may iniisip siya at hindi niya narinig ang katok ng pinsan. "Insan, come closer at makinig ka. Pinsan ko kayo parehas, at mahalaga kayong dalawa sa akin. Kaya't kung ano man ang problema ninyo, o ikaw, kung ano man ang bumabagabag sa iyo, pakawalan mo na iyan. Kung sakalling bumaligtad na ang mundo at may gusto ka na sa palaka ng buhay mo ay puwede mo namang aminin iyan upang gumaan ang pakiramdam mo. Lalaki rin ako, insan, kaya alam kong may gusto ka na sa pinsan ko. Wala namang masama kung pagbibigyan mo. Wala namang mawawala sa iyo kung subukan mo puwera na lang kung gusto mo na tuluyang mawala ang palaka ng buhay mo. Ikaw rin, panay ang dalaw ng manliligaw niya. Pursigidong mapasagot din si Joy. Anyway bro, ikaw ang bestman ko sa kasal ko at huwag kang mawawala. And take note. I will not take NO for an answer," ani Adrian sa binatang halatang may pinagdaraanan. "Aba'y! Ang bilis mo rin, bro, ah. Parang kailan lang, gusto mo nang mamatay. Ngayon ikakasal ka na pala. Congratulations in advance, insan," paglilihis ni BC sa usapan nila. "Huwag mo nang ilihis, insan. Kahit hindi ka umamin diyan, alam kong may problema ka. Ang galing mong magbigay ng payo sa iba, pero hindi mo mapayuhan ang sarili mo. Hindi ko na bibilangin, pero lagi mo akong tinutulungan. But you don't know how to help your self. Insan, once again, go back to the old Bryan Christoph that I know. Magalang at mapagmahal lalo na sa mga babae. Sige insan, mauna na ako. Naghihintay na si Clarissa. See you on my wedding day, and hopefully mauntog ka na at matauhan sa kahangalan mo," ani Adrian at tuluyang umalis nang hindi man lang ito nakakasagot si BC. Sa kanyang pag-iisa, muli ay parang nakita niya sa kanyang imahinasyon ang masayahing mukha ng dalaga. Wala sa loob na napangiti siya dahil doon. Nagulat siya nang may nagsalitang muli. "Bulaga! Asus! Si Kuya, daydreaming in a broad daylight," panggugulat ng bunso niyang kapatid . "Para saan ang pagdalaw mong ito, Whitney Pearl Mckevin Harden, at kailangan mo pang manggulat? " Sumimangot siya rito, pero hindi para pagalitan ito kundi para itago ang pagkahuli niya mula sa naudlot niyang imahinasyon. "Wala, Kuya. Na-miss lang kita nang bonggang-bongga kaya dito ako dumiretso from Ilocos. Uwi na tayo, Kuya. Aba'y! Ikaw na lang yata ang tao rito," pabebe pang sagot ng dalaga. "Himala naman at nauwi ka nang walang dahilan. Akala ko'y ikaw pa ang dadalawin namin sa Nevada kasama ang mga Mondragon. Hala, isara mo ang bintana at uuwi na tayo. Kanina si Adrian ang nambulabog. Ngayon naman, ikaw. Kayo talaga, ako na naman ang pinagdiskitahan ninyo," umiiling na sagot ni BC habang inililigpit ang mga nasa lamesa. "You’re wrong, my dear big brother. I'm not here for vacation, you know. I'm travelling to London to look for the queen, este, I'm going to Alaska together with our naughty cousins. May concert kami roon, kaya bago ako bumiyahe ay umuwi muna ako rito." naka-puppy eyes na namang sagot ng dalaga. "Tara na nga. Ikaw talagang babae ka, para kang bata. Ayusin mo nga ang buhay mo. Nagiging lagalag ka na," napapaliling pa rin na sagot ng binata dahil kahit kailan pasaway ito. Mabilis namang umangkla ang dalaga sa kapatid saka sila sabay na lumabas. Kung hindi mo sila kilala ay aakalain mong magkasintahan ang dalawa dahil sa sweetness. Akmang idideretso na ng binata ang sasakyan sa pag-uwi pero muling nangulit ang kapatid na mag-stroll daw sila sa mall, kaya't hindi na siya nakapalag dahil naka-pout na naman ito. Samantala , sa kanyang pag-iisa sa kwarto, muling nanariwa sa kanya ang pagiging masungit dahil sa lihim niyang iniibig. "Akala ko pa naman, everything is okay na dahil ilang buwan ding hindi ka masungit. Pero bigla kang nagbago," bulong ni Joy habang muling binabalikan ang mga larawan nila ng nagtungo sila sa annual party ng orphanage sa Ilocos. Isang album ang pinakatago-tago niya dahil sa mga larawan nilang dalawa ni BC. "Ewan ko ba kasi sa baliw kong puso na sa iyo pa nagkagusto. Marami namang iba diyan who are more deserving than you, eh," aniyang napangiti nang hindi umabot sa kanyang mga mata. Nakita niya kasi ang photo nila na magkaakbay. Ang background nila ay ang pagsikat ng araw at ang kalabaw na nakasalubong nila sa daan. Hindi niya namalayang nakapasok na pala sa kanyang kuwarto ang kanyang ama at tahimik itong nagmamasid sa kanya. At dahil day off naman niya kinabukasan ay inabala niya ang sarili sa pag-iisip kung ano ang nararapat niyang gawin. "Pero baka magtampo si Adrian kung hindi ako dadalo sa kasal niya. Tama, I should avoid him na. It's about time. Panahon na para ipakita mo sa kanilang lahat ang inner side ko, hindi lang ang pagiging kikay ko. He's just a secret love at mamahalin ko hanggang sa huli. I'll love him secretly, and this album will serves as a memories," bulong niya na walang kaalam-alam na naroon ang ama kaya't nagulat siya at nabitiwan ang album na naglalaman ng photos nilang dalawa ni BC. Itatago na sana niya ito nang dumulas sa kamay niya kaya kitang-kita ng daddy niya ang mga larawan. "Don't worry anak. Your secret is safe with your daddy. Pero kung binabalak mong itapon iyan o sunugin ang mga ‘yan ay huwag dahil sa pamamagitan niyan ay mapapanatili mo ang pag-ibig mo sa kanya. Sooner or later, kung siya ang nakatadhana sa iyo, kahit ilang taon pa ang lilipas, kahit ano man ang mangyari ay kayo pa rin sa huli," makahulugang saad ni Shane sa anak. "Daddy?" nakatungong sambit ng dalaga. "Yes, anak? But anyway, basahin mo raw ang wedding invitation ng pinsan mo and nariyan sa ibaba si Eric. Kaya come on. Leave a little of your emotion here at harapin ang bisita mo." pang-aalo ni Shane sa anak. "Thank you, Daddy. Pakisabi susunod na ako sa pagbaba. I'll just fix myself, Dad." malambing na sagot ni Joy, na para bang nakahanap ng kakampi, which is totoo naman. Nauna ngang bumaba si Shane kaysa sa anak at nasa hagdan pa lamang siya ay dinig na niyang may kausap ang bisita ng anak nila. Babalewalain na sana niya ito dahil wala siyang pakialam. Pero sabi nga nila, kapag ang tamang hinala ay nandiyan, walang masama kung ito'y paniwalaan. Dahil sa pagkakarinig sa pangalan ng biyenan ay dahan-dahan siyang lumapit dito. Nagulat naman ang huli dahil sa pagkakahuli niya rito sa akto. Agad na napalitan ng pangamba ang gulat ni Eric. Akma sana itong magsasalita nang sumulpot naman si Joy. Mata sa mata. Eric and Shane spoke through their eyes, and agreed to talk to each other some other day. Hindi na nagsalita pa si Shane, iniwan niya ang dalawa para makapag-usap nang maayos ang mga ito. Pero nandoon pa rin ang babala na kailangan nilang mag-usap some other time.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD