"Thank God! My duty for today is successfully done," masayang bulong ni Joy.
"Tsk! Para ka namang may date, Miss Cameron. Excited ka pang umuwi," tuloy ay kantiyaw dito ng kasamahan niya.
"Inggit ka lang, sis, kasi magsisimula ka pa lang sa duty mo. Eh, ako pauwi na—” Huli na para balaan ito ng kasama dahil bumangga na si Joy sa nilalang na hindi niya kilala. "Anak ng sampung ipis naman! Kung kailan uuwi na ang tao, saka pa naman minamalas!"
"Sorry na, miss. Kung nabangga kita, hindi ko naman sinasadya," hinging paumanhin ng estranghero.
"Sino ba kasi ang hinahanap mo at para kang ipis diyan na hindi mapakali?" naka-pout na tanong ni Joy nang mahalatang parang may hinahanap ang kausap.
"Sis, sa guwapo ng tao, sa dami ng pwede mong gamitin para ihambing sa kanya, eh, sa ipis pa talaga?" nakahagikhik na bulong ng kaibigan ni Joy na hindi naman lingid sa kausap nila.
"No problem. It's okay, miss. Kasalanan ko rin naman, eh. By the way, I'm Eric Castromayor. And how about you, miss?" sagot ng binata.
"I'm Mrs. Carmelita Curpoz, misis na ako, pero iyang nakabangga mo ang kapwa mo single. O siya! Nice meeting you at ako'y on duty na," sagot saka paalam ni Carmen.
"Ingat sila sa iyo, friend," pahabol na lang ni Joy dito. Aalis na rin sana siya, pero ayaw din naman niyang maging bastos sa kaharap.
"I'm Shainar Joy Cameron, Kuya Eric. At inuulit ko, ano o sino ang hinahanap mo rito? Dalian mo at baka matulungan kita bago ako lumayas." Nababagot man pero hindi na lamang niya ito ipinahalata.
"Pinakiusapan ako ni Papa para kausapin ko raw dito sa hospital ang nagngangalang Shainar Joy Calvin Cameron. Pero parang hindi ko na kailangang maghanap pa dahil tadhana na ang naglapit sa atin. Pasyente mo raw siya, Miss Joy, si Papa Eddie Castromayor. Sabi niya, ikaw raw ang naging nurse niya rito nang ma-ospital siya hanggang umuwi siya at hanggang gumaling siya ay ikaw daw ang tumulong sa kanya. By the way, kaya pala kita hinahanap ay para personal kang imbitahin para sa welcome namin para sa kanya. Dinala siya nina Mommy sa London at doon siya nagpagamot. And now, he that he has totally recovered from it, we want to give him a party," sagot ni Eric.
"Kailan ang party na iyan?" sagot ng dalaga.
" Mamayang gabi—"
"What!? As in? Hoy! Now lang kayo nagpakita aba'y kung makapag-aya kayo ng party, parang ganoon na lamang?" putol tuloy ni Joy rito.
"Kanina lang sinabi ni Daddy, eh. Kaya now lang ako nakapunta rito sa hospital instead of going to your home. I'm sorry for that, Joy. I don't even know your mobile number, that's why I didn't make a call. Please?" mapagpakumbabang sabi ni Eric.
"Okay, sorry din at nawalan yata ako ng manners this time. Siya, uuwi na ako nang makapaghanda at makapahinga saglit," hinging-paumanhin din ni Joy.
Ngumiti naman ang binata dahil dito.
"Puwede ba kitang maihatid sa inyo?" tanong nito sa dalaga.
Hindi agad sumagot ang dalaga at siya namang pagtunog ng cellphone niya. "Saglit lang, sagutin ko muna si Kuya," she mouthed as she answered the phone.
"Kuya, nasaan ka na ba? Aba'y— what?" napataas ang boses na tanong ni Joy na ikinatingin ng ibang dumaraan. But who cares anyway.
"May lakad ako, Miss Toblerone, kaya hindi kita madadaanan. Sorry na sis, oh," hinging-paumanhin ni Garreth sa kabilang linya.
"Saan ka ba kasi pupunta, eh, 'di ka man lang nagsabi kaninang umaga para nadala ko sana ang car ni mommy, eh," naka-pout tuloy na sambit ng dalaga.
"Sorry na, Sis. Huwag ka nang magtampo. Babawi ako some other time. Don't worry, hindi naka-lock ang room ko. Marami akong Toblerone roon sa ref. Saka para naman sa studies ko itong lakad ko, kaya don't be sad. li’l sis," malambing na sambit ni Garreth.
"Okay fine, Kuya. Siya, sige. Ingat ka sa pagmamaneho mo at ako'y uuwi na rin. May lakad din ako mamayang gabi," tugon ng dalaga, sabay patay sa cellphone.
Matapos siyang makipag-usap sa kapatid niya ay bumaling siya sa lalaking matiyagang naghihintay sa kanyang sagot.
"Mukhang the world is on my side, Miss Joy," masayang saad nito.
"Hmm. Baka nagkataon lang, Eric. Kasi araw-araw kaming sabay umuuwi ni Kuya. Law student. Tara na. Ay! Alam mo ba kung saan mo ako ihahatid? " buweltang tanong ni Joy.
"I will know later, once you instruct me where, Miss Joy—"
"Isa pang Miss Joy ka riyan, kahit anak ka pa ni Mr. Castromayor, hinding-hindi ako papahatid sa iyo," pananakot ng dalaga rito.
"So, do you prefer beging called, Shainar? Para maiba naman." Instead na mainis sa pananakot ng dalaga ay ngumiti pa ang binata.
"Kung sa bagay, may tama ka riyan. Okay, let's go," kibit-balikat na sagot ni Joy.
"Thank you, Shainar." Banaag ang kasiyahan sa mukha ng binata dahil sa pagpayag niya.
Ilang sandali pa ay masaya na nilang tinahak ang daan patungo sa tahanan ng mga Cameron.
Samantala sa kabilang banda, sa Mckevin's Corporations, sa opisina ni BC.
"Cousin dearest, may ipapakiusap sana ako sa iyo, eh," ani Princess Ann, ang bunsong anak ng Papa Raven niya.
"Halata naman na may ipapakiusap ka, Ate. Mahuhulog ang mga tala sa kalangitan kapag dumalaw ka sa akin na walang dahilan," paismid na sagot ni BC.
Pero hindi ito pinansin ng dalaga dahil totoo naman kasi ang tinuran nito.
"Cousin naman, eh. Sige na, oh. Please?" pagmamakaawa pa nito.
" Ano ba iyon?" inis na sambit ng binata lalo at pauwi na siya.
"Crush ko ang pinsan mong taga-kabilang opisina," biro niya pero batok lang ang napala niya mula kay BC.
"Hoy, kung hindi lang kita kilala, iisipin kong palengkera at cheap ka. Huwag mo akong utuin, Miss Princess Ann Fuentes Harden. Now speak up, at nakakaabala ka na," inis na saad ng binata.
But then, they know him so well. Kahit naiinis si BC ay hindi naman galing sa puso ang galit nito. It's just his defence mechanisms.
"Grabe ka naman. Complete name? And besides, I'm just kidding. May nobyo na ako. Anyway, bago pa uminit ang bunbunan mo, ipapakiusap ko sanang ikaw ang mag-represent sa Harden's Corp sa welcome party ni Sir Castromayor mamayang gabi. I'm travelling to Harvard, kaya hindi ako makapunta. Alam mo namang walang hilig si Kuya Angelo riyan. Kung sa engineering company, baka puwede pa. Kaya ikaw na, please?" may bahid pakiusap na wika ng dalaga.
"Ayon lang pala, eh, kung ano-ano pa ang sinasabi. Paano kung ganyan din ang pakiusap ni Adrian. E ‘di, patay kang Princess Ann ka," nakasimangot na sagot ng binata, at tuluyang nakalimot na ate pala nito ang kausap.
"Don't worry, my dear cousin. Bago ako pumunta rito sa mahiwaga mong kahon, este mahiwaga mong opisina ay galing na ako sa kanya. He's going there too with his love one, este, secretary niya," tugon ng dalaga.
"Eh, ano naman ngayon kung sila? Aba’y ikaw Ate, ha? Huwag makigaya sa mga nagkakalat na tsismosa. Hala umuwi ka na at regards to them lalo kay Grandpa. Tell him I'll be there on Sunday. Umuwi ka na bago ako umayaw sa ipapakiusap mo," sagot naman ni Bryan Christoph.
"Ang sama mo talaga, cousin. Pinapauwi mo ako agad, hindi mo man lang ako inalok ng kahit anong makakain. Hindi na nakapagtataka na malapit ka nang mahulog sa kalendaryo, wala ka pang love life. Unlike me, kahit lagpas na ay may fiance na ako. Opps! Oo na cousin, aalis na ako bago ka umayaw sa ipinapakiusap ko. I love you," pang-aasar pa ng dalaga at tumatawang lumabas opisina niya.
"Baliw!" pahabol pang sagot ni BC. Pero marahil ay hindi na nito narinig ang sinabi niya dahil patakbo na itong lumabas nang makitang may guhit na ang noo niya, este, wrinkles pala.
"Minsan na nga lang magpakita ang gagang ito, may ipapakiusap pa. Hay naku, kung hindi lang dahil kay Grandpa, never akong pupunta sa party na iyan. I'd rather take a rest than to psrty," bulong ng binata nang siya'y mapag-isa.
Imbes na tapusin ang ginagawa ay iniligpit na lamang niya ang mga ito. Tumayo siya at pumunta sa labas ng opisina niya. He stopped by his secretary’s desk.
"Miss Reyes, you may go home," sabi niya rito.
"Sir, ang aga pa po, ah. It's just four thirty and break time is five," magalang na sagot nito. Kung ang iba ay tuwang-tuwa kapag maaga pinauuwi, ay iba naman itong secretary na minana niya pa sa pinsan. Hindi nito alintana na lumampas sa oras, basta huwag lang under time.
"No problem, Miss Reyes. Pauwi na rin ako at may lakad ako mamaya. You may go home. Don't worry about it. I'm the boss and I'll be the one to answer if someone complains, okay? " tugon ni Bryan dito at muling pumasok sa sariling opisina. Isinara niya ang mga kurtina pero iniwang bukas ang aircon dahil gusto niyang pagpasok niya kinabukasan ay malamig ang daratnan niya.
Dahil utos ng boss ay sinunod ito ng sekretarya. Inayos nito ang lahat bago umuwi.
Kinagabihan, sa harap ng malawak na tahanan ng mga Castromayor, dahil kilala din sa lipunan ang pamilya nila ay dagsa ang mga tao. Karamihan sa mga ito ay mga negosyante katulad nina Shane II at ng asawa nitong si Samantha na representatives din ng Lewiston's Corporation. Galing pa ang mga ito sa Maynila. Naroon na rin sina Adrian Joseph at secretary nito na si Clarissa.
Magsisimula na ang party nang dumating si Bryan Christoph na representative ng Harden's Corp. Ang pinsan niyang si Adrian naman ang galing sa Mckevin's Corp.
"Nandito na pala kayo, insan," aniya sa mga ito.
"Yes. Akala ko nga hindi ka na darating, kasi magsisimula na ang party pero wala ka pa," sagot ni Adrian.
"Naipit ako sa traffic, eh. Gabi na, may traffic pa," tugon ng binata sabay hila sa isa pang upuan sa lamesa. Siya namang pagsalita ng emcee, na isa rin sa tatlong anak ng may party.
"Magandang gabi sa ating lahat, mga kaibigan. Laking pasasalamat namin at inyong pinaunlakan ang amin paanyaya para sa welcome party ni Papa. Since nandito na ang lahat ay puwede na nating simulan ang programa," anito pero may lumapit dito at bumulong. "Oh, I'm sorry ladies and gentlemen. Wala pa pala ang special guest ni Papa. Ang dakilang nurse na nag-aruga sa kanya noong mga panahong nasa critical stage ang kalagayan niya, ang taong nakakumbinsi rito na ipagpatuloy ang pagpapagamot para makapiling pa namin siya nang mas matagal. Ang nurse din na ito ang bukod tanging nakakabiro sa pasyente niya. May ginintuan siyang puso. She loves her job as much as she cares to her patients," pagpapakilala ni Zandro, ang panganay na kapatid ni Eric.
Siya namang pagdating ng sasakyan ng huli. Naunang lumabas ang binata, saka umikot sa kabilang upuan. Hindi ito pumayag na hindi sunduin ang dalaga, na kahit umuwi ito para magbihis, ay muli niyang binalikan para sunduin ulit.
Napabaling ang lahat ng tingin sa mga bagong dating. Everyone was excited to meet the special guest Zandro was bragging about.
‘s**t! Si Palaka? Nandito rin!? Anak ng… si Eric pa ang escort?’ piping mura ni BC dahil sa nakitang pag- aalalay dito ng lalaki.
"Let's all welcome our father's special guest, she just arrived. No other than Miss Shainar Joy Calvin Cameron!"
The crowd all stood as they clapped their hands and welcomed the newcomers. Pero kung gaano kasaya ang lahat ay ganoon naman ang pagngingitngit ni BC. Sa hindi malamang dahilan ay para siyang sinaniban ng masamang espiritu. Nakangiti at nagsasaya ang karamihan, pero siya ay naiinis at lukot ang mukha. Ni-hindi man lang niya magawang pumalakpak habang seryosong nakatingin kina Eric at Shainar Joy.