Hindi mapigilan ni Shane ang mapahalakhak nang malaman ang pinaggagawa ng biyenan niyang si Grandpa Roy at ang biyenan ng kambal niya na si Grandpa B. "Pero Eric, ha. Kung may plan kang seryosohin ang anak ko, ituloy mo lang at magpakatotoo ka sa kanya. Kung ginagawa mo lang ito dahil sa bilin nina Papa ay huwag na dahil mas masahol ka na kaysa sa pinagseselos nila kapag nagkataon," aniya na namumula pa rin ang buong mukha dahil sa katatawa. "Inaamin ko naman po, Tito. Noong una ay dahil lang sa ipinagawa sa akin ng olds pero sa paglipas ng mga buwan na kasa-kasama ko siya ay nadi-develop na ako sa kanya. Hindi naman mahirap pag-aralang mahalin si Joy dahil bukod sa kagandahan niyang panlabas ay may mabuti din siyang kalooban. My dad knows her so well kaya nang magkita sila