Kung ang binatang si Bryan Christoph ay halos magsalubong ang mga kilay, para namang mga teenagers na tuwang-tuwa ang magkaibigang Bryan at Roy dahil sa nalaman. Mas natutuwa pa ang mga ito kaysa mga mismong magulang ng dalawa. "Finally, pare. One of your clan will be in my clan. Imagine that, pare. Plano pa lang natin na ipitin ang dalawa pero panahon na ang gumawa ng paraan para huwag na tayong makialam sa kanila," tuwang-tuwa na saad ni Bryan pagkauwi nila ng Baguio after the wedding of his grandson. "Yes, pare. Dahil hindi natupad sa mga anak natin, God made a way para matupad ito sa ating mga apo. Well I love it, pare. Ang ating pakaabangan ngayon ay paano ang pagsasama ng masungit mong apo at malapalaka kong apo," ngiting-ngiti na tugon ni Grandpa Roy. "