Simula nang may nangyari sa dalawa sa unang gabi nila bilang mag asawa ay kapansin-pansin na ang pagbabago sa pakikitungo nina BC kay Joy. Unti- unti na ring nakikilala ni Joy ang tunay na ugali ng asawa, at ganoon din kay BC. "Paano ngayon iyan, insan. Mukhang kinain mo na ang no way mo sa pinsan ko," kantiyaw dito ni Adrian minsan na nagpang-abot silang apat sa tahanan ng mag-asawang Grandma D at Grandpa B. " Huwag ka ng mangantiyaw, apo ko. Mabuti na iyong nauntog ang pinsan mo kaysa laging parang may buwanang dalaw. " ani naman ni grandma D. "Huwag daw mangangtiyaw, eh, ikaw nga rin," sabat naman ni Grandpa B. "Mangantiyaw lang kayo, Grandpa, Grandma, insan na bayaw, basta sagutin ninyo ang world tour namin ni misis," nakatawang biro ni BC dahil halos hindi na ito m