IKA-WALONG KABANATA

2060 Words

Kung ang pagkakataon nga naman ang maglaro sa mga tao. At kung nasa panig ng katotohanan ang pagkakataong ito. Pagdating na pagdating ng mag-asawang Terrence at Yana sa kanilang tahanan ay dumating ang mga pulis kasama ng apat na lalaki. "Magandang gabi, ma'am, sir. Puwede po bang makausap namin ang inyong anak?" tanong ng isang pulis. "Magandang gabi din sa inyo. Pasok muna kayo at nang matawag ko ang anak ko. Pero teka lang anong kasalanan ng anak ko at gusto ninyo siyang kausapin?" nagmamasid na tanong ni Terrence. Iba ang kutob niya kung bakit nandoon ang mga pulis, pero bilang alagad din ng batas ay mas ninais niyang daanin sa maayos na usapan ang lahat. "Ayon kasi sa kanila…” Sabay turo sa mga kasama. “Nawawala raw ang kaibigan nila at si Bryan Christoph Harden d

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD