IKATLONG KABANATA

2092 Words
Maaga pa, four thirty in the morning to be exact, ay nasa tahanan na siya nina Joy. Naabutan niya ang dalawang guard na nagkakape kaya't pinapasok siya ng mga ito lalo at kilala naman siya ng mga ito. Kasa-kasama niya kasi ang pinsan niyang si Adrian minsan kapag pumupunta roon. Hindi pa nag -iinit ang puwet niya sa pagkauupo sa sofa nang makarinig siya ng langitngit ng pinto na sinundan ng mahinang pag-awit. "May boses din pala ang palakang ito," mahinang sambit niya pero hinayaan lamang niya ito. Hindi siya nagpahalata dahil gusto niyang pakinggan ang awit nito. Napatingin siya nang tumigil ito sa pagkanta. Nasa third to the last step na ito sa hagdan. Tutop nito ang bibig, marahil ay napansin siya nito. He saw her, maybe she was about to greet him, pero napamulagat siya nang humakbang ito na hindi nakatingin sa hagdan. "Nooooo!" sabayan nilang sambit dahil kitang-kita niya na sumemplang ito at kunting pagkakamali lang ay babagsak na ito. Hindi na siya nag-aksaya ng oras, tinakbo niya ang kanilang pagitan at sinalo ito. Saktong babagsak na sana ito nang makalapit siya kaya sa kanyang mga braso ito bumagsak. Iyon nga lang, parehas silang natumba at ang masaklap pa ay si Joy ang nasa ibabaw. Hindi pa man sila nakakahumang dalawa nang may dumadagundong na boses. "What's the meaning of this? Joy? Bryan Christoph?" malakas na tanong ni Shane. Pero hindi pa man nakasagot ang mga ito ay si Marga naman ang pupungas-pungas na nagtanong. Halatang nagising ang mga ito sa kanilang sigaw. “Joy, anak, kababae mong tao, ikaw pa ang nag-uuwi ng lalaki rito sa bahay? Hindi ka naman kaladkaring babae sa pagkakaalam ko, anak?" mahina man pero mabigat na tanong nito. Saka pa lang natauhan ang dalawa. Dali-daling tumayo mula sa ibabaw ng binata si Joy at inilahad ang palad dito para tulungang bumangon, tutal kasalanan naman niya. "Ang lampa mo kasing palaka ka," inis na saad ng binata rito sa mahinang boses. "Eh, kasalanan ko ba? Ikaw naman kasi, malay ko bang nariyan ka. Nakakagulat ka nga, eh!" ganting bulong ni Joy. "Kinakausap namin kayong dalawa, Shainar Joy, Bryan Christoph. Hindi namin sinabing magbulungan kayo riyan!" muli ay sigaw ni Shane. Kaya't si Joy na ang sumagot, tutal ay kasalanan naman niya talaga. Her clumsiness attacked again, kaya ganoon ang nangyari. "Eh, huwag ka nang sumigaw, Daddy. Mabubulabog ang mga tao. Sorry na po, but it's not what you think naman po. Nagkataon lang na umatake ang kalampahan ko. Eh, hindi ko naman alam na nandiyan na pala ang sundo ko. Pinapasok siguro nila sa gate. Paawit-awit pa naman ako habang bumababa sa hagdan dahil akala ko'y ako lang ang gising. Naging hero pa siya dahil sa kanya ako bumagsak. Kaya huwag na kayong magalit, oh," malambing na paliwanag ni Joy. Para namang may kumurot sa damdamin ng binata dahil dito. Inaamin niya, naiinis siya rito sa tuwing nag-iingay ito. Pero nang mga sandaling iyon ay para itong bata na takot mapalo ng mga magulang. "Akala ko naman kung ano iyon, Miss Toblerone. Makasigaw ka naman, wagas. ‘Di ikaw na rin ang nakapambulabog sa mga natutulog. Kapag umiyak si Kiko, kasalanan mo,” ani Garreth na tinutukoy ang pamangkin nila na sa kanya pa nagpahele. Para namang hinaplos ang puso ng mag-asawa dahil sa tinuran ng bunso nila. Dahil sa dami ng puwede nitong manahin sa abuela nito o sa tiyahin ni Shane ay ang kalampahan pa nito. Mabuti na lamang at hindi nito itinuloy ang pagsusundalo, bagkus ay sa nursing ang tinapos. "I'm sorry if I shouted at you, baby. Next time, mag-ingat ka na, ha? You’re a grown up woman already, anak," malumanay na wika ni Shane, saka bumaling sa binata. "I'm sorry din, hijo, if we think like that on you. Mag-ingat kayo sa daan, lalo na sa iyo sa pagmamaneho. Pagpasensiyahan mo na rin ang ingay ng anak namin, ha. Again, I'm sorry," hinging paumanhin ni Shane sa binata. "Wala pong problema, Tito. Normal reaction lang po iyon," sagot ni BC, saka lumingon sa dalaga. "Palaka, ang mga chocolates mo, nakabalandra na. Huwag mong sabihing ako pa ang mamumulot niyan?" aniya rito. Naman! BC! You are in front of her family and you call her palaka? "Eh, kung may ginintuang puso ka, sungit, este Bryan, 'di tulungan mo ako para makabiyahe na tayo," buwelta din ni Joy. Ang resulta? Pinagtulungan nilang damputin ang mga laman ng bag ni Joy. Saka sila lumakad palabas ng kababayan. "Kung kailan nagkakaedad na ang dalaga natin, saka naman umatake ang kalampahan niya," minamasahe ang leeg na wika ni Shane. "Iyon na nga, asawa ko. Idagdag pa ang kalokohan niya. Kung sino pa ang ayaw sa maingay, siya pa ang paborito niyang asarin," segunda naman ni Marga. "Hay naku, Mommy, Daddy, pustahan tayo, someday silang dalawa ang magkakatuluyan. Pero siyempre, aba'y idinadaan muna nila sa asaran. Kaya't kung ako sa inyo, tutal maaga pa naman, tara na at matulog muli. May lakad ako mamaya kaya hindi ako nakasama sa kanila," ani Garreth. Lalaki rin siya at malakas ang kutob niya na ganoon ang nasa pagitan ng dalawa. Wala lang sa kanila ang may gustong magbaba ng pride. Nagkatinginan naman ang mag-asawa dahil doon. Pero hindi na sila sumagot pa, bagkus ay muli silang bumalik sa kani-kanilang mga silid-tulugan. Samantala, tahimik na bumiyahe ang dalawa pababa ng Ilocos. Kung si Joy ay abala sa pagmamasid sa tanawing kay ganda lalo at nagsisimula pa lang na sumikat si Inang Araw, si BC naman ay abala sa pagmamaneho. Pero lihim din niya itong pinagmamasdan. She's like a baby. Inosenteng-inosente sa mga bagay-bagay, samantalang laking siyudad naman. Paano ba naman kasi, hindi nga siya nito kinukulit, panay naman ang tili nito kapag nakakakita ng mga tanawing magandang kunan ng larawan. Lalo na nang mapadaan sila sa bukid at nagkataon na may lalaking nakasakay ng kalabaw. "Sungit, paki-stop naman ang car, oh. I want to take a picture of that," dinig niyang pakiusap nito. Ayaw sana niya dahil baka aabutin sila ng trapiko sa daan, pero para din naman siyang nakunsensiya nang makita ang pagbalatay ng lungkot sa mukha nito nang umakma siyang lalagpasan ang nakita nito. "Make it fast, okay? May ilang oras pa tayo para makarating sa Ilocos Sur," malamig na sagot niya rito at nag-menor para iparada ang sasakyan niya. "Thank you!" sagot nito at dali-dali ring lumabas . "Kuya! Kuya! sandali lang po. Paabala po nang kaunti. Kukunan ko sana kayo ng larawan diyan na nakasakay sa kalabaw, please?" dinig niyang pakiusap nito. "Ah, hindi ba nakakahiya sa iyo, ineng? Aba'y napakadisente mong babae para lang kunan ng larawan ang mambubukid na tulad ko," tugon ng hindi katandaang lalaki pero marahil ay bunga ng pagsasaka ay para itong tumanda kaysa tunay na edad. "Wala pong kaso iyon, kuya. Eh, ako nga po ang nang-aabala, eh. Sige na, kuya, oh," pakiusap muli ni Joy. "Sige, ineng." tipid na sagot ng lalaki. "Kuya, pakihawakan ang sumbrero mo at iyang tali ng kalabaw. Isa… dalawa… tatlo!" dinig pa niyang hudyat ng dalaga. Pero akala niya'y doon nagtatapos ang pinaggagawa nito. Hindi pa pala. At dahil busy siya sa pagmamasid ay nagulat siya nang magsalita ito sa harap niya. "Isang favor pa, Sungit. Pakikunan naman ako ng picture, oh. Gawin mong background ang kalabaw at si kuya." Heto na naman ang pangungunsensiyang tinig nito. Hindi na siya sumagot dahil ayaw niyang humaba ang usapan. Kinunan niya ito ng larawan na ang background ay ang kalabaw at ang lalaking nakasakay dito. Pero akala niya'y iyon na lamang, kaso ang lalaki naman ang nagsalita. "Mas maganda kung may larawan din kayong dalawa, ineng. Bagay pa naman kayo." Ay pobreng lalaki. Tom and Jerry ang mga iyan. Lihim namang napangiti si Joy. Hindi na nga lamang niya ipinahalata sa kasama dahil ayaw din naman niyang magmukhang cheap. "Thank you, kuya, at sorry sa abala," masayang sambit ni Joy matapos silang kunan ng larawan. Kung biglang tingin at hindi sila kilala ng mga tao ay aakalain talaga nilang may relasyon sila. Nakaakbay ang binata kay Joy sa larawan at kapwa sila nakangiti. Perfect combination! Hindi na hinintay ni Joy ang binata. Nauna na siyang bumalik sa sasakyan nito at tuwang-tuwa na binalikan ang mga nakuhang larawan. Tuloy, hindi na niya nakita ang pag-iling ng binata habang nakasunod sa kanya. "Ang babaw talaga ng kaligayahan ng babaeng ito," piping bulong ni BC. Ilang sandali pa ay muli nilang ipinagpatuloy ang kanilang biyahe. Kasabay ng pag-andar nila ay ang pagmamasid niya rito. Abala pa rin si Joy sa pagtingin sa mga larawan at panaka-nakang paghagikgik. Tuloy, nanibago siya nang bigla itong natahimik. Papasok na sila sa Ilocos proper pero wala pa rin itong imik. Iyon pala ay nakatulog na ito habang yakap ang camera nito. Nakasandig ito sa kanang pintuan na kung may biglang magbubukas nito ay mahuhulog ito. "Kaya naman pala natahimik — tulog pala. Ganyan sana lagi na tahimik ka at hindi ang inaasar ako. Nakakairita ka kasi kapag nagsisimula. Ang sharp-mouthed mo. Hayan, gigisingin na lang kita pagdating natin doon sa bahay. Matulog ka na lang. Mas maganda ka pa naman kapag tahimik," bulong ng binata habang banayad niya itong iniayos at ibinaba ang upuan ni Joy para makatulog ito nang mahimbing. Time flies so fast! Dahil sa kani-kanilang trabaho ay bihira na kung magsangga ang kanilang mga landas. Pero ganoon pa rin ang kanilang set up. Para pa ring aso at pusa. Iyon nga lang, hindi na masyadong masungit ang binata, pero ang dalaga ay ganoon pa rin kaingay. Samantala, naisipang dalawin ni Grandpa Bryan ang kaibigang si Grandpa Roy, kasama ang asawang si Grandma D. "Salamat naman pare at naalala mo akong dalawin. Maupo kayo, pare, mare," masayang alok ni Grandpa Roy sa mga panauhin. "Salamat pare. Na-miss kita kaya heto, sugod agad. Aba'y hindi ka ba masaya at nandito ako?" biro ni Grandpa Bryan. "Matatanda na tayo, pare. May mga anak at apo na pero hindi ka pa rin nagbabago sa pagiging palabiro mo. Of course, I'm happy lalo at alam ninyo na hindi na ako masyadong nakakapasyal dahil sa kalagayan ko," tugon nito sa kaibigan. "Biro lang iyon, pare. Ikaw naman. Teka lang, mukhang tahimik ang kabahayan ninyo, ah? Nasa kabila ba si Joy?" agad na usisa ni Grandpa Bryan. Ayaw na ayaw nilang nag-e-emote ang kaibigan nila dahil sa pagtanda nila, kaya't dapat iwasan nito ang malungkot. Nakailang beses na itong na-stroke. Muli, maaliwalas ang mukha nito. "Tart! Tart! Nandito sila Mareng Donna at Pareng Bryan. Halika muna rito," tawag nito sa asawang si Sheryl na naghahanda ng ang gamot ng asawa. Pagkarinig naman ng ginang sa tawag ng asawa ay dali-dali itong lumapit sa kanila. "Aba'y salamat, pare, mare, at nakadalaw kayo rito. Sayang nga lang at nasa kabila sina Cheska kasama si Lewis. Nasa trabaho si Rhyne, nasa probinsiya ang mag-asawa kaya tayo lang ang nandito kasama ang mga kasambahay. Teka lang, magpapahanda ako ng meryenda at lunch natin," masayang sabi ni Grandma Sheryl. "Tart, ipahanda mo ang paborito ni Pareng Bryan. Alam mo na iyon. Balik ka kaagad, tart, para may kasama kami rito," tugon ni Grandpa Roy. "Yes, tart. I will," sagot ng ginang sa asawa. Ito na ang tumayong personal doctor ng asawa simula nang mag-retire siya sa trabaho. "Wait, mare. Sama ako sa iyo. Alam mo, may boy's talk daw sila," natatawang wika ni Grandma Donna dahil laging ganoon ang set-up ng mga asawa nila kapag nagkikita-kita ang mga ito. Minsan, reunion place na rin nila ang dating tahanan ng Circle of Friends na ngayon ay isa ng tower. It was now called The Twin’s Empire. Ang dating dalawang palapag lamang ay naging pitong palapag na. Ang pinakataas nito ay private school para sa mga sea men. Ang rooftop nito ay malawak, may gymnasium din ito. May basketball court, volleyball court, soccer, at lahat ng ballgames ay naroon sa ibang mga palapag. Ang una at ikalawang palapag lamang ang exclusive para sa kanilang pamilya. Lahat na ng palapag ay may task, may restaurants, may hotel, pagamutan, and private school, lalo na ang taekwondo. Private man kung tawagin, pero very affordable naman para sa taong bayan. Pagkaalis ng mga asawa nila'y hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Grandpa Bryan. Agad niyang inilatag dito ang matagal niyang pinag-isipan at pinagplanuhan. Ang akala niya'y hindi papayag ang kaibigan niya at co-founder ng Circle of Friends, pero nagkamali siya dahil pagkatapos pa lamang niyang magsalita ay maaliwalas na ang mukha nito na tumatango. He's saying yes we will! So be it! They needed to do their plans!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD