IKA-DALAWANG KABANATA

1924 Words
Hindi na siya umimik dahil alam niyang magsasayang lamang siya ng laway kung papatulan niya ang kinaiinisang babae. Hinayaan na lamang niya itong nakikipagkuwentuhan sa lola at lolo niya kaysa mainis siya nang tuluyan. "Sige na, Insan. Mauna na ako. Babalik na lang ako bukas," paalam ni BC kay Adrian matapos nilang isalansan ang mga pinamili ng dalaga. "Eh, Insan. Alam mo namang may dala rin ako, pati na rin sina CJ at JP. Idagdag pa ang ipinadala nina Papa Shane at Mama Marga. Baka naman puwedeng…" alanganin at nakangiwing saad ni Adrian dahil alam niyang magagalit na naman ito. "Umayos ka sa pananalita mo. You have to go so speak up now or else, lalayasan kita nan hindi pa nagsasalita diyan," yamot na sagot ni BC. "Kung maaari sana, Insan, sa car mo makikisakay si Joy. Wala ng space sa car ko, eh," tugon ni Adrian at hindi nga siya nagkamali ng sapantaha. "Ano!? Sa akin makikisakay ang malapalakang babaeng iyan? You’re crazy indeed!" pinaghalong yamot at inis niyang sabi. "Hey, young man! Why are you shouting? Your just beside your cousin, yet you’re still shouting?" kunot-noong sabat ni Grandpa B. "Paano naman kasi, Grandpa. Sa akin daw makikisakay ang babaeng iyan. You all know how I hate—" "It's not a valid reason, apo ko, para sumigaw ka riyan. Kung ayaw mo siyang isabay, eh, you can say it in a nice way," pangungunsensiya pa ni Grandma D. "Hmm. Okey lang po, Grandma D. Kung ayaw niya akong isabay, maybe next time na lang ako sasama. Kayo na lang ang bahala sa mga pinapimili ko. Siya, sige na po, Grandpa, Grandma, pinsan, mauna na ako sa inyo," sabat ni Joy at akmang tatayo na para umuwi. "Okey, fine! Sasabay ka sa akin bukas, pero zip your mouth. Alam mo namang ayoko ng maingay at ikaw na yata ang pinakamaingay sa lahat ng mga nakilala ko!" bawi ni BC na parang biglang nakukunsensiya nang makita ang lungkot sa mukha ng dalaga. Iyon nga lang, mabigat ang pagkasabi niya. Sabi nga nila, ang taong mababaw ang kaligayahan ay madaling matunaw ang tampo o inis. Pagkarinig pa lang ni Joy sa binitiwang salita ng binata ay lumuwag na ang kanyang ngiti na nagpalitaw sa mga biloy niya sa magkabilang pisngi. "Yes, insan, sasama rin ako. Pakisabi sa pinsan mo, salamat at peksman, mamatay man ang mga epal, magbi-behave ako," tuwang-tuwa na wika ng dalaga na may kasamang paglalambitin kay Adrian. Hindi na lamang siya nagsalita at siya na ang naunang umalis. Ganoon pa man, nasa main door pa lamang siya ay muli siyang lumingon. "Kung gusto mong sumama, as I've said, zipper your mouth, you frog! Dadaanan na lang kita sa bahay ninyo at five flat! Bawal ang late. Okay lang na bago mag-five, basta hindi late. It's up to you if you'll take it or leave it," aniya bago tuluyang lumabas. Hinintay muna nilang makaalis ito bago nila pinakawalan ang kanilang mga tawa. Grabe si BC, aakalain mong commander ito ng isang platoon. Kulang na lang ang, "Is that clear?" nito. "Ikaw Joy, ha. Alam mo namang allergic si BC sa maingay tapos inasar mo pa," natatawang wika ni Adrian dito nang makaalis nang tuluyan ang binata. "Ang sarap niyang asarin, insan. And I found him cute kapag naiinis," sagot niya with giggling effect. She was so happy na hindi niya napansin ang pagtinginan ng dalawang matanda. "Baka naman crush mo ang pinsan ko, Joy? Aba, mahirap ‘yan. Baka maging aso't pusa kayo niyan," tugon ni Adrian. "Eh, ano naman kung crush, pinsan? Haller? Pinsan ko na walang love life, ang crush ay paghanga lang, ‘no?" sagot nito at huli na para ma-realize ang sinabi. Ngumiti naman ang dalawang matanda dahil dito, lalo na nang makita ang dalaga na nakatakip ang dalawang palad sa bibig. "I like you, hija. Not because you’re the grand daughter of my friend, but I like you because you’re so honest. Don't worry, hija. Sabi mo nga, paghanga lang iyan. Malay mo crush ka rin niya kaya nagsusungit sa iyo," panggagatong pa ni Grandpa B. "Kita mo, insan. May blessings na si Grandpa, kaya wala kang dapat alalahanin diyan. All you can do now is to go home. Maraming naghihintay sa iyo roon na Toblerone ni Kuya Garreth," panggagatong, pangangantiyaw, at pang-aasar ni Adrian sa pinsan. " Eh, ikaw kasi, insan, madaldal ka. Pero akin muna ang paborito ko. Bilisan mo at nang makauwi na ako," tugon ng dalaga. "Mayroon sa ref sa kusina, apo. Palaging may stock dito dahil alam kong pumaparito ka. You’re so lovely, hija. I like you," masuyo ring sagot ni Grandma D. "Thank you po, Grandma. I love you both ni Grandma D and Grandpa B. Insan, uuwi na ako," masayang paalam ng dalaga at hinagkan ang dalawang matanda sa noo, at sa pisngi naman ang pinsan niya. Dumaan muna siya sa kusina ng mga ito at kinuha ang Toblerone, saka tuluyang nilisan ang tahanan ng mga Mckevin. "Kung ako si Insan, mamahalin ko na lang si Joy kaysa asarin ito. Kaso, ewan. Eh, parang ’di ko maarok ang damdamin niya," kibit -balikat na wika ni Adrian. "Ang sabihin mo, apo, mataas ang pride ng pinsan mong iyon. Ano pa ba ang hanap niya kay Joy? Ang kaingayan lang naman nito ang lagi niyang naipipintas. Bukod doon ay wala na," sang-ayon naman ni Grandpa B. "Ikaw na rin, asawa ko, ang nagsabing mataas ang pride ni BC kaya hindi na nakapagtataka kung ganoon ang asal niya. At saka malay ninyo kung paraan lang niya iyon para pagtakpan ang nararamdaman niya at siya ang aamin dito balang-araw," ani Grandma D. Kibit-balikat na lamang ang isinagot ng matandang Mckevin, samantalang ipinagpatuloy ni Adrian ang ginagawa. Sa kabilang banda, nakasimangot na dumating sa kanilang tahanan si BC na hindi lingid sa kanyang ina. "Anak, what's with that furious face?" salubong na tanong ni Yana sa anak. "Wala, Mommy," tugon ng binata at tuloy-tuloy sa kanilang sala, saka pabagsak na umupo sa sofa. "Wala raw, eh. Parang pasan mo ang mundo. Aba'y sayang ang lahi nating mga Harden kung tatanda kang binata riyan, anak," tukso naman ng ama na halos kasabay lang niyang dumating. Ano raw? Tatandang binata siya? No way! "Daddy naman, porke't nakasimangot na ako, eh, tatandang binata na ako agad? Malay mo kung sa akin ka magkakaapo ng kambal. As they say, it runs in the family," tugon ni BC na napaupo nang tuwid dahil sa tinuran ng ama. "Magkakaapo agad, anak? Aba'y wala ka pa ngang naipapakilala sa aming nobya mo?" salungat naman ni Yana. "Anyway, anak, ano ba ang nangyari at parang pasan mo ang mundo? May problema ba sa kompanya? Tell us now. Malay mo matulungan ka namin ng mommy mo?" pangungumbinsi naman ni Terrence. Napabuntong-hininga na lamang siya dahil wala na siyang lusot sa mga magulang. Hindi siya perpektong tao, pero hindi rin siya marunong magsinungaling kaya ipinagtapat na rin niya ang dahilan. "Just the same, Mommy, Daddy. Ang palakang iyon, binuwisit na naman ako kina Grandpa B. At ang malala pa, eh, sa akin siya makikisakay bukas papuntang Ilocos. I really hate it. Ang ingay pa naman niya. She's a human version of a frog!" mariing saad ni BC, pero mas napakunot-noo siya dahil napahagalpak ng tawa ang kanyang mga magulang. "What's so funny, Mommy, Daddy?" muli ay tanong niya sa mga ito. Pero lumipas ang ilang segundo bago sumagot ang ina. Halatang pinayapa muna niya ang sarili mula sa katatawa bago sumagot, pero halatang natatawa pa rin. "Sa tagal ninyo rito sa mundo, anak, simula pagkabata ninyo ay taon-taon naman kayong nagtutungo sa Ilocos Sur. Hanggang ngayon ba naman, anak, ay hindi ka pa rin nasasanay kay Joy? Sa ganda ng dalagang iyon, palaka pa ang naisip mong itawag sa kanya? Wake up, son. Baka naman may lihim ka lang na pagtingin sa kanya at pilit mo lang itong pinagtatakpan, kaya nagagalit ka sa kanya?" Akmang sasagot sana si BC pero natauhan naman siya nang sinegundahan ng ama ang tinuran ng kanyang ina. "Your mom is right, anak. Alam mo, minsan tayong mga lalaki, idinadaan natin sa pagsusungit o ibang bagay ang ating nararamdaman. Imbes na umamin tayo, mas ninanais pa nating itago ito. Pero sa panahon ngayon, anak, aba'y magmuni-muni ka na at baka maunahan ka ng kapatid mo na mag-akyat dito sa bahay ng apo namin. Remember, ikaw ang lalaki kaya dapat huwag kang masungit kung ayaw mo sa kanya or sa kaingayan niya. Eh, sabihin mo nang maayos at huwag ang awayin siya. Tao lang din siya na may damdaming nasasaktan kahit idinadaan lang niya sa pang aasar din sa iyo. Mark my word, anak — try to be civil with her and I’m pretty sure she will change her behaviors towards you." In a few seconds, saka lamang nakuhang sumagot ni BC na para bang inunawa lahat ang mga binitiwang salita ng mga magulang. "I'll try to be civil to her but I don't think so, specially when she starts to talk. But as I've said, I'll try," sumusukong saad ng binata. Pero ang ina niyang kahit may edad na para mangantiyaw ay nakuha pa rin nitong humabol. "Oh, kitam, anak? What if aminin mong may pagtangi ka rin sa kanya?" panghuhuli pa nito. "NO, as in big NO, Mommy." Iyon lang at tumayo na ang binata, saka umakyat sa hagdan patungo sa pangalawang palapag kung saan naroon ang kanyang kuwarto. "Nangantiyaw ka pa kasi, hon. Alam mo namang allergic ang anak natin sa maingay, eh," dinig pa niyang sabi ng ama sa mommy niya pero mas napailing siya sa sagot nito. "Pustahan tayo, hon. Darating ang panahon na magiging sila ng anak natin," sabi ng mommy niya. "At kung hindi?" hamon pa ni Terrence. "Dito ka sa baba matulog at ako sa kuwarto natin. Pero kapag oo naman, eh, siyempre vice versa lang honey," agad namang sagot ni Yana. "Ayos, hon. Aba, deal tayo riyan." Dinig pa niya ang usapan ng mga magulang pero hindi na niya ito binigyan ng pansin at ipinagpatuloy ang pag-akyat. Kinabukasan, alas kuwatro pa lang ng madaling araw ay gising na si Joy dahil alam niyang may pupuntahan siya. "Hmm. Doon na lang ako magsisimba, Bossing. Tutal, mga madre naman at pari ang namamahala roon kaya't may misa every year," bulong niya habang nakatingala. Matapos siyang maligo ay inayos na niya ang kanyang kuwarto, lalo na ang higaan niya. And as usual, ang oversized teddy bear na laging yakap niya ay nasa pinakagitna ng queen size din niyang higaan. Akmang lalabas na siya ng room pero muli siyang bumalik at kinuha ang ilan sa collection niyang Toblerone at inilagay sa bag niya. "Well, ikaw tsokolate, alam mo na kung para kanino ka," animo'y tao ang kausap habang isinilid ito sa bag niya at tuluyang lumabas sa kuwarto niya na paawit-awit. Dahil maaga pa naman, at alam niyang wala pang tao na gising lalo at Sunday, ay with matching action pa siya sa pagkanta kahit malakas lang ito sa bulong. Huli na nang mapansin niya na nandoon na pala sa kanilang sala ang sundo niya na pinapasok na ng night guard. Agad niyang tinakpan ang bibig dahil akala niya ay siya lang ang gising, iyon pala ay may nakarinig na sa boses niya. She was about to greet him a pleasant morning. Pero hindi na niya ito nagawa dahil sa pagkataranta niya. Nandoon kasi ang paborito niyang asarin at nakalimutan niyang nasa hagdan siya. And before anything else! Sumemplang na siya dahilan para mapatili siya nang paglakas-lakas!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD