"Hey, Shainar, anak! Halos kararating mo lang, aalis ka na naman? Where are you going?" kunot-noong tanong ni Marga sa anak.
"Kina Adrian, Mommy," sagot nito na hindi man lang lumingon sa kausap.
"Miss Toblerone naman, kinakausap ka ni Mommy kaya tumigil ka muna sa paglalakad," sita tuloy ni Garreth na nasa sala nila habang nagbabasa ng mga thesis niya.
Nauna siyang mag-aral sa kapatid niya, pero mas nauna itong magtapos. Nursing kasi si Shainar habang Law student naman siya. Halos sampung taon ang ginugugol niya sa pag-aaral. And thank God, he is now in his last year of being a student. Besides, may trabaho nang naghihintay sa kanya. Thesis at graduation na lamang ang kulang para makumpleto. Siya ang nagmana ng profession ng kanilang ama. Ganoon pa man, hindi siya kumuha o nag-aral ng Law dahil iyon ang kagustuhan ng daddy nila. Iyon na talaga ang gusto at ambisyon niya simula pa noong bata siya. And now, he’s about to be a criminal case lawyer.
"Pahingi muna ng Toblerone mo, Kuya, bago ko sabihin kung ano ang sadya ko kay Adrian," tugon naman nito na bumalik at halos mangunyapit sa kanya.
"Joy, anak, anong ginagawa mo sa kapatid mo? Nakikita mo namang busy siya sa thesis. Akala ko ba’y may duty ka sa hospital?" sabat naman ni Shane na kalalabas pa lang sa kuwarto nila.
"Ay, Daddy! Kayo talagang tatlo, ako na naman ang nakikita ninyo," naka-pout na sagot ni Shainar Joy, saka pinaglipat-lipat ang paningin sa mga magulang at kapatid.
"Anak, dalaga ka na. Moreover you’re already a professional. Stop that behaviour of yours. Act like like a real grown up lady. Ano ba kasi ang sadya mo sa pinsan mo?" usisa ni Marga.
"Eh, gusto ko kasing sumama sa kanila sa Ilocos. At saka, weekend naman po, ah," labas sa ilong na katuwiran ng dalaga.
"Sasama lang pala sa Ilocos, eh, nanghingi pa ng Toblerone. Marami niyan si Mama Grace. Doon ka humingi," natatawang sagot ng binata.
“Kuya, naman eh! Sige na, oh. Pahingi na ako," paglalambing naman ng dalaga.
"Alam mo naman kung saan mo matatagpuan. Basta huwag mong uubusin dahil ipapamigay ko iyon sa ampunan," iiling-iling na bilin ni Garreth sa kapatid.
Tiwala naman sila rito kaya't hinayaan lamang nila itong gumala. Plus, si Adrian naman ang kasama nito. Iyon nga lang ay hindi ito puwedeng walang baon na chocolate, lalo na ang Toblerone.
"Bye, mauna na ako. Kakausapin ko muna si Adrian kung anong oras kami lalabas bukas para makabili rin ako ng mga dadalhin ko," pagpapaalam ni Shainar bago humalik sa pisngi ng mga magulang, saka lumabas na.
Hinayaan muna nila itong mawala sa paningin nila bago magsalita ang padre de pamilya.
"Naiisip ninyo ba ang naiisip ko?" may ngiti sa labi na tanong nito.
"A little bit, babe. Parang may bangayan na naman ang mga iyan," animo'y bata na kinikilig na palagay ni Marga.
"Hindi ko rin alam kung bakit mainit ang dugo ni Bryan sa kanya. Ang malala pa’y gustong-gusto namang inaasar ni Joy itong si Bryan. I remember the last time na bumaba sila roon. Sinabi nga ni Grace na para silang mga aso't pusa,” umiiling na saad ni Shane. Mayamaya pa ay nilingon naman nito ang binatang anak. "Kumusta naman ang thesis mo, Garreth? Need help?"
"No, thanks, Dad. I can manage," tugon nito na abala pa rin sa pagtitipa sa keyboard ng laptop nito.
"No wonder na hindi iyan aabutin ang sampung taon sa Law, asawa ko. Look at him, he is devoting all of his attention to his studies. Napapabayaan na nga yata niya ang social life niya," ani Marga na naupo rin sa kabilang side ng anak, kaya't nakapagitna na ito sa kanila.
"Yeah, I know, asawa ko. May pinagmanahan, eh. Kaya, I'm so proud of him," tugon naman ni Shane.
"My genes came from both side, Daddy,” paglilinaw ni Garreth na nakatutok pa rin ang mga mata sa laptop. “Both sa inyo ni Mommy. Even from my grandparents kaya hindi na nakapagtataka."
Dahil totoo naman, ang late Lolo Allen niya ay dating abogado at opisyal ng FBI. Ang Lolo Roy niya na papa ng mommy niya ay isa ring retired FBI officer at retired lawyer, kaya hindi na nakapagtataka na susuong din siya sa abogasya dahil nasa dugo na nila ang pagiging tagapagtanggol.
"And I'm so proud of you too, bro. Kahit hindi ko man natupad at nasundan ang yapak ni Daddy at Papa Allen, alam kong proud din sila sa iyo kahit nasa kabilang buhay na sila ni Mama," masaya ring tinuran ni Shane II na bagong dating. Katunayan ay kalong nito ang isang taong gulang nilang anak ni Samantha Lewiston.
"Oh, anak, nandito pala kayo. Bakit hindi man lang kayo nagpasabi na darating kayo?" masayang bungad ni Marga nang makita ang anak.
"Surprise nga, Mommy. Ikaw naman," natatawang sagot ni Shane II, sabay yakap dito.
"Mano po, Mommy, Daddy," ani Samantha sa mga biyenan. Inabot niya ang mga palad ng mga ito at nagmano.
"Kaawaan ka ng Diyos, anak," halos sabay namang sagot ng mag-asawa.
"Salamat, bro. Well, ikaw na rin ang nagsabing hindi ka man sumunod sa mga yapak nila, at least, nakamit mo naman ang pangarap mo sa buhay. And thank God, masaya ka na rin sa buhay mo together with your family, so nothing to worry, bro," sagot ni Garreth na pansamantalang iniligpit ang mga gamit, saka kinuha sa kuya niya ang pamangkin na si Allick Francisco.
"Da-da," nagbe-baby talk naman nito.
"Wow, anak, ha. Marunong ka nang mangilala. Papa Pogi — say it, baby," tuwang-tuwa na wika ni Garreth.
"Da-da," muli ay hagikhik nito.
"Siya, rito muna kayo at bibilinan ko sila sa kusina para maghanda ng dinner natin," pagpapaalam ni Marga sa mga ito at nagtungo na sa kusina nila.
"Si bunso, Daddy? Mukhang wala na naman, ah," puna ni Shane II nang igala ang paningin pero wala ang bunsong kapatid.
"Hindi ninyo ba siya nakasalubong sa labas, anak? Halos kalalabas lang niya, ah. Pupuntahan daw niya ang pinsan ninyo. Sasama raw siya sa Ilocos Sur," sagot ni Shane sa anak matapos silang makaupong lahat.
"Nakita ko kanina sa kalsada ang car niya, Daddy. Pero akala ko naman, pauwi iyon kasi ang way ay papunta rito," sabat naman ni Samantha.
"Baka papunta sa mall, anak. Anniversary raw ng ampunan ng Mama Grace ninyo sa Sunday. Alam ninyo naman ang kapatid n'yong iyon na mahilig sa mga ganyang bagay," wika naman ni Shane I.
Akmang magsasalita pa sila nang gulantangin sila ng halakhakan ng mag-tito na Garreth at Allick Francisco. Animo’y malaking tao ang huli.
Sa kabilang banda, pinatawag ni Sir Bryan ang apo na si Adrian Joseph para kausapin ito tungkol sa anniversary ng The Survivors’ Orphanage, ang bahay ampunan na naitatag nila mahigit dalawang dekada na ang nakakaraan.
"Apo ko, anong balak ninyo ngayon? Asaan ba kasi ang daddy mo at hindi man lang makaalala na dumalaw rito?" May himig ng pagtatampo ang boses nito.
"Grandpa, huwag na kayong magtampo, tutal nandito naman ako. Pupunta tayong lahat dahil iyon ang taunang ginagawa natin. I'm sure, sasama rin ang kambal ninyong apo," pang-aalo naman ni Adrian dito.
"Tama nga naman ang apo natin, asawa ko. Malay mo, busy ang mga anak mo kaya hindi sila nagagawi rito," segunda naman ni Ginang Donna sa apo.
"Si Joy, apo. Sinabihan mo ba ang pinsan mo? Alam mo namang gustong-gusto niyon ang sumasama roon sa probinsiya," ani Bryan.
"Yes, Grandpa. I'm so sure, on the way na iyon. Baka dumaan lang ng Toblerone sa market. Alam ninyo naman iyon, mahilig sa Toblerone," natatawang saad ni Adrian sa pagkakaalala sa pinsan niyang si Joy.
"Para iyon lang, apo. Kahit mahilig ang pinsan mo sa chocolate, hindi naman mataba. May K pa nga siya sa mga pageant pero mukhang allergic naman sa mga ganoong bagay," segunda ng ginoo.
"Eh, si BC, apo? Anong sabi niya? Sasama raw ba siya? Ang Mama Yana mo, anong sabi nila?” usisa ni Granpa B, saka nagpatuloy. “Ang makukulit ninyong mga pinsan, the naughty Mondragons kung tawagin ninyo, ang hindi ninyo maaasahan dahil nasa iba't ibang panig na ng mundo ang mga iyon."
"Nandito po ako, Grandpa. Asahan ninyong sasama ako, like every anniversary of the orphanage. Basta patahimikin mo lang ang malapalaka mong pinsan. Nakaka-provoke na siya, eh. Parang walang kapaguran ang bibig niya," anang nakasimangot at bagong dating na si Bryan Christopher.
"Bakit ba kasi hate na hate mo ang taong iyon, apo? Baka naman ma-in love ka niyan? Isipin mo apo, may kasabihan na, the more you hate, the more you love," panunukso pa ng abuela nila.
"No way! Never, Grandma! Ang palakang iyon, mamahalin ko? Never. Over my dead body!" mariing tanggi ni BC.
Na siya namang ikinahalakhak ni Adrian, pero mas ikinakunot-noo ni Bryan Christopher. "What's so funny, Adrian Joseph Mckevin?" kunot-noong tanong nito na full name pa talaga ng pinsan ang binanggit.
"Ikaw, bro. Ikaw lang naman ang pinagtatawanan ko. Maka-over my dead body ka, wagas. Think, insan. Mahirap magsalita nang tapos, kaya huwag kang magsalita nang ganyan. Malay mo, siya pala ang soul mate mo," pang-aasar pa lalo nito.
"Tama nga naman ang pinsan mo, apo ko. Mahirap magsalita nang tapos, lalo’t binata ka at dalaga naman si Joy," pagsang-ayon ng matandang Mckevin.
"Ah, basta! Insan, sabihan mo ang pinsan mo na huwag paganahin ang mala-armalite niyang bibig. Tapos ang usapan!" mariin pa ring saad nito sabay pabagsak na naupo sa sofa at ipinikit ang mga mata.
Ewan ba niya kung bakit mainit ang dugo niya sa dalagang Cameron. Tama naman sila, kung tutuusin ay wala siyang dapat ikagalit dito. Sa kanyang pagmumuni-muni ay parang nakita niya ito noong kabataan nila.
"Go away from me, you frog! You're always talking! Can’t you just shut your mouth up?!" bulyaw niya sa anim na taong gulang na si BC.
"I know it, Bryan Christoph. Pero hindi mo alam na ako ang pinakamagandang frog sa buong mundo. Doon nga sa book ni Mommy, nabasa ko na sabi ng idol kong si Shenggay — ‘my sharp mouth is my asset’,” sagot naman ng pitong taong gulang na babae.
“My sharp mouth is my asset daw. Hindi pa rin nagbabago ang bibig ng babaeng iyon — mabunganga pa rin,” bulong niya na hindi namalayang nasambit pala. Hindi ito nakaligtas sa pandinig ng mga kasamahan, lalo at napaismid pa siya sa pagkakaalala sa kasal noon ng mga magulang niya.
"Kita mo! You still remember the little girl whom you always called frog, na kahit mismong araw ng kasal ng mommy at daddy mo, eh, hindi mo pinatawad. Tinawag mo pa rin siyang frog," kantiyaw ni Adrian sa pinsan.
Ismid na lamang ang nakuha nilang sagot dito. Na kahit ang mga matatanda sa kanila ay hindi na nakaimik dahil sa nakikita nilang inis sa mukha ng binata. Nagkatinginan na lamang silang tatlo dahil sa inasta nito.
Samantala, matapos ang halos dalawang oras na paglilibot ni Shainar sa mall ay nakabili na siya ng sapat na dadalhin para sa orphanage. Napagpasyahan niyang tumuloy sa bahay ng mga Mckevin, pero ayon sa mga taong naroon at sa mga katulong ay nasa malaking bahay ang mga ito.
"Hmm. Doon na lang ako didiretso. Iti-text ko na lang siya," bulong niya sa sarili bago muling nagmaneho. Pero nang nasa gate na siya ng malaking bahay ng mga Mckevin ay nakita niya ang sasakyan ng binatang paborito niyang asarin. Dahil dito’y muli siyang nakaisip ng kalokohan.
"Kuya, help naman diyan, oh. Pakibuhat ang iba rito at dalhin natin diyan sa loob. Pero, huwag kang maingay, ha." Kinindatan niya ito. At ang isa namang uto-uto ay sumang-ayon.
"Nariyan na lahat, ma'am? Ipapasok ba natin sa loob?" pabulong din nitong tanong.
"Huwag na, Kuya. Ako na ang bahala rito. Salamat po," tugon niya sa guard.
Then, she took a deep breath and knocked at the door as she said her words, "Hello, everyone! I'm here po, Grandpa B, Grandma D," aniya sa high-pitched tone. Nakita siya ng mga ito at ngumiti naman sa kanya.
"Help naman diyan, my dear cousin. Namili na ako ng dadalhin natin bukas. Baka gusto mo akong tulungan diyan, cousin?" aniya sa pinsan na alam niyang pigil ang paghagalpak nito.
At ang kanina'y nakatingalang BC at naghihintay ng mahuhulog na butiki ay napabalikwas. "Speaking of the devil!" Hindi mawari kung bulong ba o ano dahil dinig naman nilang lahat.
"And I'm the prettiest devil alive, kaya help na kayo riyan ni insan. Napaka-ungentleman ninyo namang dalawa kung hindi ninyo ako tutulungan," pang-aasar pa ng dalaga.
Dahil dito, hindi na napigil ng tatlo ang humalakhak. Mas umasim kasi ang mukha ni BC dahil sa sinabi ng bagong dating.
Wala na rin silang narinig mula rito dahil nanatiling tikom ang bibig habang pinagtulungan nilang magpinsan na ipasok ang mga dala ni Shainar. Samantala, masayang nakikipagkuwentuhan ang dalaga sa mag asawang Bryan at Do