IKA-ANIM NA KABANATA

2043 Words
"Ito ang bahay namin, Reynold. Dito ako nakatira," anito kaya't tumingin ako sa kaniya. Hindi man kalakihan ang nadatnang bahay ngunit kahanga-hanga ang kaayusan. Lahat nang nakikita niya ay nasa tamang ayos. Kahit luma ang disenyo ng bahay subalit makabago ang pintura. At ang mas nakaagaw sa kaniyang atensiyon ay ang mga halaman sa isang tabi. 'Parang si Kapre. Mahilig sa halaman kahit abalang-abala sa mga kasong hinahawakan. I miss them already.' Sa kaniyang isipan ay ang pamilyang siguradong nag-aalala na para sa kaniya. Kung hindi lang sana dahil sa kabaliwan ng dati niyang boss ay hindi na kailangang aabot sa ganoong sitwasyon. Para siyang kriminal na nagtatago. Kaso napalalim yata ang pag-iisip niya dahil napakislot siya nang muling nagsalita ang taong tumulong sa kaniya, si Sirichi. "Halika sa loob, Reynold. Upang makapagpahinga ka na. Alam kong hindi madali para sa iyo ang pinagdaanan mo sa kasalukuya. At kung gusto mong makaalis ng Thailand ay pasok na tayo. Kailangan mong ipanatag at ipahinga ang sarili mo upang makapagdesisyon ka ng maayos. Bukas na bukas din ay babalik tayo sa airport upang makipag-ugnayan sa management para sa bagahi mo. At tungkol kay Mr Yeonto ay kailangang makapunta ka sa Philippines Embassy dito sa Thailand. Dahil kahit isa akong immigration officer ay limitado ang maitulong ko. Ngunit kagaya nang sinabi ko ay huwag kang mag-alala dahil gagawin ko ang lahat upang makauwi ka sa inyo ng maayos. Huwag kang mag-alala dahil may kasama man ako rito sa bahay pero pipi. Ibig kong sabihin ay ang kapatid kong babae. Siya ang nag-aalaga kay Mama na paralisaso." KAHIT napakislot siya nang nagwika ang saviour niya ay naging maagap naman siya. Dahil ayaw niyang paghintayin ito at mas hindi kanais-nais kung mag-inarte pa. Siya ang nangangailangan kaya't nararapat lamang na makibagay siya. "Maraming salamat, Sirichi. Hindi ko alam kung paano ako makakabayad sa iyo sa pagtitiwala at pagtulong mo sa akin. Isa akong estranghero ngunit nagtiwala ka ng walang pag-aalinlangan," aniya saka sumabay dito sa pagpasok. "Your welcome, Reynold. Simple lang ang kabayaran nang pagtulong ko sa iyo. Ibalik mo ito sa mga nangangailangan din ng tulong. It's a chain of brotherhood. Iyan lang ang hinihingi kong kapalit. Dahil kung iniisip mo ang materyal na bagay ay hindi ko iyan matatanggap kahit ano pa ang gawin. Kapag ginawa ko iyan ay mas mabuting hinayaan na lang kitang namanipula ng dati mong boss. By the way, ano'ng gusto mong kainin---" SUBALIT hindi na ito pinatapos ni Reynold Wayne. Tama, pagod siya emotionally and physically. Gutom din siya ngunit ayaw niyang maging pabigat dito. Tinulungan siya nitong nakaalis sa airport upang makaiwas sa dati niyang boss. Napakalaking bagay na iyon para sa kaniya. Ang pagsilbihan pa siya ay kalabisan na. Kaya't naging maagap na siya. "No, Sirichi. Huwag mo akong ituring na panauhing pandangal. Tama nandito tayo sa bahay n'yo pero hindi ibig sabihin na pagsilbihan mo akong parang panauhing pandangal. Alam ko ring pagod ka sa trabaho kaya't magpahinga na tayong pareho. Thank you so much for everything, Sirichi. Darating din ang panahong maibalik ko lahat ng kabaitan mo sa iyo." Nakangiti niya itong pinigilan nang akma siyang pagsilbihan. "As you wish, Reynold. Feel at home, and since that you don't want to eat, follow me in room so that you can take a rest now. At sisilipin ko muna sina Inay at Ivana," anitong muli. Ngumiti siya bilang pagsang-ayon saka tahimik na sumunod patungo sa kuwarto nito. Hindi rin ito nagtagal sa loob, kumuha lang ng bihisan at nagpaalam nang sa sala na matutulog o mamahinga upang maging kumportable siya. Again, walang hanggang pasasalamat ang nanulas sa labi niya sa gabing iyon. Mabait pa rin ang langit sa kaniya dahil hindi siya hinayaang mapunta sa taong gustong makasira ng buhay. "BOSSING, alam kong kalabisan na ang humiling pa sa iyo. Pero, BOSSING, sana ay hayaan mo na akong makalabas ng Thailand. Hindi ko alam kung bakit ko ito nararanasan pero alam kong may plano ka sa akin, BOSSING. Ituro mo sana sa akin ang daang palabas ng bansang ito kahit sa dagat. Kahit magbabayad ako ng malaking halaga basta tulungan mo akong mapagtagumpayan ko ang labang ito," bulong niya bago nahilata sa higaang malambot. He has faith on his new friend! A new friend of him, who never criticize those who are need like him. Instead he offered his help voluntarily. Dahil sa mga nangyari sa araw na iyon ay nawala sa isipan niya ang sandalan ng bawat OFW's sa iba't ibang panig ng mundo. Ang embahada ng bansang Pilipinas na naka-based sa Thailand. Kung hindi pa nabanggit ng saviour niya ay tuluyan nang nawala sa kaniyang isipan. MANILA, PHILIPPINES "Tumawag na po ba si Kuya, Mommy?" tanong ni Rennie Grace sa inang nadatnan sa sala kasama ang ama. "Hindi pa nga, anak. Lumipas na ang maghapon kako baka nawalan ng signal kaya't hindi nakatawag. Ngunit wala pa rin siyang paramdam hanggang ngayon samantalang gabi na," pahayag nito. SA tinuran ng ina ay hindi agad nakapagsalita ang dalaga. Kaya naman ay sinamantala ng ama. "Wala pa naman tayong ibang matawagan doon upang makahingi sana ng tulong. Ako ang labis-labis na nag-aalala sa taong iyon. Kung ano-ano kasi ang naiisip eh," anito kaso agad ding napangiwi. "Honey naman, bakit ka nangungurot? Wala naman akong nagawang mali." Nakangiwi siyang humarap sa asawa habang hawak-hawak ang bewang na kinurot nito. "Tsk! Tsk! Ikaw na matanda ka ay mukhang hindi ka na nag-iisip eh. Paano mo nasabing kung ano-ano ang nagawa ng anak natin samantalang nagpaalam naman siya ng maayos sa atin noon. Imbes na mag-isip ka ng paraan upang matulungan natin siya ay ikaw naman ang walang masabing matino!" singhal nito sa kaniya. Tuloy! Ang dalagang nag-aalala sa panganay na kapatid ay hindi na napigilan ang sariling napahalakhak. Kaso agad ding umayos nang napansin ang pagtaas-kilay ng ina saka inunahan itong magsalita. "HUWAG ka ng magalit, Mommy. Dahil wala namang hindi worried kay Kuya. At isa pa ay totoo namang imbes na nagtapat ito kay Adel ay mas pinairal ang mataas na bundok kaya't ayon hindi natin alam kung ano na ang nangyayari. Mabuti sana kung makausap natin ng maayos," aniya. Ngunit marahil ay dulot pa rin ng labis na pag-aalala ay hindi ito sumagot bagkus ay napasimangot itong tumingin sa ama. Kaya't nagpatuloy siya. "Mommy, Daddy, ganito na lang po. Total kahit matulungan natin si Kuya ay limitado. Kapag wala pa rin siyang tawag ngayong gabi hanggang bukas ay mas mabuting tumawag tayo sa Philippines Embassy sa Thailand. Ilan tayong mga abogada sa pamilya at karamihan din sa atin ay naging representative sa iba't ibang panig ng mundo as a lawyers mula rin sa embahada. For sure namang matulungan nila tayo upang malaman kung ano na ang kalagayan ni Kuya." PINAGLIPAT-LIPAT niya ang paningin sa mga magulang. At kung hindi siya dinadaya ng malinaw niyang mata ay kumislap ang mata ng ina at nagliwanag naman sa ama. Kaso siya naman ang napangiwi nang nagsalita ang mahal na ina. "Ikaw na babae ka imbes na ipinaalala mo iyan kaninang umaga pa ay mas pinili mo pa ang lumabas. Aba'y nakalimutan ko na nga ay hindi mo pa nasabi. Ayan tuloy, kung saan-saan na napunta ang usapan." Kung ang ama ay kinurot sa baywang dahil umano sa kung ano-anong sinasabi samantalang piningot naman siya sa taenga. Hindi niya tuloy alam kung ano ang sasabihin dahil mukhang iba ang trip ng ina sa gabing iyon. "Huh! Wala pa nga akong kapalit sa mundong ito ngunit namimingot ka na po--- huwag kang mag-alala, Mommy, dahil kapag makasalubong ko na ang taong hahalo sa lahi natin ay magbubuntis ako ng maraming beses upang mas marami kang mapingot." NAKANGIWI na nga siya dahil pamimingot ng ina ay nagawa pa niyang hinaluan ng biro kaso mas idiniin nito ang palad na wari'y dumikit sa taenga. "Honey, alam kong nag-aalala ka na kaya't hindi mo mapagsunod-sunod ang iyong iniisip. Tayong dalawa nga ay nawala rin sa isipan ang tungkol sa embassy. Samantalang matagal ka ring nanilbihan sa embahada ng Italy. Kaya't kalmahin mo na ang iyong sarili. As our daughter said a while ago, if we can't receive any call from our son from tonight until tomorrow morning. We will do our moves or to communicate with the embassy personnel." Pang-aalo ni Ginoong Pierce Wesley sa asawa. Hindi naman niya ito masisisi kung bakit ganoon ang reaksyon nito. Dahil bilang ama ng binatang nasa Thailand ay aminado rin siyang iba ang kabog sa kaniyang dibdib. Subalit sinasarili lamang niya dahil wala ring mangyayari oras na hayaan nilang talunin sila ng kanilang emosyon. SAMANTALANG sa narinig ay unti-unti ring bumalik ang dating sigla si Ginang Janelle. Marahil ay iisipin ng karamihang over acting siya ngunit wala siyang pakialam. Ina siya ng taong hindi nila alam kung ano ang kalagayan, kung nasaan ito. Kaya't ganoon na lamang siya kasensitibo sa harapan ng kaniyang mag-ama. "Well, dahil tama kayong mag-ama ay magsipahinga na tayong tatlo. Kahit hindi tayo makapasok sa trabaho ngunit kailangan din nating maging physically and mentally well sa pagharap sa embahada," saad na lamang niya. "Tama iyan, Mommy. Kaya't mauna na po ako sa inyo ni Daddy. Baka muli akong makurot sa--- Opo! Matutulog na po!" May pagmamadaling tumayo si Rennie Grace nang napansing tumaas na naman ang kilay ng ina. Aba'h mahirap na baka hindi lang pingot ang matanggap dito. Baka makurot na talaga siya nito sa singit! Hindi na nga siya nag-good night kiss sa mga ito. Flying kiss na lang ang iginawad nang nasa paanan na siya ng hagdan. "ANG babaeng iyon ay nagpahabol pa. Well, talagang kukurutin ko sa singit kung hindi siya umakyat." Nakailing na ibinalik ng Ginang ang paningin sa asawa. "Hayaan mo na, Honey. Naglalambing lang iyon sa iyo. By the way, let's go upstairs and take a rest too. Alam kong hindi ka makatulog dahil sa anak nating panganay kagaya ko. Subalit mas magandang ipahinga rin natin ang ating katawan. Let's trust our GOD in heaven. I know that he will never forsake us," pahayag ng Ginoo sa asawa. "Yes, honey. Aminado naman akong masyado akong emosyonal ngayong gabi. Kaya't ganoon na lamang ako mangurot sa inyong mag-ama. Malaki ang tiwala ko sa PANGINOON DIYOS, hon. At gagawin din natin ang lahat upang matulungan si Reynold Wayne. Ngayon pa kayang naisip natin ang embassy." Tumango-tango na rin ang Ginang bilang pagsang-ayon sa asawa. KAYA'T hindi na naitago ng Ginoo ang ngiting gumuhit sa mukha. Kaso hindi iyon nakaligtas sa asawa. Kaya't muli itong humarap sa kaniya ng maayos. At bago pa niya maunawaan ang nais nitong gawin ay kiniliti na siya nang kiniliti. Kaya nga imbes na makaakyat na rin silang mag-asawa ay inabot pa sila ng siyam-siyam. SA kabilang banda, bukod sa engkuwentro nila ni Annalyn sa araw na iyon ay hindi dalawin ng antok si Adel dahil sa kaiisip sa pinakamamahal na si Reynold Wayne. "Ayon kina Ate at Kuya ay wala pa raw silang balita tungkol kay Reynold Wayne. Kumusta na kaya siya?" bulong niya habang nakatanaw sa kawalan. Ngunit sino nga ba ang inaasahan niyang sasagot samantalang wala namang ibang taong naroon maliban sa kaniya. Wala mang balkonahe ang bahay nila ngunit ang silid niya ay mayroong bintana. Kaya't doon siya nakapangalumbaba. Maliwanag din ang paligid dulot sinag ng buwan. "Sana naman ay nasa mabuti siyang kalagayan. Kahit hindi ko siya nakikita araw-araw, nasa malayo. Ngunit masaya na akong malamang okay siya. Subalit sa ngayon ay parang kay bigat ng aking damdamin dulot ng kaalamang wala silang balita rito," aniyang muli. Ngunit muli siyang natigilan dahil sa kaniyang pagtingala sa kailangitan ay natamaan ang suot-suot niyang kuwentas. Nagmistula itong tala dahil sa pagkinang. Kaya nga nagbaba rin siya nang paningin dahil hinawakan niya ang pendant at nagmistulang taong kinausap. "DAHIL sa kuwentas na ito ay parang kapiling ko pa rin siya kahit nasa Thailand. Ngunit ngayong wala kaming balita sa kaniya ay damang-dama ko ang kalungkutan. Please be well wherever you are, my love. Take care of yourself and please show up to any of us now. We are all worried about you already." NANG dahil sa kakaisip sa pinakamamahal niyang tao ay natagalan bago siya bumalik sa kaniyang higaan. Hindi nga siya dalawin ng antok subalit kailangan niyang pilitin. Dahil maaga pa siyang gigising kinabukasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD