IKA- LIMANG KABANATA

1988 Words
"Hmmm, sino na naman kaya ang lintik na ito. Aba'y sunod nang sunod. Hindi ko naman maaring sabihing hindi ako ang pakay niya dahil kanina ko pa napansin," bulong niya. KUNG hindi siya nagkakamali ay nakasunod na ito paglabas pa lamang niya sa university. Marami naman ang mga kapwa passers sa lugar na iyon. Kaya't wala siyang dapat ikabahala. Subalit mukhang hindi na mapigilan ang panahon. Di yata't talagang mapapatawa na siya. Dahil mas dumikit pa ito sa kinaroroonan niya. "Huwag kang mabahala, Adel. Sa mga ganitong pagkakataon ay mas nararapat na mag-isip ka ng paraan kung paano mo mailigaw ang sira-ulong nakasunod sa iyo," bulong niya sa sarili habang patuloy sa paglakad. HANGGANG sa natanawan niya ang daan pauwi sa kanilang tahanan. Kaso imbes na dumiretso ay napatigil siya dahil may senaryong pumasok sa kaniyang isipan. May pagmamadali siyang nagtago sa may kalakihang bato. Kaya't kitang-kita niya ang may-ari sa sasakyang nakasunod. Itutulak na nga sana niya ang pinagkublihang bato ngunit eksaktong bumaba ang taong nasa loob ng sasakyan. 'Inhale! Exhale, Adel! Dahil epektibo ang desisyon mong huwag tumuloy sa bahay. Ayan, nagpakita na ang sender ng mga malalaswang photos.' Talagang nababaliw na yata siya. Dahil kinakausap niya ang sarili habang pinapanood ang babaeng walang iba kundi si Annalyn Ortega. Nanlaki pa nga ang butas ng kaniyang ilong. Idagdag pa ang matang nagbabaga at kulang na lamang ay masunog ang tinititigan. SAMANTALANG labis-labis ang pagtataka ni Annalyn nang biglang nawala sa kaniyang paningin ang sinusundan. Kaya naman ay bumaba siya upang alamin kung ano ang nangyari. "Saan kaya nagsuot ang bubwit na iyon? Aba'y nakatutok naman ang paningin ko sa kaniya ah. Bigla na lamang siyang naglaho na parang usok. Hindi naman maaring ibang daan ang tinahak dahil ito lang ang daang patungo sa kanila." Bulong niya habang panay pa rin ang paglingon kung saan-saan upang makasigurado kung paano siya natakasan ng bubwit. Ngunit kahit ano'ng gawin niya ay ganoon pa rin ang resulta. Walang ibang tao sa lugar na iyon kundi siya lamang. "Kung hindi lang sana siya malapit kay Reynold Wayne ay nungka ko siyang pag-aksayahan ng oras. Lintik na bubwit ay padagdag pa sa duming kailangan kong linisin. Ngunit hindi na bale dahil marami pa akong ibang pagkakataon para sa batang iyon." Dahil na rin sa inis ay kulang na lamang ay pumadyak siya pabalik sa kaniyang sasakyan. Kaso bigla siyang napahiyaw dahil sa pagsalpok ng batong hindi niya alam kung saan nanggaling. "My God! What's happening!?" Napahawak tuloy siya sa kaniyang dibdib dahil sa gulat. Sino ba kasi ang may kasalanan kundi ikaw din! Then... "MUKHANG naligaw ka ng landas, Miss Annalyn Ortega?" Lumakad si Adel palapit sa babaeng nabaliw na rin katulad ng kapatid na nauna nang bumalik sa kabilang buhay. "What the hell of you, b!tch! Alam mo bang hindi kasya ang buhay mo bilang kabayaran sa damage ng sasakyan ko?!" malakas nitong sigaw. Kaso napaismid lang si Adel. Ano'ng pakialam niya kung napakamahal ang sasakyan nito. Aba'y siya na nga itong sinundan at tinakot ngunit ito pa ang may ganang magalit. Ngunit hindi siya ang taong basta na lamang susuko dahil sa takot. Hindi lang ito ang marunong sa kalokohan. "Dagdag kaso iyan laban sa iyo, Miss Ortega. Wala kang ebidensiyang ako ang may kagagawan sa pagsalpok ng bato sa iyong sasakyan. Huwag mong kalimutang ito ang daan pauwi sa bahay namin," taas-kilay niyang tugon sa paraang nang-aasar. GUSTONG-GUSTO niya itong paliparin kaso naisip niyang naka-one point na siya. Galit siya rito pero kaya pa niyang kontrolin ang sariling huwag gumawa ng upang masira siya. Kaya nga niya ito binigyan ng pagkakataong maunang kumilos. Dahil hindi siya mananahimik oras na saktan siya nito. "At sa akala mo ba ay maniniwala ako sa sagot mong iyang? Hey! Don't you dare to turn your back to me while I'm talking to you, ambitious b***h!" sigaw nito. Ano daw? Ambitious b***h? Since when? At bago pa niya napigilan ang sarili ay muli siyang humarap dito. "HEY ka ring babae ka! At mas huwag na huwag mo akong matawag-tawag na ambitious b***h. Bakit? Ano ang kasalanan ko sa iyo upang tawagin mo ako sa ganyang paraan? Kailanman ay hindi ko narinig iyan sa mga magulang kong pinatay ng kasing baliw mong hipag! Kung tutuusin ay mas nababagay ang ambitious b***h na iyan sa iyo. Dahil sa kabaliwan mo sa lalaking may ibang minamahal ay nagawa mong ibinaba ang iyong dignidad! Hindi ka lang HANGAL kundi TANGA ka pa! Marahil ay mas bata ako sa iyo pero mas matino at malinaw ang utak ko kaysa sa iyong babae ka! Tumabi ka sa dinaraanan ko kung ayaw mong magaya sa siraulo mong hipag!" Itinulak nga niya ito dahil hindi siya nakapagpigil dulot ng galit na lumulukob sa kaibutuwiran ng kaniyang puso. Dahilan kaya't sumadsad ito sa sasakyang mas mahal pa raw kaysa sa buhay niya. "Wala akong pakialam sa iyo kahit mapilayan ka pa! Huwag akong sagarin sa galit dahil hindi lang iyan ang aabutin mo sa akin oras na iyong ulitin ang kahibangan mo!" NAKAPAMAYWANG niyang ngitngit. Kumukulo ang kaniyang dugo sa lintik na babae! Gusto niya itong ingudngod sa semento upang bigyan ng leksyon. Ngunit naisip niyang wala na siyang ipinagkaiba rito kapag wala siyang kakayahang kontrolin ang sariling patulan ito. Subalit ibang usapan na kapag ipagpatuloy pa nito ang kabaliwan sa mga susunod na araw. Kaya't bago pa muling magliyab ang hinamig na sarili ay nilayasan na niya ito. "SH!T! Nabali na yata ang balakang ko dahil sa kagagawan bubwit na iyon." Napahawak si Annalyn sa balakang na tumama sa gulong ng kaniyang sasakyan. "Makikita mo! Makikita mong bubwit ka! Wala pang nakainsulto sa akin ng ganito kundi ikaw lang. Hintayin mong ipalasap ko rin sa iyo ang mas matinding sakit. Hindi ka makakaligtas sa ginawa mong ito sa akin bubwit ka!" mariin niyang wika. HINDI niya alam kung ilang minuto siyang nasa ganoong posisyon. Halos hindi niya maigalaw ang sarili dahil nanunuot hanggang sa kaniyang kalamnan ang sakit ng balakang. Idagdag pa ang sasakyang hindi niya sigurado kung mapapatakbo pa niya dahil sa bating tumama sa kabilang bahagi. "Sana naman may mapadaan dito na sasakyan---" KASO ang pagsasalita niyang mag-isa ay hindi na natapos dahil biglang may sumulpot. "A-ate! Ano'ng nangyari sa iyo? Bakit ganyan ang hitsura mo?" sunod-sunod na tanong nang patakbong lumapit sa kinaroroonan niyang walang iba kundi ang kapatid niyang si Jomar. "Maari bang tulungan mo muna akong makasakay sa sasakyan bago mo ako imbistigahan. I guess my hips was broken that I can't move. Sabihin mo sa driver na ang sasakyan ko ang manihuin niya dahil dadalhin mo ako sa pagamutan." Nakangiwing utos niya rito. NAIS man ni Jomar na magtanong upang alamin kung ano ang nangyari kaso sa hitsura ng kapatid ay mas mabuting sundin niya ito kaysa mauwi sa pag-aaway. Pinagtulungan nila ng driver ang pagbuhat dito upang madala sa kaniyang sasakyan. "Kuya, mauna ka na sa bahay. Kagaya nang sinabi ni Ate ay ikaw ang mag-drive sa sasakyan pauwi. I'll take her to the hospital." Pagbibilin niya rito saka binalikan ang sasakyan at pinaharuthot. Hindi na rin nagtagal ang driver, agad nitong binuhay ang makina. Laking pasasalamat na lamang nito dahil walang nabasag sa windshields. Iyon nga lang ay nayupi ang right side ng sasakyan. SAMANTALA dumiretso na si Adel sa bahay nila nang iniwan ang babaeng desperada. "Ano'ng nangyari at mukhang may nakaaway ka, Adel?" salubong na tanong ni Antonette sa kapatid. "Hindi lang napaaway ate. Ibinalibag ko pa ang lintik na baliw!" mariin niting tugon kaso kurot ang napala. "Kapag kinakausap kita ay umayos ka sa iyong pagsagot. Ano ang silbi ng pag-aaral mo kung asal kalye ang pananalita?" Paninita tuloy niya rito. Tuloy, napahagikhik ang asawa niya. Ibang-iba talaga ang dalawa lalo na pagdating sa ugali. Mahaba ang pasensiya ng asawa niya samantalang parang ang mga pinsan niyang babae ang hipag. Although mababait sila kahit maiksi ang pasensiya at mainitin ang ulo. "Ay, Kuya, nariyan ka pala. Aba'y huwag mong sabihing naglilihi na naman si ate? Sakit mangurot eh..." Nagtago na si Adel agad sa likuran ng bayaw nang napagtanto ang binitiwang salita. "Kapag ako ang mapuno sa iyo, Adel, talagang hindi lang kurot ang mapapala mo sa akin. Hala pasok na tayo, baka maisipan mong ipaliwanag ang dahilan kung bakit para kang nanggaling sa giyera!" singhal tuloy ni Antonette. "ULITIN mo nga ang sinabi mo, Adel?" hindi makapaniwalang ani Antonette. "Alam kong narinig mo ang sinabi ko Ate kaya't hindi ko na uulitin. Kahit ibalik ko ang ilang sandaling nagdaan ay ganoon pa rin ang gagawin ko, kahit anak mayaman siya kung hindi makatarungan ang kanyang ginagawa ay hindi ko siya uurungan. Wala kayong narinig mula sa akin dahil sa mga ipinapadala niya dahil naisip kong madali lang ang mag-edit ng larawan. Pero ang sundan ako at pag-isipan ng masama ay hindi na makatao iyon, Ate. Pasalamat siya dahil hindi malaki ang batong natagpuan ko kanina sa aking pinagtaguan. Dahil kapag nagkataong mas malaki pa roon ay nawasak ng tuluyan ang kaniyang sasakyan." Pahayag niya imbes na ulitin ang naunang paliwanag ayon sa kagustuhan ng kapatid. KUNG hindi makapaniwala si Antonette sa pahayag ng kapatid ay iba sa kay Khalid. Hindi na nakapagtatakang nagawa nitong labanan mag-isa ang kapatid ng dating kasintahan ng asawa niya. "I'm sorry to say this, Honey. Pero tama lang ang ginawa ni Adel. Dahil kung ipinakita niya ang kaniyang weakness ay mas tatakutin siya nito. Though, she's my blood donor way back then, hindi pa rin makatarungan ang ginawa niya. It's unforgivable, masuwerte na siya kung hindi n'yo siya idedemanda," sabi niya. "Pero hindi pa rin ako mapakali, Hon. What if...what if..." Sa senaryong nakikita ni Antonette sa kaniyang imahinasyon ay hindi niya matapos-tapos ang pananalita. "Ako ang magtatapos sa iniisip at gusto mong sabihin, Ate. What if magaya siya sa namayapa niyang kapatid? What if ako naman ang ipatumba niya dahil nabaliw na siya tulad ng hipag niyang wala akong pakialam nasaan man siya. Sasagutin ko rin iyan, Ate. Marahil ay bubwit ako according to that b***h. Ngunit hindi ako ang tipo ng taong hahayaang api-apihin ako dahil lang sa walang kuwentang bagay. Hindi nabibili ng mayayaman ang dignidad. Nagawa na niya minsan kaya't alam kong mas malala pa roon ang kaya niyang gawin pero kagaya nang sinabi ko ay hindi ko siya uurungan. Nabigyan ko na siya ng leksyon, at magagawa kong uulitin iyon kapag kantiin pa niya akong muli. Ngunit oras na gagawin niya iyon katumbas nang paghukay niya ng sariling libingan dahil sa sementeryo na ang bagsak niya." Napakuyom ang mga kamao ni Adel sa kaisipang may kasunod pa ang mga kabaliwan ni Annalyn sa kaniya. Ngunit hindi na rin siya papayag na muli itong makagawa ng bagay na labag sa kalooban niya. Hindi pa naman siya sanay na laging nakikipag-away. Isa na iyon sa kagandahang-asal na itinuro nang mga namayapang magulang. Huwag makipag-away. Kahit mainitin ang ulo niya ay kaya pa naman niyang kontrolin huwag lang sagarin. Dahil tao lang din siyang may damdamin. "GANOON pa man, Adel, ay walang masama sa nag-iingat. Hanggat kaya mo ay iwasan mo siya. Dahil iba ang nagagawa ng mga taong obsessed sa pag-ibig." "Don't worry too much, Honey. Let her be. I know that she can handle very crucial decision this way. Uwi na tayo." Pinaglipat-lipat ni Khalid ang paningin sa hipag at asawa. Hindi na rin sila nagtagal matapos ang pamamaalam. Dumaan lang naman kasi silang mag-asawa galing sa trabaho. "SUBUKAN niyang sugurin ako rito tingnan ko lang kung hindi siya matuluyang mabaliw," bulong ni Adel nang siya na lamang ang naiwas sa bahay. Hinamig niya ang sarili ng ilang sandali bago naghanda nang makakain sa hapunan. Kaysa naman ang maging baliw na ring tulad ng lintik na nasiraan ng ulo dahil sa obsesyon sa pag-ibig. "AMA, bigyan mo po sana ako ng sapat na lakas ng loob upang harapin ang mga darating pang pagsubok sa akin," bulong niya bago nagpatuloy sa kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD