IKA-PITO NA KABANATA

2000 Words
"Bakit hindi ka pa natutulog, Reynold? Maaga tayong babalik sa airport bukas upang kunin ang luggage mo. Kaya't matulog ka na," aniya rito. "Namamahay siguro ako, brod. Huwag kang mag-alala dahil okay lang ako. Hmmm, maari bang magtanong?" tugon nito. "Oo naman, brod. Ano ba ang nais mong itanong?" Inangat niya ang paningin upang mas magkaunawaan sila. Kausap naman kasi niya ito habang kinukuha ang dahilan kung bakit siya bumalik sa kaniyang silid. "Unang-una ay nais ko munang humingi ng paumanhin sa dahil bago mo akong kakilala ngunit may lakas-loob na akong magtanong. Huwag mo sanang masamain kung aking itatanong kung ano ang nangyari sa Nanay at kapatid mo. Dati bang pipi si Ivana? Ang iyong ina, paano siya naging paralisado?" Naglakas-loob siyang nagtanong kaso nais niyang batukan ang sarili dahil sa nagawa. Nakonsensiya tuloy siya lalo na nang nakita ang lungkot na bumalatay sa mukha at mata nito. Kaya't hindi na niya ito hinintay na sumagot. "No, you don't need to answer me Sirichi. Alam kong---" Kaso naging maagap din ito. Dahil hindi na siya pinatapos sa pananalita. "It's okay, brod. No problem and my answer is NO. Hindi sila dating ganyan. Dahil parehas silang maayos ang kalagayan noong umalis ako two years ago. Nasangkot sila sa isang aksidente at iyon ang naging dahilan kung bakit nagkaganyan sila. Naging paralisado si inay samantalang naging malaki ang epekto ng suffocation kay Ivanna. Ayon sa kanilang pahayag ay maaring natuluyan siyang dalawa kung nagkataong nahuli sa pagdating ang mga rescuers." Pagkukuwento nito ngunit ang mga mata ay walang ibang mabasa kundi kalungkutan. Kaya't agad siyang humingi ng paumanhin. "SORRY for asking, Sirichi. As of now, I can't promise anything because of my current situation. Subalit oras na makauwi ako sa Pilipinas ay hindi lang ikaw ang tutulungan ko kundi ang Nanay at kapatid mo. I can promise you that my friend," seryoso niyang pahayag. Nagmula siya sa pamilyang makatao. Kaya't gagawin din niya ang lahat upang maibalik sa bagong kakilala at nagligtas sa kaniya ang tulong na natanggap mula rito. Mas high technology ang Thailand pagdating sa ibang bagay lalong-lalo na ang medisina. Ngunit marami rin sa pamilya nila ang maaring makatulong sa mga ito. "It's okay, Reynold. Tungkulin ko bilang tao ang tumulong sa mga kagaya mong nangangailangan. Ngunit kailanman ay hindi ako naghihintay ng kahit ano'ng kapalit. Dahil ginagawa ko lamang kung ano ang idinidikta ng aking kalooban. Kaya't huwag mong abalahin ang iyong sarili sa pag-iisip. Sa ngayon ay ito lamang ang maari kong itulong sa iyo. Dahil nagkataong sa akin nag-utos ang boss mo kaya't nalaman ko na wala sa oras ang plano nito. Maiwan na kita rito, brod. Alam kong namamahay ka ngunit kailangan mong magpahinga kahit kaunti lang. Ilang oras pa naman bago mag-umaga kaya't pilitin mong makatulog. By the way, don't worry about Mr Yeonto. Because he can't catch us here. He will never think that you are with me." Sirichi sincerely smiled while he delivered his words. That's how he show his new friend that he is well enough. "HERE take these calling card. Whenever you need help just call or approach me with this card. I know that it's thousand miles away from my country but nothing is impossible when we like to do. Again and again, Sirichi, thank you very much for helping me to be out of this mess." Tinapik niya sa balikat ang bagong kaibigan bago ito tuluyang tumalikod at muling bumalik sa sala kung saan naman ito matutulog. "DIYOS ko, lam kong marami na akong pagkakamali sa buhay pero, Ama, maari bang pagbigyan mo ako ngayon? Hayaan mo na akong makalabas ng Thailand upang makaiwas sa gulong dulot ng mag-amang Yeonto. At sana ay bigyan mo ng sapat na kakayahan upang matulungan ko ang pamilyang ito," aniya sa mahinang boses. SIYA ang bagong kakilala pero siya pa ang pinatulog sa silid. At dahil sa pamamahay at talagang hindi dalawin ng antok ay binuksan niya ang bintana. But! Out of the blue! "Iniisip mo bang masulusyunan nang iyong pagtatago ang problema mo mag-amang Yeonto? Kahit saan ka magpunta ay hahanapin ka nila. Bakit ka nagtatago? May kasalanan ka ba sa kanila upang pagtaguan mo? Face those kind of consequences not to runaway. Problem will never be solved by another problem. So you must gather your strengths to face your enemy," ani ng tinig kaya't napalingon siya ng ilang beses. Kaso wala naman siyang makitang tao. Tanging siya lang ang nandoon. Sa labas ng bintana ay tanging tanglaw mula sa buwan ang nakikita dahil maghating-gabi na. "Sarili ko ba ang kausap ko? Pinapayuhan ko na ba ang sarili ko? Wala namang ibang tao sa loob ng silid na ito," bulong niya. "Yes, it is. You're talking to yourself. Gawin mo ang nararapat, Reynold Wayne. Hindi ka pinalaki ng mga magulang mo na maging duwag. Bakit ka natatakot sa kanila samantalang wala kang kasalanan? Pero dahil sa pagtakas o ang pag-alis mo sa kumpanya ni Mr Yeonto na hindi man lang nagpaalam ay kasalanan iyon. Kahit pa sabihing may karapatan kang gawin iyon." Nakikita niya ang sariling nagpapangaral sa kanya. Kaya naman ay hindi niya maiwasang mapaisip ng malalim. Kung tutuusin ay tama naman kasi ang kaniyang inner mind. Siya ang may kasalanan kung bakit kailangan niyang magtago. Kung nagpakatotoo lang sana siya sa mag-amang hindi niya matatanggap ang biglaang promosyon ay wala siyang problema sa kasalukuyan. "HUWAG ka ngang magpakabobo, Reynold Wayne! Biglang promotion samantalang marami ang mas nauna sa iyo riyan? Wake up! They're plotting something against your will." Parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa kaniyang pandinig ang tinuran ng kaniyang ina. Pabagsak siyang nahiga sa higaan ng bago niyang kaibigan. Tama naman ito, kailangan niyang matulog. KINABUKASAN sinalubong ni Mr Yeonto ang mga tauhan. "Ano'ng balita sa lakad n'yo?" agad niyang tanong. "Confirmed, Boss. Hindi siya lumabas ng bansa. Ang hindi lang namin matukoy ay kung nasaan siya ngayon," tugon nito. "How about that bastard immigration officer? Nakuha n'yo ba ang information tungkol sa kaniya?" Bumaling siya sa tauhang itinalaga niyang alamin ang tungkol doon. "Yes, Boss. Heto na ang report ko." Dali-dali rin nitong iniabot ang folder na naglalaman ng report. HINDI na sumagot ang si bagkus ay binuklat ang folder. Matamang pinag-aralan ang nakapaloob kaso hindi rin nagtagal dahil eksakto namang pagbaba ng anak mula sa ikalawang palapag ng bahay. "Good morning, Papa," masaya nitong pagbati. "Same to you, Hija. How are you today? Did you sleep well?" nakangiting tanong ng Ginoo. "Of course, Papa. Mas magiging maganda ang araw ko kapag may good news ka na. Any news about, Mr Abrasado?" balik-tanong ng dalaga. Kaso hindi nakasagot ang Ginoo dahil binalingan ng anak ang mga naroong tauhan. "May good news ba? Nalaman n'yo ba kung nasaan siya?" muli nitong tanong. "No, Ma'am Melissa. We're so sorry to tell you that we don't have any good news for now. But don't worry, Ma'am, we will do our best to know his whereabouts. He failed to continue his travel to go overseas, so we still have a chance to locate where he is." Umiiling pa ito kasabay sa pagsagot. "Tama sila, Melissa. Go and prepare yourself to attend the meeting in Grand Palace. It will take time but---" "Sorry, Papa, kung sasalungatin kita ngayon. Ako ang personal na maghahanap kay Reynold Wayne. Maaring mas madalas mo itong kasama sa kumpanya pero ako ang nakakakita kung saan-saan ito pumupunta kasama ng dalawang kaibigan. Therefore, I'll be the one to search for him. And besides nandito naman ang mga tauhan mo, Papa." Pamumutol ni Melissa sa ama. Kaya naman ay hindi na sinalungat ni Mr Yeonto ang anak, bagkus ay sinang-ayunan na lamang. "THEREFORE take these folder with you. Marahil ay hindi siya konektado kay Mr Abrasado pero malaki ang maitutulong sa iyo. Go now and I'll do the same," aniya. "Yes, Papa. I, will," nakangiti namang wika ng dalaga bago muling umakyat sa ikalawang palapag at naghanda para sa lakad. "Take care of my daughter, guys. Shield her with your lives." Paalala ni Mr Yeonto sa mga tauhan. "You don't need to worry, Boss. We will do that," tugon ng mga ito. Nagmistula silang nasa ROTC training dahil sabay-sabay pa silang sumagot. Hindi na sumagot si Mr Yeonto. Ganoon pa man ay tumango-tango siya bilang pagtugon sa mga tauhan. His men whom he entrusted his one and only daughter. "MAGANDANG umaga, Ma'am Annalyn. Kape po ba or sasabay ka na kay Sir Jomar sa almusal?" Salubong nang tagaluto ng pamilya Ortega o mas tamang sabihin na tagaluto nilang magkapatid. Dalawa na lang sila sa buhay pero may tatlo pa rin silang katulong at ang driver. "Same to you, Manang. Gising na ba ang kapatid kapatid ko?" tanong niya. Ngunit hindi na ito nakasagot dahil ang kapatid na ang sumagot. "Yes, I am. Pero teka lang, Ate. Bakit ang aga mong gumising? Okay na ba ang katawan mo? Ang paa mo? Are you sure na kaya mo nang kumilos na mag-isa?" sunod-sunod nitong tanong. TULOY imbes na mainis si Annalyn dahil sa maagang interrogation ng kapatid ay napangiti siya. Subalit nang maalala ang dahilan ng kamuntikang pagkalasog-lasog ng katawan niya ay unti-unting nagdilim ang kaniyang pangingin. Ganoon pa man ay ayaw niyang maabala ito dahil lagi itong busy sa trabaho. "Actually, medyo masakit pa ang katawan ko kaya't babalik ako sa hospital para sa X-ray. So you don't have to worry about me, my dear brother. Let's go to dinning room and we'll have our breakfast together," aniya na lamang saka naunang lumakad lalo at medyo masakit pa ang paa kaya't paika-ika siya sa paglakad. Dahil nauna na siyang lumakad ay hindi na niya napansin ang kapatid na matamang nakatitig sa kaniya. "HUWAG ka sanang matulad kay Kuya Darwin. Nawala sa katinuan dahil sa lintik na pag-ibig. Mabuti sana kung kasintahan mo ang hinahabol at pinagpapantasyahan kaso maski relasyon ay wala naman. Kababae mo pa namang tao kaso mukhang nawawalan ka na ng lalaki sa mundo." Nakailing si Jomar habang nakasunod sa kapatid. Sa nakikita niya ay natulad na rin sa panganay nilang kapatid na ilang taon nang namayapa. Tinalo ng katinuan ang utak dahil sa pag-ibig. Wala pa sana siyang kaalam-alam kung hindi siya kinausap ng mag-asawang Jannelle at Pierce Wesley. Nahihiya pa nga siya dahil pinatawad na ng mga ito ang Kuya niyang namayapa ngunit ang Ate Annalyn naman niya ang nanganganib na mawala sa katinuan. Yes! It is! Kinausap siya ng mag-asawa tungkol sa ginagawa ng kapatid niya kaya't nasundan niya ito sa nakaraang araw. They approached him with their out most sincerity and it's so hard to resist, because they're telling him the truth. He observed his sister's behaviour since the day that they spoke to him. He realized what's happening with his sister by observing her. She's lossing the right track of her mind! Therefore, he need to do something for her before it's too late. He loss their eldest sibling already and he's hoping that he'll not loss his one and only sister. "WHAT a hell! What are those noises? Aba'y mukhang nakalimutan na ng mga taong may kapitbahay pa sila! Imbes na makatulog pa ng ilang minuto ngunit naudlot dahil sa mga lintik na hindi na yata nag-iisip!" inis na bulong ni Adel. Aba'y sino ang hindi maiinis kung maaga ka na ngang gumigising ngunit may mga nasiraan pa ng bait na nambubulahaw. Wala naman sanang problema kung puwede siyang mag-review upang may silbi ang maaga niyang paggising. Subalit hindi eh. Masakit sa ulo ang ingay dulot ng mga walang-hiyang nag-iingay. "Lintik naman itong buhay! Sa pagkakaalam ko ay ilang hakbang ang pagitan ng bahay sa mga kapitbahay ko ah. Humanda kayong lahat sa akin dahil hindi ko mapapatawad ang inyong kahayupan. Alam n'yo namang estudyante ang nakatira sa bahay na ito ngunit nag-asal palengke pa rin kayo sa pag-iingay!" Kuyom ang kamao dahil sa pagngingitngit ay bumangon siya. Hindi man lang pinagkaabalahang palitan ang kasuutan bago lumabas. Kaso ganoon na lamang ang panlalaki ng bilugan niyang mata dahil sa bumungad sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD