"SINO ka? Bakit mo ako inilabas dito? Alam mo bang maari akong mahuli sa flight ko dahil sa ginawa mo?"
Kung hindi lang sana siya tinuruan ng mga magulang sa kagandahang asal ay talagang masasapak niya ang bigla na lamang lumapit sa kaniya at inilabas sa lugar kung saan siya naghihintay ng boarding time para sa flight. Tama, tupakin siya ayon sa pinsan na best friend ngunit hindi eskandaloso. Kaya't pinigilan niya ang sariling huwag itong patulan. At isa pa ay kailangan niyang malaman kung ano ang dahilan nito.
"Before I'll answer you, young man, can I ask you first?"
Humarap ito sa kaniya. Marahil ay upang mas magkaliwanagan sila. Dapat lang naman dahil walang matinong taong gagawa sa ganoong bagay. Kung hindi nga siya nagkakamali ay isa itong immigration officer batay na rin sa suot na uniporme.
'Mukhang seryoso ang kuwagong ito ah. Tsk! Nasa loob ako ng airport kaya't impossible namang isa itong mono's?'
Nagtataka man siya sa ikinikilos nito ngunit hindi rin niya maiwasang mapaisip. Lalo at seryosong-seryoso. Ganoon pa man ay pinanatili niya ang ekspresyon ng mukhang naiinis.
"Sure, go ahead. Pakibilisan lang dahil mahuhuli na ako sa oras flight ko."
"May kilala ka bang Mr Yeonto?"
SA narinig ay agad siyang napatitig dito. Paano nito nakilala ang dati niyang boss? O baka naman tauhan din nito ang lalaking kaharap? Aba'y mukhang nakatunog na yata ito. Sakop na rin ba nito ang paliparan? Napakunot-noo tuloy siya dahil sa pagtataka. Ganoon pa man ay sumagot siya rito.
"Yes, I do know him. He is my former boss. Now tell me why you took me here."
"Another question, how do you know him? How do you relate yourself to him?"
"Wala akong kaalam-alam sa nais mong ipabatid. Kaya't maari bang---"
"LISTEN carefully, young man. Kaya ako naglakas-loob na inilabas ka dahil gusto kong kumpirmahin ang bagay na gumugulo sa isipan ko. Tama pala ang hinala ko. Sa tanong mo, kaya ako nagtanong dahil nandito sa loob ng airport si, Mr Yeonto. Maaring ngayon lang kita nakilala pero natandaan kita dahil sa pagdaan mo kanina sa immigration.
Ang nais ni Mr Yeonto ay huwag kang pumasok sa eroplano. Ayaw niyang makalabas ka ng bansang Thailand. Maaring hindi ko alam ang dahilan kung bakit kailangan niyang gawin iyon ngunit wala akong balak na sundin. Kako, hindi ko ugaling ipahamak ang kapwa ko lalong-lalo na sa mga pasaheros sa paliparang pinagtatrabahuan ko. Nagalit sa akin kaya't lumipat sa head of crew sa airline na sasakyan mo. Narinig ko ang ibinilin niya sa chief of staff ng ROUTES AIRLINES o ang eroplanong patungong Africa. He ordered him to do everything just to stop you in entering the airbus.
So, I, swiftly look and take you here. I'm not telling you to trust me because I'm completely stranger to you. But, I want to save you from this danger. Tama, may kaunting oras na lang ay boarding time mo na. Ngunit sana ay pag-isipan mo muna ng maayos. Ngayong nasabi ko na ang dahilan ay bahala ka ng magdesisyon kung paano mo ililigtas ang iyong sarili sa maari mong kasadlakan."
Sa hinaba-haba nang paliwanag nito ay napaatras siya. Hindi niya alam kung papaniwalaan niya ba ito o hindi. Subalit sa kaalamang may tauhan sa loob ng airport ang taong gusto niyang iwasan at nakamasid sa kaniya ay talagang napailing-iling siya. Wala man siyang ideya kung ano ang pinaplano ng dati niyang boss ngunit kagaya nang sinabi ng mga magulang ay hindi na nakakabuti sa kaniya ang manatili sa bansang Thailand. Kaso, paano siya makakaalis kung nasa mismong paliparan na ang kaniyang iniiwasang tao?
SUBALIT sa malaliman niyang pag-iisip ay maaring inakala nitong wala siyang masasabi kaya't muli nagsalita.
"Let me introduce myself to you, young man. I'm a Thai national. My name is Sirichai. I'm working here inside the airport as immigration officer. So, my job aside from assisting passengers is to help those people who's in trouble like you. IF you can trust me, I'll take you out here in airport and plan another way of going out this country as you wishes. But everything will depend on your decision because even I want to help you if you will not comply, it's useless."
Pahayag nito sa kaniya. Kitang-kita pa nga niya ang senseridad sa mga mata nito habang nagsasalita. Tuloy ay mas naguluhan ang utak niya o mas tamang sabihing nag-panicked.
"W-why, you are helping me?"
IT'S been more than ten years that he is working as bank manager where the university sent him after passing the civil examination with few times of representing the bank overseas. Two years as salesman in Thailand. But he never experienced to stammered in front of anyone regardless who is he dealing. Due to his current situation, he experienced it unexpectedly that makes him shook his head in disbelief.
Sa kasalukuyan niyang sitwasyon ay hindi niya alam kung papaniwalaan ba ang taong nagbabala sa kaniya. Wala rin siyang kaalam-alam kung totoong nasa loob ng paliparan ang dati niyang boss. Nasa kaniya pa ang lahat ng mahahalagang papeles sa buhay niya kasali na ang travel documents. Kaya't walang problema kung hindi siya makaabot sa napipintong flight.
"LIKE what I've said a while ago, trabaho kong tumulong sa mga taong nangangailangan ng tulong. I may not be a trustworthy person but if you will put your faith on me, I'll assure you that you can go home in your country unscathed. So, decide now. Either you and yourself will show to him but you don't know what the might do to you, or try to trust a stranger like me for your sake."
Muli nitong pahayag. Wala siyang pagpipilian kundi ang sumubok at magtiwala sa tulad nitong estranghero. Kaya't nagpakawala ng malalim na hininga si Reynold Wayne bago muling nagpatuloy.
"OKAY, I'll trust you, Sirichai. Pero kailangan kong makuha ang gamit ko. Alam mo namang kapag nandito na sa loob ang pasahero, lahat ng luggage ay nasa eroplano na except the hand carry. If, you can take me out here, where will I stay while waiting for my luggage?" tanong niya.
"Since you said that you will trust me, isasama kita sa bahay. Walang mag-aakalang nasa bahay ka ng isang pulubing tulad ko kaysa naman gagamit ka ng hotel na alam mo namang ipapahalughog ng taong naghahanap sa iyo. About your luggage, by tomorrow I'll handle it unscratched. It will come back to you by your all means. So, shall we go now?" patanong nitong tugon.
"Okay, let's go."
Lumapit siya sa kinatatayuan nito saka sumabay sa paglalakad. He's silently praying that he did the right thing. Dahil wala siya sa lugar upang magreklamo. Sinusubok ng pagkakataon ang kahusayan niya sa pagdedesisyon.
SAMANTALA, pinanindigan ni Mr Yeonto ang pagmamasid sa chief of crew. Kaso, nabahala siya dahil hindi na niya makita ang sinundan sa loob ng airport. Malaking halagang ibinayad niya para lang makapasok sa loob kahit hindi siya lalabas ng bansa. Idagdag pa ang ibinigay sa ticketing booth para lang malaman kung ano'ng airline ang sasakyan ng target. Kaso mukhang mauuwi sa wala ang lahat nang ginastos niya.
"Nasaan na ang taong iyon? Nakatutok naman sa kaniya ang aking paningin. Aba'y paano iyon nangyaring basta na lamang nawala sa paningin ko? What a hell of life! He is really making me furious!"
Kuyom ang kamao ay pasimple siyang luminga-linga upang hanapin sana ito. Kaso talagang nawala na sa imahe niya kaya't mas nagpupuyos ang kalooban. Ganoon pa man kahit naiinis na siya dahil ilang pasahero na lang ang hindi nakapasok. Kumpirmado na ring wala ito roon. Ibig sabihin ay natakasan siya nito.
"No! It's impossible! That Filipino guy is indeed lunatic! F*ck! What a filthy jerk!"
Dahil sa pagngingitngit ay nagsulputan na rin sa isipan ang iba't ibang kuro-kuro sa kaniyang isipan.
"Wait! Hindi kaya...Oh, sh*t! But it's impossible!"
Muli tuloy siyang napamura dahil sa kaisipang tinulungan ito ng immigration officer. Some part of his mind, is convincing him that the immigration officer did it, but the other is objecting it.
"EXCUSE me, Sir. May problema ba? You look so worried. Anything I can help you?"
Tanong ng police immigration na nagpapatrolya sa kaniya. Nawala naman kasi sa isipang maraming tao ang maaring makarinig sa kaniya. Lalo at ang inakala niyang bulong at para sa sarili lamang ay naisatinig pala niya. Kaya naman ay napalingon siya sa pinagmulan ng tinig. Di yata't masyado siyang nag-fucos sa pagmamanman kaya hindi niya namalayang may nagmamanman na rin sa kaniya.
"Oh, I'm sorry, officer, kung naabala kita, pero okay lang ako. Nagkataon lamang na may iniisip ako. May hinihintay kasi ako kaya panay ang tingin ko sa bawat dumaraan," paliwanag niya.
"Sir, nakapasok na ang lahat sa eroplano, sarado na rin ang gate. Baka naman ibang gate ang napasukan mo, Sir?" muli ay tanong ng police.
IN Mr Yeonto's mind gusto niyang sakalin ang police. Di yata't hindi siya kilala ng taong kaharap! Malakas siya sa airport kaya't maari niya itong sapakin. Pero hindi niya iyon gagawin. There are lots of papers to be done.
"No, I'm sure dito ang boarding gate namin ng kumapre ko. Nagtataka lang ako--- Oh I'm sorry again, officer. But I need to go now. My partner, is in the other side."
Lumakad siya palayo sa police kahit wala pa kuno ang hinihintay niya. Paraan lamang din niya iyon upang makalayo siya rito. Kahit galit na galit siya ay ayaw niyang makatawag ng pansin lalo at illegal ang pagpasok niya sa airport. Hindi na nga niya napansin ang reaksyon nito.
"Huh! That fellow seems to be suspicious. I'm wondering why he didn't get into his flight. Ah, whatever. I'm just wasting my time with that fellow." Napailing tuloy ang police immigration dahil sa inasta ni Mr Yeonto.
SA kabilang banda osa university kung saan nag-aaral si Adel.
"Miss Dela Peña, what are you doing here? Hindi ba't wala kang pasok ngayon?" salubong na tanong sa kaniya ng Department Adviser.
"Good morning, Sir. Tama ka po, Sir. Wala po akong pasok, ngunit hindi po ako naka-attend sa mga klase ko kahapon. Makikiusap sana ako, Sir, na tulungan mo akong kausapin ang mga instructor ko sa environmental economic, accounting, at fundamental of transportation. Dahil gusto ko po sanang mag-catch up class sa ibang section ngayon.
Pero kung hindi sila papayag ay kahit dito po sa Engineering Department po as special class. Alam mo naman po na ilang linggo na lang ay matatapos na ang semester na ito. Ayaw ko naman po na dahil lang sa isang absent ko ay maiiwan ako, Sir. Kaya't nakikiusap po ako sa iyo, Sir."
Pakiusap at paliwanag niya sa boses na kapani-paniwala. Aba'y nararapat lamang na gawin niya iyon upang tulungan siya ng Department Adviser. Ipagdasal na lamang niyang patawarin siya ni BOSSING dahil sa katunayan ay hindi acceptable as excuse ang tunay niyang dahilan kung bakit hindi siya nakapasok sa nakaraang araw.
"Oh, by the way, Miss Dela Peña, bago ko kausapin ang mga instructors mo, maari bang malaman ko kung bakit ka lumiban kahapon? It's not for me, I'm just only asking dahil sigurado namang itatanong nila iyan," tugon nito.
"Noong isang kasi, Sir, habang pauwi ako galing dito sa university ay aksidente akong natisod. Kung wala pa sigurong nakakita sa akin ay baka hanggang ngayon hindi pa ako nakapasok. Pero dahil ayaw kong bumagsak dahil sa tatlong subject na hindi ko napasukan kahapon ay pinilit kong pumasok ngayong araw. Kaso hindi na po ako nakapagawa ng medical certificate dahil manghihilot lang ang pinatawag ng kapatid ko, Sir. Kaya't dumiretso na rin po ako rito sa iyo upang makiusap. Please help me, Sir."
GOD will forgive her because of some white lies that she added to her reasoning. She know that HE will understand her. Maaaring sasagot na sana ito ngunit isa-isang dumating ang ibang instructors. Mas napangiti pa siya nang lumapit sa kanila ang isa sa mga instructor sa subject na kailangan.
"Miss Dela Peña, you're here. Where have you been yesterday? Why you were absent by the way?" agad nitong tanong nang napansin siya.
WELL, hindi na nakapagtataka kung hahanapin siya ng mga guro dahil hindi naman niya ugali ang lumiban sa klase. Nagkataon lang na mayroon siyang HEARTACHE dahil sa letseng sira-ulo!
"Sir Moreno, good morning po. Thank you for asking, Sir. Total nandito ka na po ay makikiusap sana ako, sir. Please, I want to have make-up class for my absence yesterday. If you can't let me into your class now, I'm willing to wait for your vacant time just to take my make-up class, Sir. Please..."
Ah! Mahirap ang magsinungaling, pero kailangan niyang gawin. Kasalanan ng puso niyang maagang umibig. Subalit hintayin siya ng taong naging dahilan kung bakit nagkaroon siya ng absent sa nakaraang araw dahil matitikman din nito ang galit niya!
"IF you are here to have make up class, of course I will let you do it now, Miss Dela Peña. There's no reason for me not to allow you to have it. Iyan ang gusto ko sa isang mag-aaral, kusang lumapit sa guro. I have my first class a few minutes from now but I'll prepare first your lesson yesterday before I go.
"For now, go and ask Engineer Cameron(Macoy), if he will let you take your make up class too in Fundamental Transportation. Don't worry about accounting because, like you, Accountant Claustro was absent yesterday. So you only missed two subjects."
Nakangiti ito sa kaniya bago bumaling sa department adviser kaso kaagad ding tumango-tango. Kaya't hindi na ito nagdalawang-isip na nagpatuloy.
"Let her take her makeup class, Sir. Her fine attributes will save her. That's the reason why I quickly answered her request. I'm going to my table now, Sir," anito.
Hinintay nila itong nakarating sa sariling table bago muling hinarap ng Departmental Adviser ang dalaga.
"Go ahead, Miss Dela Peña. For me, no problem about that. As any other instructors do, I don't want any of my students to failed especially for a fine student like you. Keep it up, and you will succeed in the future. You still have one year and a few days to complete your studies. That's why I'm advising you to be more attentive in everything, especially to your thesis. You are aware that it's your biggest stepping stone in completing your studies."
Adel's biggest achievement on that day is having her professor's advice.
"Thank you, Sir. Thank you very much, Sir. I will never forget about your advice. I'll keep it in my heart and mind." Walang hanggang pasasalamat ang naging bukambibig niya sa sandaling iyon.
Though, she added some white lies! She's still lucky enough because the heaven is with her side.
"BOSSING, sorry po kung nagsinungaling ako sa ibang linya sa paliwanag at pangungumbinsi ko sa aking mga guro," bulong niya bago pinuntahan ang ibang instructor upang kausapin din.
LIHIM ding nakaramdam ng awa si Annalyn para sa guwardiya nang nalaman ang nangyari. Aminado siyang malaki ang kaniyang kasalanan sa pagkapahiya nito kahit pa sabihing binayaran niya ang serbisyong nagawa. Subalit laking papasalamat pa rin niya dahil hindi nagsumbong ang bubwit.
"May utak din ang bubwit na iyon. Hindi ko sukat akalaing maiisip niya ang ganoong desisyon. Ngunit hindi na bale dahil binigyan din niya ako ng oras kaya't nakahanda na ang panibago kong regalo sa kaniya. Well, kung patigasan ang nais niya ay pagbibigyan ko. It's getting exciting by the way."
Nakahawak siya sa kaniyang sentido habang nagpalakad-lakad. Kasalukuyan siyang nasa balkonahe ng kaniyang silid. Pinag-iisipan kung paano muling isakatuparan ang nakahandang regalo para sa bubwit. Gustong-gusto niya ang adventures kaya't sisiguraduhin niyang kakaiba sa pagkakataong iyon. Para isang bagsak ay lagapak na ang mortal niyang karibal.
"Well, it's been a month since I started sending those boxes. It's time to do the final blow now. Tingnan lang natin kung makalusot kang bubwit sa gagawin kong ito," bulong niyang muli saka tumanaw sa
KUNG hindi pa siya kikilos ay baka tuluyan siyang mawalan ng pagkakataon upang maisakatuparan ang ihinandang final blow. Sa susunod na linggo ay may month meeting ang branch ng kumpanya nila sa Bangkok. Mayroon siyang pagkakataon upang makasamang muli ang pinakamamahal na lalaki.
Si Reynold Wayne Abrasado.
"Kabaliwan man ang ibigin ka pero wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. Maaring magkadugo kami sa naging dahilan ng pasakit sa buhay ni Khalid ngunit hindi ko kasalanan ang nagawa ni Kuya Darwin. At isa pa ay ramdam ko namang mahal din ako ng taong nagmamay-ari sa puso ko.
Handa akong magpakababa at lulunukin ang kahihiyang idudulot nang panliligaw ko sa iyo. Dahil mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat upang malinisan ko ang mga duming nakaharang sa kaligayahan natin."
NAGMISTULA na siyang sira-ulong bubuyog na bulong nang bulong. Nakatanaw nga siya sa kawalan ngunit nang maalala ang 'dumi' na maaring hadlang sa kaniyang daan ay naging mabilis ang kilos niya. Dali-dali siyang pumasok sa silid at nagbihis saka dinampot ang shoulder bag bago pumanaog at tinungo ang kotse.
As usual, nagmaniobra siya at nagtungo sa university kung saan nag-aaral ang bubwit.
"Hmmm, kung sinusuwerte nga naman ako. Ang bubwit ay walang sundo ngayon." Napaupo siya ng tuwid nang natawan ang hinihintay.
Then...
She smiled!
"Bubwit ka pa, marami ka pang makikilala mundo lalo na sa mga kaedaran mo. Huwag kang pahaharang-harang sa landas ko pagdating kay Reynold Wayne. Dahil handa kong gawin ang lahat upang mapasaakin siya," bulong niya saka binuhay ang makina ng sasakyan at dahan-dahan na sinundan ang daang tinahak ng bubwit.