SAMANTALA, dahil sa pag-aalala ni Antonette sa kapatid ay nagtungo silang mag-asawa sa dati nilang tahanan.
"Ano ba ang nangyayari sa iyo, Adel? My God! Kung kailan malapit ka nang magtapos sa pag-aaral mo ay saka ka pa nagkakaganyan. Ano ba ang problema mo?"
Kung tutuusiin ay hindi pa sila nakapasok ng asawa niya ngunit agad siyang nagtanong. Ilang buwan na rin itong nag-iisang nakatira sa kanilang bahay kaya't mas nag-aalala siya dahil sa samo't saring kuro-kurong nagsulputan sa kaniyang isipan.
"Ewan ko, Ate. Hindi ko alam kung sino at ano ang problema ko. Pag-aaral ko? Huwag kang mag-alala, Ate, dahil hindi masasayang ang ipinapantustos ninyo sa akin. By hook or by crook ay magtatapos ako. Pero ito ang tandaan ninyo, maaring mas bata ako sa letseng babae na iyon hindi ko siya uurungan!"
DAHIL sa tanong ng kapatid ay muling nabuhay ang pangangalaiting nadarama ni Adel. Ang mga palad ay nakakuyom at aminado siyang ano mang oras ay talagang manununtok na siya.
"Hmmm, Sis, saglit lang at makikisingit muna ako. Kung hindi ako nagkakamali ay nagsimula ang boxes noong sinundo kita bago ka umuwi rito. Ibig mong sabihin ay hindi mo binuksan? Wala akong karapatang sabihin ito pero bilang Kuya mo ay mas magandang kausapin mo si pinsan. Nangyari na iyan sa amin ng Ate mo dahil na rin sa kagagawan ng kapatid niya."
SIMULA nang dumating silang mag-asawa sa dating tahanan ng mga ito ay hindi pa nagsalita si Khalid. Ngunit sa pakikinig sa usapan ng magkapatid ay hindi niya napigilan ang sumabad. Nakalapag naman kasi ang mga larawang kuha sa iba't ibang anggulo. Kaya nga agad niyang nakuha kung sino ang tinutukoy nito.
"Tama ka, Kuya. Mula ng hapong iyon ay sunod-sunod na ang pag-abot sa akin ng guwardiya. Hindi ko lang makiwestiyon ng maayos ang guwardiyang iyon. Dahil ang sabi ay napag-utusan lang siya. Nagsasabi man ng totoo o hindi ay nasa kaniya na iyon.
"Kausapin ba kamo si Kuya RW? Bakit? Bukod sa magkakilala tayo, buto kayong lahat sa akin, binigyan ako ng set of jewellery, tinulungan ako nina Tita Jannelle at Tito Pierce, madalas nag-uusap dahil nasa iisang compound tayong lahat. Bukod doon ay wala na kaming ibang relasyon, so ano ang karapatan kong kuwestiyunin siya? On what ground do I have the rights to ask him? Ang ikinakagalit ko lang naman ay kung bakit ako pinapadalhan ng letseng babaeng iyon ng nude and intimates photos.
"We are all living in a democratic country so they can do whatever they want. Ah! Kumukulo talaga ang dugo ko sa lintik na iyon! Huwag na huwag lang magsalubong ang landas namin dahil baka matulad siya sa sira-ulo niyang kapatid! What a lunatic pest!"
KUNG ibang tao siguro ang makakita at nakarinig sa kaniya sa oras na iyon ay siguradong aakalaing siya ang nasiraan ng bait. Napahaba na nga ang paliwanag sa bayaw at kapatid ay kuyom ang palad at nangangalaiti pa siya. Subalit wala siyang pakialam kahit ano man ang maari nilang isipin sa kaniya.
Tuloy!
LIHIM na napangiti si Khalid. Kung gaano kaamo ang asawa niya ay kabaliktaran naman ang bunsong kapatid. Hindi naman ito wild dahil sa katunayan ay mabait din kaso kagaya ng mga pinsan niyang babae kapag nagalit ay talagang umuusok ang bunbunan. Patunay ang mga matang nanlilisik at wari'y apoy na nagliliyab habang nakatitig sa pintuan. Ganoon pa man ay muli siyang nagsalita.
"Sa tingin ko ay hindi pa kayo nagkaaminan ng pinsan ko, Sis. Kaya't hahayaan ko kayong dalawang magkaaminan. Hindi ko iyan maaring saklawan dahil kayong dalawa ang nararapat mag-usap. Pero may sagot ako sa sinabi mong bakit ka niya pinapadalhan ng mga larawang iyan.
Simple lang iyan, Sis. Gustong-gusto niya kayong paglayuin ng pinsan ko dahil gusto niyang siya ang pagbalingan ni insan RW. Tama ka rin sa sinabi mong hindi mo puwedeng kastiguhin ang guwardiya dahil sa katunayan ay talagang wala itong kasalanan. Ganoon pa man kahit hindi inaming kay Annalyn nanggaling ang mga photos na iyan ay ang larawan mismo ang sumagot."
NAGMISTULA tuloy silang nasa patimpalak ng pahabaan sa pahayag. Dahil mahaba-haba na ang binitiwan ng hipag ni Khalid. Mabuti na nga lang dahil mas maiksi sa kaniya. Kaso bago pa ito makasagot ay naunahan ng asawa niya.
"Adel, kaso hindi ka pumasok ngayong araw. Paano mo iyan hahabulin ngayon? May tiwala ako sa iyo ngunit kung magpatuloy kang magpadala sa iyong emosyon ay baka hindi mo na makuha ang inaasam-asam mong parangal dahil sa pagliban mo ngayon.
Alam at nauunawaan ko ang nararamdaman mo sa kasalukuyan, Adel. Dahil kagaya nang sinabi ng Kuya mo ay napagdaanan na namin iyan. Subalit isipin mong nag-aaral ka at marami pa ang maaring mangyari sa loob ng halos tatlong semestre. Huwag na huwag mong iisipin ang pera dahil ang iniisip ko ay ang kinabukasan mo.
Totoong nandito ako, kami ng Kuya mo ngunit kilala na kitang hindi mahilig dumepende sa iba. At isa pa ay mas mabuti pa ring may sarili kang trabaho. Kaya't parang-awa mo na, Adel, ayusin mo na ang iyong sarili upang makapasok ka ngayong araw."
Pangaral ni Antonette sa kapatid. Hindi lang iyon, lumapit siya rito at hinawakan sa magkabilang palad.
SAMANTALANG habang nakikinig si Adel sa pangaral ng kapatid at bayaw ay unti-unting naliwanagan ang kaniyang isipan. Kaya't tuluyang hinamig ang sarili saka huminga ng malalim bago sumagot.
"Alam ko iyan, Ate. Pasensiya na po kayong lahat kung napag-alala ko kayo. Umuwi na kayo ni Kuya bago pa tuyuin ang batang iyon. Huwag n'yo akong alalahanin dahil kayang-kaya ko ang aking sarili. Bukas na bukas din ay papasok ako sa university. I'll make with my class today total bakante ko bukas ng umaga. Ipanalangin na lang natin na huwag munang magsangga ang landas namin ng letseng iyon dahil baka mapatulan ko siya sa kalsada."
SA muli niyang pagkaalala sa mortal na karibal at kaaway ay napaismid siya ng wala sa oras. Kung maari nga lang iwasan ito habang-buhay ay gagawin niya. Dahil hanggat maaari ay ayaw niyang makipag-away kahit kanino man.
"May tiwala ako sa iyo, Adel. Kaya't wala na akong ibang masabi kundi ituon mo muna sa iyong pag-aaral ang lahat. Kapag tapos ka na university ay maari mo nang gawin kahit ano. Aasahan mong wala kang maririnig mula sa akin. Sige na uuwi na kami ng Kuya mo dahil baka magkatotoo ang sinabi mong tuyuin ang iyong pamangkin."
Pamamaalam ni Antonette sa kapatid saka ito niyakap. Aalis na nga sana sila kaso ang asawa naman niya ang nagpahabol.
"BASTA, Sis, kung kailangan mo ng back up tawagin mo ako. Aba'y kahit sa bangko ako nagtatrabaho ay marunong ako sa self-defense. Hindi man ako kasing-galing ng mga pinsan kong alagad ng batas---"
Subalit ang pahabol sanang pangangantiyaw ni Khalid ay hindi rin natapos. Dahil pinutol ito ng hipag.
"Naku, Kuya, huwag mo nang sayangin ang iyong energy sa hay*p at nagkatawang tao. Dahil kayang-kaya ko ang pesteng iyon. Walang ibang alam ang haliparot na kundi ang magpaganda, Kuya. Kapag ako ang makatiyempo sa kaniya ay talagang magaya sa alimangong hipag!"
ANG kumalmang damdamin ni Adel ay muling nabuhay. Kumukulo na naman dahil sa pagkaalala sa babaeng sumira sa araw niya.
"Oo na, Sis. Ngunit hindi kami ng Ate mo ang kalaban. Kaya't aalis na kami bago pa muling magliyab ang usok," nakatawang saas ni Khalid saka inakay ang asawa palabas ng bahay.
In his mind, the problem is not his sister in-law but his cousin and best friend. No one knows about his whereabouts. Even they're not sure if he's still in Bangkok or he succeeded in fleeing from the danger!
"INHALE, EXHALE, INHALE, EXHALE. Adel, matapang at matatag kang babae kaya't huwag mong hayaang talunin ka ng iyong emosyon. Have faith in him as he does to you."
Pangaral ni Adel sa sarili habang panay ang paghinga ng malalim at pakawala ng hangin. Ilang minuto rin siyang nasa ganoon scenario. Hinamig ang sarili bago hinarap ang mga paperworks para sa unibersidad.
But!
AS she took a glance once again to all the boxes that the wench sent. Something came up to her mind that makes her smiled. A wicked smile was shown all over her face!
She is young in age but she can defeat them.