"W-what do you mean by that, Sir?"
Dahil sa gulat ay nautal ang opisyal ng immigration. Sino ang hindi magugulat kung basta ka na lamang lalapitan ng isang hindi mo nakikilalang tao at diktahan kang gawin ang bagay na alam mo namang hindi kanais-nais? Kahit isa siyang simpleng mamamayan sa naturang bansa ngunit may pakialam pa naman siya sa seguridad ng mga kapwa tao.
"Hold this passenger inside airport, Mr Officer. Do everything to stop this passenger in boarding. Don't let him go inside the plane which is bound for AFRICA. Is that clear?"
Saad pa nito. Subalit talagang hindi niya maunawaan kung ano ang problema at bakit nito kailangang harangan ang taong mukha namang mabait. Kung hindi siya nagkakamali ay isa itong Filipino. Mukha pa ngang puyat na puyat. At ngayon naman ay pinapaharang ng lalaking halata ring edukado. Dulot na rin ng pagtataka ay muli siyang nagtanong.
"Pero bakit, Sir? He's just waiting for his boarding time. It means that he had completed all his requirements to be boarded."
Pahayag niyang muli. Ngunit sa pagkakataong iyon ay mayroon na siyang pagdududa kung bakit kailangan nitong gawin ang bagay na ikakasama ng pasahero. Hindi lang iyon kundi ang buong paliparan.
"It's a matter that you don't need to know. Just follow my order and we're done. By the way, in case that you want to know who I am. Aeron Yeonto."
'Aeron Yeonto. If I'm not mistaken I heard his name already. Hindi lang ako sigurado kung saan ko iyon narinig. But his name is familiar to me. Well, it doesn't matter to me. I'm just doing my job as immigration officer.' Sa nagdududa niyang isipan ay wala siyang balak pumayag sa ipinag-uutos nito sa kaniya.
KAHIT ipinakilala nito sa kaniya ang sarili ngunit pagdating sa trabaho ay hindi niya basta-basta susundin kahit sino. Simpleng immigration officer lang siya subalit ginagawa lamang niya ang sinumpaang tungkulin. Wala nga siyang maunawaan kung ano ang dahilan nito upang utusan siyang gawin ang bagay na iyon. At higit sa lahat ay hindi niya kayang ipahamak ang libo-libong pasaheros ng passenger plane. Ganoon pa man ay muli siyang sumagot. Mas mabuti na ang makasigurado.
"Mr Yeonto, will you please wait for a while? I will confer to them first and they will be the one to decide. Because I am afraid to tell you that the matter you are asking me is not a part of my job. I hope that you will understand me too, Sir."
Smirks is what he sees to the man in front of him. But it doesn't matter to him. He is just doing his job properly. Nang tumango na ito sa kaniya bilang tugon ay lumapit na siya sa head crew ng ROUTES AIRLINE o ang eroplanong patungo sa Africa.
"SIR, can you talk to him?"
Tumingin siya sa kinaroroonan ni Mr Yeonto at napagtanto niyang nakasunod ang paningin nito sa kaniya.
"What's the problem, officer?" balik-tanong nito.
"Ikaw nga ang kumausap para malaman mo, Sir. Dahil hindi ko magagawa ang nais niya. Lapitan mo siya ngayon din upang alamin ang dahilan kung bakit gusto kitang ipakausap sa kaniya."
AMININ man niya o hindi ay hindi na niya maitago ang inis sa lumulukob sa kaniyang damdamin. Hindi na nga niya hinintay na makasagot ang kausap o ang head crew sa naturang airline. Bumalik na lamang siya puwesto saka hinarap ang lalaking nagpakilalang Mr Yeonto.
"Sir, I already informed him. He is the head crew of ROUTES AIRLINE. You may go and talk to him. I'm just doing my job, Sir. That is why I'm sincerely asking you too not to ask such a thing that I can't grant."
He did it! Nasabi niya ang tunay na nararamdaman. Dahil kahit ano pa ang idahilan ay wala talaga siyang balak sundin ang ipinapagawa nito sa kaniya. It's beyond the limits.
"TAPAT ka sa iyong sinumpaang tungkulin, Hijo. I do appreciate that. But I'm telling you too that I'm not that kind of person who have mercy to those who disobeyed me. So, don't blame me something bad might happen to you."
Tiningnan pa nga siya nito saka nagtungo sa kinaroroonan ng mga crews ng naturang airline. Subalit hindi na siya sumagot at mas hindi tiningnan ang nagsalita. Sa isipan niya ay kailangang mabalaan niya ang lalaking pinapa-hold nito sa loob. Marahil ay hindi niya ito kilala pero bilang tao ay ayaw din niyang may mapahamak. Saka na lamang niyang iisipin ang pagbabanta nito sa kaniya lalo at kausap na nito ang head crew ng ROUTES AIRLINE.
SAMANTALANG nangangalaiti na si Mr Yeonto dahil sa unang pagkakataon ay mayroong naglakas-loob na suwayin siya sa loob pa mismo ng paliparan. Ngunit dahil mas mahalaga ang dahilan kung bakit nandoon siya sa airport. Kaya't nilapitan niya ang itinuro ng lintik na immigration officer. Kahit pa gigil na gigil na siya rito.
"Stop that man in boarding your plane."
He instantly said to the head crew as he got closer to him in a very authoritative voice. He is getting mad already. And he is barely holding his temper. Because he know also that if his salesman will be out of Thailand, it be very hard to get him.
"Do you really mean that guy, Sir? He's bound for Africa, Sir, not in Philippines---"
"I don't care where he will go! Just do what I say if you love your job. I'm not from police department or military but I'm powerful enough to snatch your job from you as head crew of this airline. So do what I say to you. Don't do any stupid things just stop him in boarding. I'll take care of the rest. Do you understand me?!"
Mahina man dulot ng ayaw makaagaw ng atensiyon ngunit maari namang mapisa dahil sa diin. Galit na galit na nga siya ay dumagdag pa ang lintik na head of crew. Hanggat maaari ay ayaw niyang ipakita sa mga tao ang tunay na siya. But he is out of control now that his chess card is going out of his sight.
"Y-yes, S-sir. Masusunod."
Dulot ng pagkagulat ay nautal-utal ang kaawa-awang head crew ng naturang airline. Subalit nagdulot naman ng kasiyahan kay Mr Yeonto.
"Very good! I'll be watching from a far so be careful," muli ay sabi ni Mr Yeonto bago tumalikod.
LAHAT ng iyon ay narinig ng immigration officer. Kaya't mas tumibay ang hinala niyang may masama itong balak sa pasahero.
"May isang oras pa bago magbukas ang gate para sa boarding ng mga pasaheros. Sa loob may magagawa pa ako upang iligtas siya. Pumarito siya upang magtrabaho ngunit mukhang iyon pa ang maging sanhi nang pagkapahamak," piping aniya sa sarili.
Hindi maaring may mapahamak dahil sa pansarili nilang kagustuhan. May oras pa upang mailigtas niya ang lalaki. Papakiusapan na lang niya itong saka na isipin ang luggage. Kahit isa siyang simpleng immigration officer at limitado lang ang maitutulong. Ngunit kahit sino man ang nasa katayuan ng pasaherong nais gawan ng masama nang nagpakilalang Mr Aeron Yeonto ay tutulong niya.
MANILA, PHILIPPINES
"A-ano'ng sinabi mo, Hijo? Ulitin mo nga ang sinabi mo?"
Hindi makapaniwalang tanong ni grandma Queenie. Aba'y mukhang humihina na yata ang pandinig niya dahil sa panganay na anak at manugang.
"Alam kong nauunawaan mo ang sinabi ko, Mommy, kaya't hindi ko na uulitin. Aminado rin akong kabastusan ito pero tatanggapin ko ang parusang ipapataw mo. Pero sa ngayon kailangan ko ang tulong ninyo ni Daddy," tugon ni Pierce Wesley na agad ding sinundan ng asawa niya.
"Kaming mag-asawa ang nagplano, Mommy. Kaya't ako rin po ay humihingi ng paumanhin sa inyo ni Daddy. The truth is alam namin ang lahat bago nagtungong Thailand ang binata namin dahil narinig namin mismo mula sa kaniyang labi. At isa pa po ay pinatunayan niya sa amin sa tuwing tunatawag. I'm sorry, Mommy." May kaseryosohang paghingi ng paumanhin ni Jannelle.
DAHIL hindi agad nakasagot ang asawa ay si Ginoong Wayne na mismo ang sumagot sa anak at manugang.
"Nauunawaan namin ang punto ninyo mga anak. Kung tinapat n'yo sana kami dati pa ay baka hindi na humantong sa ganito. Ngayon ano ang tulong na sinasabi ninyo? Sa anong paraan namin kayo matutulungan?" patanong niyang niyang saad.
HINDI naman siya galit, nagtatampo lang. Dahil kung sinalungat na lang sana nila ang planong pag-ampon sa bunsong kapatid ng manugang nila sa apo kaysa nagplano pa ng iba. Kagaya nang nauna niyang pahayag ay nauunawaan niya iyon dahil kahit silang mag-asawa ay gusto din nila si Adel na maging membro ng kanilang pamilya. Subalit ayaw ding pakialaman ang personal na buhay ng kahit sino sa kanila. Ganoon pa man ay sumagot pa rin siya.
"Ang sabi ng Daddy ninyo ay sa anong paraan namin kayo matutulungan? Hindi niya sinabing tumunganga kayong dalawa riyan. Hindi ba't naparito kayo dahil mayroon kayong sasabihin sa amin ng Daddy n'yo?" ani Grandma Queenie.
Hindi nga lang naitago ang pagtatampo sa kaniyang tinig. May karapatan naman siyang magtampo. Kaya't bahala silang unawain siya.
ALAM naman ni Jannelle na kasalan niya ang lahat. Sa unang pagkakataon ay nakagawa siya ng ikinadismaya ng mga biyanan sa kaniya. Kaya't siya na mismo ang yumakap sa biyanang babae. Kung kinakailangan niyang suyuin ito ay gagawin niya dahil siya naman talaga ang may kasalanan.
"Mommy, sorry na po. Bati na tayo, Mommy. Promise peksman mamatay man lahat ng mga epal. Hindi na po mauulit. Nagpadala po ako sa maling akala. Inakala ko po kasing magagalit at tatanggi kayo kung sasalungatin ko ang desisyon n'yo ni Daddy. Sorry na po, Mommy."
Siya ang nagkamali kaya't kailangan niyang lambingin ito. Bukod sa masuyo ang bawat salitang binibitiwan ay yumakap pa siya rito. Ilang taon na ring siyang membro ng pamilya Abrasado kaya't masasabi niyang kilalang-kilala niya ang mga biyanan. Kaunting paglalambing ay bibigay din.
"Oo na, anak. Nangyari na kaya't wala na tayong magagawa pa. Hindi rin nakakabuti kung magsisihan pa tayo. By the way, bilisan ninyo ng asawa mo ang sumagot. Ano ba ang maitutulong namin sa inyo?"
Madali lang naman siyang kausap. Kaya't naliwanagan din ang kaniyang isipan dahil sa pahayag ng manugang. Iyon nga lang hindi niya napigilan ang sariling napailing.
SA narinig ay lihim namang napangiti si Janelle. Kaso agad ding natampal ang noo nang naalala ang dahilan nang pagsugod nila sa tahanan ng mga biyanan.
"Mommy, Daddy sa katunayan ay hindi namin makuntak si Reynold Wayne. Kahapon tumawag siya at ipinaliwanag ang kaduda-dudang pagsabi ng boss niya na i-promote siya from salesman to company manager.
Kako, huwag na siyang magsayang ng oras kunin niya ang lahat ng mahahalaga niyang gamit at sa airport na bibili ng ticket. Kaso mali yata ang advice ko sa kaniyang ticket for Africa ang bilhin niya instead of coming home here in Philippines."
Naging mabilisan ang pagpaliwanag niya dulot na rin ng pag-aalala na baka may hindi magandang nangyari sa panganay na anak.
"Saglit lang, anak. Wala naman akong makitang mali sa paliwanag mo bukod doon sa kaduda-dudang promosyon. Okay, let's say pinayuhan n'yo siyang lisanin ang Thailand. Ang tanong ay bakit hindi pauwing Pilipinas ang pinabili ninyong ticket? Ano ang dahilan at bound for Africa ang sinuhestiyon ninyong bilhin niya?"
Kumalas ang Ginang mula sa pagkayakap ng manugang dahil na rin sa pagtataka.
Dahil dito ay napatingin si Jannelle sa asawa. Sa uri pa lamang nang pagtingin niya ay halatang humihingi siya ng tulong sa pagpaliwanag. Laking pasasalamat nga niya dahil agad din nitong nakuha ang ibig niyang sabihin.
"Ganito kasi iyon, Mommy. Kilala mo naman po ang iyong mga apo masyado silang maprinsipyo kasali na si Reynold Wayne. Naipangako niya pala sa sariling saka lang uuwi sa graduation ni Adel. Doon daw sana aaminin ang lahat o ang tunay na damdamin. Dahil umano ay ayaw masira ang pag-aaral nito.
"Kaya nga sinabi namin sa kaniyang kahit mayroon siyang binitiwang pangako ay walang problema. Dahil maari naman huwag muna siyang umuwi rito sa Pilipinas kahit pa aalis lilisanin niya ang Thailand. Me and my wife adviced him to go either in Los Angeles California or in South Africa with his cousin."
Mahaba-habang paliwanag ni Pierce Wesley sa mga magulang lalong-lalo na ang kaniyang inang halatang nawawalan na naman ng pasensiya. At hindi nga siya nagkamali dahil bumaling ito sa kaniya habang ang kilay ay napataas na nga ay nagsalubong pa.
"WAIT a minute, you two. Aba'y maayos sa una ngunit kalaunan ay sadyang hindi ko na maunawaan. May nangyari ba sa kaniyang hindi ko nalalaman? Kung hindi ako nagkakamali ay maayos ang trabaho niya roon ah. Sa pananalita ninyo ay mayroon siyang pinagdadaanan doon ah?"
Pinaglipat-lipat pa nga nito ang paningin sa kanilang mag-asawa. Kaya't natampal niya ang noo dahil tama naman ito. Humihingi sila ng tulong samantalang hindi pa nila nasabi kung ano ang problema.
"I'm sorry again for that, mother dearest. Your grandson is currently facing difficulties. And that's the reason why we advised him to leave Thailand as soon as possible."
NAIS tuloy batukan ni Pierce Wesley ang sarili dahil dalawang puntos ang kamalian sa araw na iyon. Mabuti na nga lang at agad nakasabay ang mahal niyang ama.
"Okay, I got it. Kaya't pinapunta n'yo siya sa Africa dahil maari siyang manirahan doon hanggat gusto niya. Tinawagan n'yo na ba sina Ace at Fatima? Tinanong n'yo na ba kung nandoon ang binata n'yo? Dahil kung kagabi pa siya umalis ng Thailand ay nandoon na ito sa Africa."
Sunod-sunod na tanong ni Grandpa Wayne. Sa boses pa lamang nito ay halatang labis-labis din ang pag-aalala.
"Yes, Daddy. Nagawa na po namin iyan bago kami pumarito. What shall we do now to locate his whereabouts? Hindi ugali ni Reynold Wayne ang pag-alalahanin ang mga tao kaya't pakiramdam ko ay may ibang nangyari."
Hindi mapakaling tugon ni Pierce sa amang kapwa nag-aalala.
KAYA naman ay natampal ni Grandpa Wayne ang ulo. Palakad-lakad kaya't nagmistulang inahing pusang hindi mapaanak. Ngunit wari'y doon kumukuha ng maaring sulusyon sa kanilang problema.
"So, ibig sabihin niyan ay kaya nagmamadaling umalis ang mag-asawa? Look at him, his peacefully sleeping on his cradle. Walang kaalam-alam na wala sa piling niya ang mga magulang. Ipaliwanag n'yo kung bakit nagmamadaling umalis sina Antonette at Khalid kanina bago kayo dumating," ani Grandma Queenie.
"Pinakiusapan ko silang kausapin si Adel, Mommy. May usapan po kasi kami kahapon na magkita upang ako sana mismo ang magtapat sa kaniya tungkol sa pag-alis ni RW sa Bangkok. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa siya nagparamdam. Ilang araw na lang ay finals na sa semestreng ito. Kaya't mas nag-alala ako para sa kaniya."
Tuloy ay mas walang nakapagsalita sa kanilang apat. Lumipas din ang ilang sandaling namayani ang katahimikan. Subalit sa kagustuhang may maitulong sa taong pinag-uusapan ay muli silang nagpatuloy.