"Hmmm, mukhang masaya ka, Ate? Baka naman maaring ibahagi mo sa akin upang maging masaya rin ako."
"Oh, ikaw pala, dear brother. Well, the happiness that you are referring belongs to a woman like me. Kaya't sorry ka na lang dahil hindi ko maaaring ibahagi sa iyo."
"Let me guess, Ate, pag-ibig ba? Pumapag-ibig na ba ang Ate ko?"
Panghuhuli niya dahil kaduda-duda ang mga kilos nito. Idagdag pa ang katotohanang wala naman siyang kaalam-alam na may kasintahan ito. Dahil silang dalawa na lang sa buhay pero kailanman ay wala siyang nakitang dumalaw sa bahay nila upang manligaw o yayain itong lalabas. Trabaho-bahay lang ang routa nito. Ngunit kamakailan ay napansin niyang nag-iba ang ito. Bukod sa madalas na ito sa galaan ay para itong kiti-kiti kapag nasa bahay. Minsan pa nga ay nahuhuli niya itong parang teenager na kinikilig.
"KAPAG papalarin OO ang sagot diyan, my dear brother. Pero sa ngayon ay iyan lang muna ang masasabi ko. Maiwan na muna kita riyan dahil aakyat na muna ako sa room ko. Ipatawag mo na lang ako kay manang kapag oras na ng hapunan."
Pamamaalam ni Annalyn sa kapatid. Hindi naman sa ayaw niyang ipagtapat ang tungkol sa buhay pag-ibig niya. Subalit maaga pa upang ipaalam dito ang tungkol sa kaniyang future love life. And besides, ayaw niyang masira ang tuwang lumulukob sa kaniya sa sandaling iyon. Nasaksikan niya ang pagsimplang ng bubwit, kung paano kumalat ang mga larawang laman ng box.
"ANG bubwit na iyon. Sino ang mag-aakalang hindi pala niya binuksan ang mga pinapadala ko? Well, hindi na bale dahil sigurado akong nawasak ko ang mundo niya ngayong araw. And any moment from now, akin na ang pinakamamahal kong lalaki."
Dulot na rin nang tuwang lumulukob sa kaniyang pagkatao ay hindi na niya namalayang nasabi na pala ang inakalang sa isipan lamang. Napatigil nga siya sa pag-akyat sa hagdan saka napatingala. Ano ba ang magagawa niya kung talagang kinikilig siya. Well, she's a grown-up woman with wealth unlike that bubwit. She can do better than her.
Ngunit dahil sa pag-iimadyen ay nakalimutan na niya ang kapatid niyang nasa sala. Nawala na rin sa kaniyang isipan na maari itong magduda sa mga ikinikilos niya.
SAMANTALANG matiim na nakatitig si Jomar sa pag-akyat ng kapatid sa ikalawang palapag ng bahay kung saan naroon ang silid nito. Sa kaniyang isipan ay mukhang may mali sa ikinikilos nito. Kaya't nabahala siya lalo at ang dahilan kung bakit pumanaw ang Kuya Darwin nila ay dahil din sa pag-ibig.
"DIYOS ko, huwag mo po sanang hayaang mabaliw din ang Ate ko dahil sa lintik na pag-ibig. May mali sa mga ikinikilos niya, Ama. Siya na lang ang pamilya ko kaya't huwag mo sanang hayaang may masamang mangyari sa kaniya. Kawawa lang ang bubwit na tinutukoy niya."
Bulong niya habang nakatingin sa kapatid na nakapasok na sa silid. Ngunit dahil sa mga napansin niya rito sa mga nakaraang araw ay talagang ayaw siyang lubayan ng kaba. Matagal-tagal na rin simula noong namayapa ang Kuya nila ngunit sa mga nakikita at kakaibang kilos nito ay nagmistulang kahapon lamang nangyari ang lahat. Ganoon pa man ay patuloy siyang nananalangin para sa kaligtasan at kalusugan nito.
SAMANTALA, sa tulong ng pera ay agad nakaalis si RW sa company accommodation nila. Dahil na rin sa impluwensiya ng pera ay nakabili agad siya ng VIP ticket. May kamahalan man ito pero wala siyang pakialam dahil ang nasa isipan niya ay ang makalabas siya sa bansang Thailand.
"Kung ang pagkakataon nga naman ang magbiro, wala na yata akong ipinagkaiba kay pinsan arabo ah. Nakausad ako mula sa kabiguan kay Nancy dahil sa tulong ng little girl ko kaso mukhang sumubra naman yata ang pagiging metikuloso ko. Heto tuloy ako ngayon at tumatakas sa mga taong nais akong itali sa hindi ko gusto. Aba'y daig ko pa ang may kasalanan sa batas dahil sa sitwasyon kong ito."
Pipi niyang sambit saka naupo sa bakanteng upuan sa harap ng gate 4 kung saan naroon ang mga kapwa pasahero. Doon na lamang nila hihintayin ang oras ng flight. Hindi naman bago sa kaniya ang labas at loob ng paliparan dahil kahit bank manager sila ng pinsan niya ay labas-pasok pa rin sila sa airports kung saan sila ipinapadala ng banko. Iginala niya ang kaniyang paningin, marami-rami na rin sila sa bahaging iyon ng Bangkok International Airport.
KASO sa hindi malamang dahilan ay sinalakay siya ng kaba. Dagundong sa kaniyang dibdib na hindi niya maipaliwanag kung ano ang nais ipahiwatig. Tuloy ay hindi niya alam kung ano ang gagawin sa oras na iyon.
"DIYOS ko, Ikaw na po Ama ang bahala sa akin. Huwag mo sanang hayaang may masamang mangyari sa aming lahat dito." He prayed silently in his most sincerity.
"Hi, kabayan, maari bang makiupo sa tabi mo?"
Dinig niyang tanong ng isang kapwa pasahero. Kaya naman ay agad niyang iniangat ang paningin upang hindi magmukhang katawa-tawa.
"Oo naman, kabayan. Bakante iyan kaya't maari mong upuan."
Sagot din niya rito saka iminuwestra ang palad sa katabing upuan.
"Thank you, kabayan. Siya nga pala, ako pala si Sunshine. Uuwi sa Manila pero lilipat ng eroplano pagdating natin doon para mas mabilis ang biyahe pauwing Baguio City. Nakakainis naman kasi ang traffic sa kalsada kaya't mas mabuti pang mag-airplane na lang. How about you?"
LIHIM tuloy na napangiti si Reynold Wayne dahil very open ito sa kaniya at parang matagal na silang magkakilala samantalang sa oras na iyon lang naman. Kahit problemado siyang tao ay hindi pa naman siya bastos upang ipahiya ito. Very friendly at approachable pa naman ito.
"Tubong Baguio City ang pamilya namin, Sunshine. Aguillar-Abrasado ako ngunit taga-Manila ang ninuno ko sa ama. So, in God's will that we will be landed in Ninoy International Airport I'll be going home directly. By the way, you can call me Reynold Wayne."
Upang maging formal ang kanilang meeting ay inilahad na rin niya ang palad upang makipagkamay dito. Wala namang mawawala sa kaniya kung maging mabait siya sa bagong kakilala. Mas masama pa nga kung bastusin niya ito.
"FRIENDS? How about exchanging our mobile phones so that we can call each other when we reach our motherland."
Malugod nitong tinanggap ang nakalahad niyang palad. Ngunit ilang sandali ay binawi rin upang kunin ang numero sana ang cellphone sa kaniyang bulsa. Ngunit natigilan siya nang maalalang wala pa pala siyang sim card. Dahil sa internet naman siya nakipag-ugnayan sa mga magulang.
"Huh! Kahit gustuhin kong ibigay sa iyo ang number ko, Sunshine. Ngunit wala naman akong maibigay dahil hindi pa ako nakabili. Sa paliparan na lang ng bansa natin ako bibili." Nakangiwi siyang humarap dito.
"Ikaw naman, Reynold Wayne. Huwag mong problemahin iyan. Heto ang cellphone number ko sa atin. E-save mo na lang at sana ay huwag mo akong makalimutan pagdating natin doon."
Anito kasabay nang pag-abot sa kaniya sa isang tarheta.
'Sunshine Manzano.' Binasa nga niya ng walang tunog ang ibinigay nito. Kahit pa wala siyang balak tawagan ito. Uuwi na nga siya kaya't itutuon na lamang niya ang atensiyon sa pinakamamahal na si Adel.
HINDI naman sa wala siyang tiwala sa mga nakapalibot sa kaniya. Ngunit sa kasalukuyan niyang sitwasyon ay pakikisama na lamang ang tanging dahilan kung bakit pinakiharapan niya ito ng maayos. Kaya't tinanggap niya ang ibinigay nitong calling card. Actually, hindi nga niya nasabi ang tunay niyang destinasyon.
And besides, Sunshine is just same as the other who is playing with anyone. Paano nito masasabing uuwi siya ng Manila samantalang sa ibang bansa naman ang routa niya. Well, he is praying that she will not ask any question to him any more. Dahil ayaw niyang dagdagan pa ang iniisip.