Araw ng sabado, walang pasok si Skyler at pati na rin si Sir Jade ay nasa mansion rin at nakikipaglaro sa anak. Kasalukuyan silang nag-iihaw ng barbecue sa garden ng masion habang ang mag-ama ay naglalaro sa swing . Nagapagawa kasi ang amo niya ng maliit na plaruan para sa anak. May see-saw rin at sliding kaya tuwang tuwa si Skyler at palaging kinukulit ang ama dahil gusto nitong maglaro. Kasa niya sina Becca at Aling Daisy habang nag-iihaw ng paboritong chicken barbecue ni Skyler. Inutusan rin sila ni Sir Jade na ihanda ang mesang pagkakainan nila sa graden. " Swerte ni Skyler kay Sir Jade noh, sana ako na lang si Ma'am Jean!" natatawang sambit ni Becca sa kanila ni Aling Daisy. " Wala ka talagang masabing maganda, Becca.Atupagin mo na lang ang pag-ihaw mo 'diyan at baka masunog pa '