Maaga silang umalis sa mansion ni Skyler papunta sa bayan kung saan naroon ang Nursery school na pinapasukan nito. Inenrol ng among babae ang bata para raw makakahalubilo na nito ang mga kaedaran nito. Alas otso hanggang alas onse ng umaga ang klase ng bata, hindi naman siya naiinip sa paghintay rito dahil may mga nakilala na siyang mga kagaya niyang mga nanny ng mga anak mayaman katulad ni Skyler. Napag-alaman niya mula sa mga kasamahan na anak mayayaman rin ang mga alaga ng mga ito. Kunsabagay kaninang umaga nang pumasok siya sa classroom ay naka-aircon sa loob at dalawa ang titser. Maganda rin ang mga silyang upuan sa loob at ang mga materyales sa loob ng silid - aralan ay hindi tulad ng classroom na pinapasukan niya noon sa isang pampiblikong paaralan. Mabuti na lamang ay hindi siya na