Napansin ko si Emma na para bang natatawang kinikilig sa amin sa likod ni Avion. Nang panlakihan ko siya ng mata ay tumigil siya at tumayo na nang maayos kahit na pansin ko pa rin sa kanya iyong pagtawa-tawa niya. Nilingon siya ni Avion kaya’t dinaig niya pa sa ayos ng postura ang mga nagte-train sa military. “Emma, kumuha ka nga ng hot compress. Sa tingin ko ay makakabuti iyon para gumaan ang pakiramdam ni Piper,” pag-uutos ni Avi kay Emma. Tumango si Emma at agad na lumabas ng silid. Napapanguso naman ako, tinatago ang kilig na nararamdaman. Bakit ba siya ganito? Kung alam ko lang ay rati pa ako nag-inarte kapag nagkakaroon ako ng period. Nito kasing nakaraan ay hindi ko naman masyadong naiinda. Ni hindi nga ata alam ni Avi na nagkakaroon ako dahil hindi naman ako nagsasabi. Madala