CHAPTER 6: MARRIAGE

2936 Words
Lahat ng bahay namin ay may bar room dahil mahilig akong gumimik at magyaya mga kaibigan sa bahay upang uminom. Hindi rin naman ako pinipigilan nina Dad dahil wala naman silang magagawa. “Sinong bisita mo, Maui?” narinig kong tanong sa akin ni Dad from the living room. Tumigil ako sa paglalakad papuntang kitchen nang marinig ko ang kanyang boses. Nilingon ko ang living room at nagdesisyong magtungo na lang muna roon. “Sina Bella at Kolt lang po,” sagot ko kay Dad at tumabi sa kanya sa sofa. “Si Mom pala?”  Ang sabi kasi ni Daddy sa akin kanina ay baka raw umuwi rin dito si Mommy pero gabi na’y wala pa ito rito. “Baka mamaya pa siya. I’m planning to fetch her. You’ll be fine alone, right? Dito ba matutulog ang mga kaibigan mo?” tanong sa akin ni Daddy. Nagkibit balikat ako. Kapag siguro matino pa sila mamaya ay baka umuwi ang mga iyon. “Yes, I’ll be fine po.” Tumayo na akong muli upang pumunta ng kitchen at uminom ng tubig. Hindi rin naman ganoong katagal ang hinintay ko. Napansin ko ang dalawang sasakyan na nag-park sa labas ng aming bahay. Binuksan ko ang pinto ng bahay namin upang salubungin sila. “Good evening!” bati ni Kolt sa akin bago makipagbeso. “Talagang kailangan bang magkasabay ang pagdating niyo?” Tumaas ang aking isang kilay habang tinatanong iyon sa kanila. Natawa naman sila rito. “Nagkita kami sa SM! Sabi ko hintayin ng nauna ang nahuli,” sabi ni Kolt sa akin. Napabaling ako kay Bellamy na ang sama ng tingin sa akin. Pakiramdam ko ay kaunti na lang hihilahin na niya ang kaluluwa ko papuntang impyerno. Minsan pa naman ay para iyang kanang kamay ni Satanas. Pumasok na kami sa loob ng bahay. Binati pa nila si Dad na mukhang papaalis na upang sunduin si Mommy kung nasaan man siya tapos ay dumiretso na kami sa bar area sa bahay. Nakahanda na roon ang mg kakailanganin namin at ang mga alak naman ay nasa shelves na naandito kaya’t mamimili na lang kami kung anong iinumin namin. Naupo ako sa love seat at ang dalawa naman ay sa tabing couch ko. May mga pagkain na rin na nakahanda sa harapan namin at kung magutom ay maaari pa namin itong padagdagan sa mga katulong. “So, what happened to you, Maui? You’d been MIA since that party, ah?” si Kolt. Alam ko na siya talaga ang unang magbubukas ng topic na iyon dahil si Bellamy ay mukha sinusuri pa akong mabuti gamit ang mala-pusa at mapanuri niyang mga mata. Kinuha ko muna iyong bote ng whiskey at binuksan iyon. Nagsalin ako sa aking baso bago tumingin kay Kolt na naghihintay ng isasagot. “I like someone,” panimula ko na siyang nagpataas sa kilay ng dalawang kasama ko. “I like him but he has a girlfriend. I kind of regret—no I regretted my actions. I met him at the party, anak siya ng host ng party na iyon. Meaning, anak siya ng friend ni Dad.” Uminom ako ng alak at halatang nainis silang dalawa sa akin nang putulin ko roon ang pagkukwento ko. Natawa naman ako dahil sa mga reaksyon nila. God, my friends are so impatient. “Bwisit na iyan! Dinaig mo pa ang mga palabas sa cliffhangers, ha,” naiiritang sabi ni Bella na kanina pa rin tahimik. “Nagpapansin ako sa kanya. Kasi ngayon lamang naman ako nagkaroon ng interes sa lalaki. Nag-effort talaga ako, hoping that he will notice me. Nang una naming pagkikita, hindi niya ako pinansin. Akala ko baka hindi niya lang talaga ako napansin pero habang tumatagal ay nahahalata ko na parang wala talaga siyang balak pansinin ako, and that pissed me off. Like, hello! How can you ignore me? Ako na nga ang nagpapapansin and you still choose to ignore me?” Itinuro ko pa ang sarili ko. Nadadala ata ako masyado sa pagkukwento. Narinig ko ang pagtawa ni Kolt. Natutuwa ata siyang may hindi pumansin sa akin. Inirapan ko naman siya dahil doon. “Anyway, after how many attempts, ayoko na. Lumapit ako kay Dad, having my tantrums. I told him that someone kept on ignoring me. At itong sinabi ni Dad ay nakapag-trigger sa akin para gumawa ng isang bagay na pinagsisihan ko rin naman.” Uminom ako ng whiskey na nasa baso at agad iyong inilapag sa mesa nang maubos ang laman. “And?” hindi makapaghintay na tanong ni Kolt. “Sinabi niya sa akin na kung may gusto ako, I have every means to get it. At iyon nga, para mapansin niya ako, may ginawa akong hindi kapani-paniwala.” Napahilamos pa ako sa aking sarili. Medyo hindi makapaniwalang nagawa ko nga iyon. Tumaas ang noo nila, indikasyong ipagpatuloy ko ang pakukwento ko. “I f*****g kidnapped him!” mariing sambit ko sa kanila. Napatulala sina Bellamy at Kolt sa aking sinabi. Halatang pinoproseso pa ang sinabi ko. Halos mabitawan ni Kolt ang kanyang baso dahil doon. Si Bella naman ay para bang dina-digest ang mga salitang binitawan ko. “Holy s**t—no way! That’s some bullshit! Are you making this up para may excuse ka bakit ka nawala ng ilang linggo?” natatawang sabi ni Kolt sa akin, denying what I’d said. “Hindi rin ako naniniwala. Kung may dinukot ka nga, bakit ka naandito? Bakit hindi ka nakakulong? Did your father bail you out? Bakit walang balita tungkol doon? Malaking pamilya kayo! Ang simpleng galaw mo ay nakaabang ang media kaya hindi ako naniniwala sa iyo,” umiiling na sabi ni Bellamy. Na kagaya ni Kolt ay hindi rin tinatanggap ang sinabi ko. Napaismid at napairap ako sa hangin dahil sa mga sinabi nila. Bakit ba ayaw nilang maniwala? Gusto pa ba nila ng witness? Tatawagin ko si Noah and Emma to prove what I’d told them. Pero sa tingin ko ay sasabihin nilang sinasali ko sa paggagawa ko ng kwento ang dalawa. “Hay nako! I’m tired of explaining. It’s weird but his family and my dad were like okay with what happened. Na pakiramdam ko ay pabor pa nga sa kanila ang mga pangyayaring iyon. Kaya siguro hindi lumabas sa media. Ngayon kung hindi kayo maniniwala sa akin, bahala kayo.” Hindi ako mamimilit ng tao. Para namang hindi nila ako kilala. I’m a bad liar kaya! “Kailan mo lang nalaman na may girlfriend pala siya?” tanong ni Kolt. Sa totoo lamang ay natatakot ako kay Bella. Ganitong hindi siya nagsasalita ay may kung anong naiisip ang babaeng iyan! “Sinabi niya na sa akin first day pa lang namin sa isla pero hindi ako naniwala. Akala ko kasi ay sinasabi niya lang iyon para pauwiin ko siya. Tapos ayon! Kahapon binuksan ko iyong phone niya. May tumawag na babae. Confirmed! May girlfriend nga. Sobrang pagsisisi ko talaga. Ayokong makasira ng relasyon.” Muli akong napasabunot sa sariling buhok dahil sa kahihiyan. Tumawa si Kolt dahil sa kagagahan ko. Uminom na lang ito ng alak at hindi na nagbigay pa ng komento. “Oh, kumusta ang pakiramdam mo ngayon? Gusto mo pa rin si guy o natauhan ka na matapos mong makatulog?” Humalukipkip si Bellamy matapos niyang itanong sa akin iyon. Napanguso naman ako. “Kasalanan ba kung sabihin kong crush ko pa rin siya? Hindi naman sa may plano pa akong landiin siya. Siguro oo, kapag break na sila. Pero hindi ko pinapanalangin na magbreak sila, okay? Sa bait kong ‘to.” Umakto pa akong may halo ako sa ulo. Halos maibuga ni Kolt ang kanyang iniinom dahil sa pagtawa niya. “Gaga ka! Hindi ka naman anghel. Hindi ka nga tatanggapin sa langit sa lahat ng pinaggagawa natin sa buhay. Pero tama ka riyan, mars. Huwag mong guguluhin ang relasyon nila.” “Oo nga. Kaya nga brokenhearted ako—” “Hindi ka naman brokenhearted. Masyado pang maaga para sabihin mong brokenhearted ka. You’re just disappointed, Maui. Parang hindi tayo makaibigan simula pagkabata para hindi kita mabasa. Kung broken ka nga, sana ay naglulupasay ka na riyan. You treat the guy as an expensive bag, na iisa na lang uri. Ngayong naunahan ka ng iba ay dismayado ka dahil hindi napasayo ang gusto mo but you’re not dishearten. Magkaiba iyon. But I’m not invalidating your feelings, huh? Who knows, it will develop to something else, to something more,” si Bellamy. Napatingin kami sa kanya. Kulang na lang ay tumulo iyong iniinom kong alak mula sa bibig ko. Bakit ang lalim naman no’n? “Alam mo, Bella? Ikaw ata ang may problema at hindi itong si Maui,” sabi ni Kolt na halatang nalaliman din sa sinabing iyon ni Bellamy. Napatingin lamang ako kay Bellamy, hinihintay siyang magsalita pero hindi iyon nangyari dahil nanatili siyang tahimik. Napaisip ako na baka nga tama si Bellamy. Though, iniisip ko lamang naman na brokenhearted ako, hindi naman siguro talagang iyon ang nararamdaman ko. “More, huh? Nako! Ayoko nga. Kailan pa ba ako nagseryoso sa lalaki? Alam niyo naman na patikim-tikim lang ako at kapag naumay ay tapos na, iiwanan na. Sa mga ipinapakilala naman sa akin ni Dad, ganoon din. Itong si Avion, pakiramdam ko naman ay iba ang nararamdaman ko kaya lang may girlfriend kaya’t abort agad,” sabi ko sa kanila. Medyo natakot ako sa sinabi ni Bella. “Avion?” Kumunot ang noo ni Kolt sa sinabi ko, tila may iniisip. Maya-maya pa’y nanlaki ang kanyang mga mata nang may mapagtanto. “Holy—you mean, Avion Luther Benavidez? Girl! Bakit hindi mo agad sinabi ang pangalan?!”  “Huh? Malay ko bang kilala niyo?” Bakit parang kasalanan ko pang hindi sila nagtanong? “Gosh! Kilalang-kilala iyang magpipinsan na iyan sa Manila maging dito sa Laguna! Maimpluwensya at makapangyarihan sa iba’t ibang field ang pamilya nila. Tapos kagaya niyo, alam kong mafia organization din sila. Maraming kalaban pero hindi mapatumba.” Uminom si Kolt ng alak bago magpatuloy sa sinabi. “Saan ka ba naglalagi at hindi mo kilala ang mga Benavidez? Nako, crush na crush ko si Hati at Silas! Isama mo pa si Zavian! Si Ayva ay crush iyang si Avion at Giovanni pero sige iyo na raw si Avion.” Natawa ako sa sinabi ni Kolt. Hindi ko naman akalain na kilala niya pala ang mga Benavidez. Well, kilala ko rin naman sila pero hindi by names! Kilala ko noon ang Benavidez dahil madalas kong marinig ang family name nila ngunit dahil wala naman akong interes noong una ay hindi na ako nagnaliksik pa. Napatigil lamang kami sa pagkukwentuhan nang biglang may tumawag sa phone ni Kolt. Tiningnan niya ito at ang malakas niyang pagtawa ang umalingawngaw sa buong silid. “Nakalimutan natin si Ayva! Hindi ba’t sabi niya ay tawagan siya kapag magkakasama na tayo? Ayan, siya na tuloy ang tumawag,” sabi ni Kolt bago sagutin ang tawag ni Ava. Oo nga pala, nakalimutan ko iyon. “Mga bwisit! Kinalimutan niyo ako!” iyon ang bungad na sigaw ni Ayva nang sagutin namin ang video call niya. “Sorry.” Ako na ang humingi ng tawad dahil tanda kong sumagot pa ako ng okay sa kanya. Kinailangan ko tuloy umulit ng kwento at hindi makapaniwala si Ayva na dinakip ko iyong crush niya pala. Bakit ba hindi ko alam na crush nila ang mga Benavidez. Si Bellamy naman ay panay lamang ang inom. Pakiramdam ko ay may pinagdaraanan talaga ang isang ito na ayaw lamang sabihin sa amin. “Girl, oo nga balita ko nga na may girlfriend na iyon ngayon. Hindi rin ako naniwala na may girlfriend siya nang una kasi hindi naman talaga kapani-paniwala! Like, sino bang seseryosohin ni Avion Benavidez, ‘no? Ang ganda mo siguro para masarili iyon,” si Ayva na ka-videocall namin. “Maganda naman talaga iyong girl,” sagot ko nang wala sa sarili. Nang mapagtanto ang sinabi ay ngumiti ako sa kanila. Maganda naman talaga si Eloise. “Pero alam mo, sis, kung kayo ni Avion, power couple kayo. Feeling ko ang astig niyo lang dalawa. Kasi hindi ka niya kailangang sagipin kapag may ki-kidnap sa ‘yo or something. Duh, baka siya pa ang iligtas mo!” Sabay-sabay kaming tumawa sa sinabi ni Ayva. Dahil lumaki ako bilang anak ng mafia boss ay natuto akong humawak ng iba’t ibang baril. Marunong akong makipagsuntukan at batak ang katawan ko. Sinanay din ako for self-defense dahil noong bata ako ay lapitin ako ng kidnapper at ginagawa akong panakot kina Dad. Lagi naman silang hindi nagtatagumpay. “Huwag na nating pangarapin pa. Hindi na naman iyan mangyayari.” Umaasa rin ako na sana bukas ay wala na itong nararamdaman ko kay Avion. Alam ko naman kasi na mababaw pa ito at kagaya ng sinabi ni Bella kanina, siguro nga’y dimasyado ako na may mas unang nakakuha ng gusto ko kaysa sa akin kaya siguro hanggang ngayon medyo kumakapit pa ako sa nararamdaman kuno ko. “Sus! Hindi pa naman kasal si Avion at iyong girlfriend niya. May pag-asa ka pa, sis. Pero wag mong isiping kumabit ha. Nako, sasakalin kita. Hindi natin gawain iyon!” pangaral sa akin ni Ayva. Tumango naman ako. Nakailang sabi na ba sa akin itong dalawa tungkol doon. Wala rin naman akong balak na agawin si Avion sa girlfriend niya. Kaya nga isinauli ko kaagad nang malaman kong pagmamay-ari na pala ng iba. Buong magdamag ay wala kaming ginawang magkakaibigan kung hindi ang uminom, magkwentuhan at magtawanan. Gosh, how I miss this feeling. Ilang linggo ko rin silang hindi nakasama. “Sigurado ba kayong kaya niyo pang umuwi. You can sleep here. Ipapaayos ko iyong mga guest rooms or pwede naman sa kwarto ko na lang kayo matulog.” Patuloy ako sa pangungumbinsi sa kanila dahil anong oras na ay binabalak pa nilang umalis at umuwi. Medyo lasing na rin sila kaya natatakot ako na baka may mangyaring masama sa kanila. “Kaya namin. Parang hindi mo kami kilala, Maui! Makakauwi kami nang maayos. Malapit lang naman mga bahay namin dito sa Laguna,” si Bellamy. Alam kong may mga bahay sila rito sa San Pablo at malapit lamang iyon dito pero natatakot pa rin ako para sa kanila. “Bye na! Magte-text agad kami sa ‘yo kapag nakauwi na kami.” Hinalikan ako ng dalawang kaibigan sa aking magkabilag pisngi. Hindi ko na rin naman sila napigilan pa dahil mukhang hindi rin sila papapigil. Umakyat na ako sa kwarto ko. Naglinis ng katawan at humiga sa aking kama. Hindi ako makatulog hangga’t hindi ako nakakatanggap ng mensahe mula kina Kolt at Bellamy. Nakatulog lamang ako nang makita kong ligtas silang nakauwi sa kani-kanilang bahay. Nagising ako mula sa aking pagkakatulog nang may kumatok sa aking pinto. Medyo masakit ang ulo ko dala na rin sa lahat ng nainom ko kagabi. It’s tolerable, though. Hindi naman iyong sobrang sakit. Napatingin ako sa side table ko upang tingnan kung anong oras na at ala-syete pa lang naman pala ng umaga. Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang sumungaw mula roon si Emma. Tinaasan ko siya ng isang kilay upang malaman ang dahilan bakit niya ako ginising. Normally naman ay hinayaan lamang nila akong matulog hanggang sa kusa akong magising. “Ma’am Piper, pinapatawag na po kayo nina Ma’am Viviene at Sir Maurice. Paalis daw po kasi sila ngayon at may kailangan silang sabihin sa inyo. Importante raw po. Sumabay na raw po kayo sa pagkain ng breakfast,” sabi sa akin ni Emma. Nagtalakbong ako ng kumot upang bumalik sa pagkakatulog. I want to sleep more. That can wait naman siguro, iyong sasabihin nila. Kung hindi nila masabi sa akin ngayon, pwede naman sigurong bukas? O kaya ay sa isang araw.  Isa pa, saan na naman sila pupunta? Parang kakarating pa lang nila rito, ah? “Mis Piper…” Dinig ko sa kanyang boses ang pagmamakaawa sa akin. Nako! Kung hindi ko lang alam na maaari siyang mapagalitan nina Mommy ay hindi talaga ako babangon. Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa akin at bumango. Tumingin ako kay Emma, who has a hopeful smile. “Tell them I’ll be down stairs after I washed my face,” utos ko sa kanya na kaagad naman niyang sinunod. Pumunta ako sa banyo upang makapaghilamos. Matapos iyon ay bumaba na rin ako. Ano naman kayang sasabihin nila sa akin at kailangan nila akong gisingin ng ganitong kaaga? Kapag iyan ay tungkol na naman sa lalaki ay magwo-walkout na lang talaga ako. Nauumay na akong makipag-date sa mga lalaking wala naman akong interes. Bumaba na ako papuntang unang palapag ng bahay namin at naabutan ko agad si Mommy. Mukhang kakatapos lamang niyang makipag-usap sa telepono. Hinintay niya akong makababa at marahan akong hinigit para sabay na kaming pumunta sa hapag. “Your dad has something to say to you. It’s an important news, Maui,” bulong sa akin ni Mommy habang nagmamadaling maglakad papunta sa dining kung saan naroroon na si Dad at naghihintay sa aming dalawa. Naupo na si Mommy at ako naman ay sa tapat niya. Agad kaming pinagsilbihan ng mga katulong. Pinilit ko ang sarili kong kumain kahit wala pa akong gana. “Paalis kami ngayon, Maui, kaya maaga kitang pinagising dahil may sasabihin ako sa iyong mahalagang bagay.” Kahapon ko pa iyon naririnig sa kanya at hanggang ngayon ay wala akong ideya sa kung ano iyon. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Lucio and I decided to arrange you and Avion in a marriage.” Halos mabitawan ko ang hawak kong baso sa kanyang sinabi. Ano raw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD