Wow, talk about dropping the bomb. Sinabi ko lang naman na wala akong ideya sa paulit-ulit na sanasabi ni Dad sa akin na may sasabihin siya, hindi ko naman sinabing biglain niya ako.
Naubo ako sa narinig. Nasamid ako kahit wala naman akong kinakain. Ni hindi ko pa nga naiinom itong laman na tubig ng baso ko. Did I hear him right? Joke ba iyon? ‘Tsaka sino raw kausap niya sa kasal? Si Tito Lucio? Hindi ba at tatay iyon ni Avion?
“Dad, sorry. Sa tingin ko hindi maganda ang signal kanina. Anong ngang sinabi niyo? Pakiulit po,” magalang na tanong ko sa kanya. Narinig ko naman talaga ang sinabi niya. Malinaw sa akin ang bawat salitang sinabi niya. Mas malinaw pa nga sa sinag ng araw! Kaya lang ay parang hindi maproseso ng sabog kong utak.
Huminga nang malalim si Dad at uminom muna ng kanyang kape bago tumingin sa akin at pagsalikupin ang kanyang kamay.
“Lucio and I decided to arrange your marriage with his son, Avion. Napag-usapan na namin iyon noong party. And good thing, you like him. Hindi na ako mahihirapan para kumbinsihin ka pa.” Ngumiti si Dad sa akin matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Ako naman ay parang iniwan ng sarili kong kaluluwa.
“W-Wait, Dad! You can’t do that!” Napatayo ako nang mapagtanto na seryoso siya at hindi biro ang sinabi niya. Napatingin ako sa kanilang dalawa ni Mommy. Para namang walang pakealam sa si Mom. Well, lagi naman.
“Bakit? You like Avion, right? Kaya nga nang nalaman namin na ikaw ang dumakip kay Avion dahil gusto mo siya’y ikinatuwa pa namin ni Lucio. Umaasa kami na baka magkamabutihan na kayo sa isla,” natatawang sabi ni Dad sa akin.
Tumayo rin siya at hinawakan ang balikat ko. Marahan niya akong pinaupo muli at dala na rin siguro ng pagkagulat at pagkatulala ay nagawa niya akong maiupo muli sa silya ko.
“It’s not about my feelings, Dad! May girlfriend po si Avion—”
“Sino? Iyong babaeng dumating nang malaman niyang bumalik na si Avion sa pagkakawala kahit wala naman talaga siyang ginawa upang tumulong sa paghahanap? She’s a gold digger, sabi nga ni Lucio! Pera lamang ng mga Benavidez ang gusto nito rito.” Tumaas ng kaunti ang boses ni Dad kaya’t tumahimik ako.
Kahit pa! Ano naman kung habol niya nga ay pera. They look in love naman. Kita ko sa kanilang dalawa na talagang mahal nila ang isa’t isa at ayokong sumingit at pumagitna sa kanila. Isa pa, who are we to judge her? Hindi nga namin kilala iyong babae. I’m sure, hindi rin ganoong kakilala nina Tito Lucio ito. Kung may makakapagsabi man kung anong klaseng tao si Eloise ay si Avion iyon.
“Still! Dad, may girlfriend iyong tao. Anong gusto niyong gawin ko? Sirain ang relasyon nila dahil ako ang gusto ni Tito Lucio para sa anak niya? Paano naman ang nararamdaman at gusto ni Avion?” Hindi ko mapigilang magalit para kay Avion.
Alam kong hindi naman kami malapit. Ni hindi nga kami madalas mag-usap noon sa isla dahil lagi niya akong sinusupladuhan pero alam ko na totoo ang nararamdaman niya kay Eloise. Ayoko namang kunin iyon sa kanila. Hindi ko pinangarap manira ng relasyon! If ever I will experience love, I want to have my own, hindi iyong inagaw ko sa iba.
Hindi nagsalita si Dad pero alam ko na hindi niya nagugustuhan ang mga sinasabi ko. Alam ko naman na gusto nila kami ni Avion para sa isa’t isa dahil sa parehong impluwensya ang makukuha ng bawat pamilya. Bukod pa roon, malapit na magkaibigan sina Dad at Tito pero hindi iyon sapat na dahilan, lalo na’t kung may mahal na iba na iyong gusto nila para sa akin.
Kung walang kasintahan si Avion, baka pumayag pa ako. Pero ngayong alam ko at nasaksihan ko ang pananabik nila sa isa’t isa nang magkita sila, no thanks!
Naandito pa rin ang pagkagusto ko kay Avion. That is something rare for me to experience. Pero alam ko rin that my feelings for him, my infatuation for him won’t go overnight, pero para gawin nila iyong rason para ipilit sa aking ipakasal kay Avion ay hindi tama. Ipaglalaban ko ito hanggang huli.
“Dad, I’m sorry. Alam ko na madalas ay ako ang sinusunod niyo at ngayon lamang kayo humingi ng pabor sa akin. But I can’t do this. I am not something who will ruin someone’s relationship for my own. Isa pa, marriage is something na ginagawa ng taong nagmamahalan. Hindi kami nagmamahalan ni Avi. Gusto ko siya, yes, pero mababaw lamang itong nararamdaman ko sa kanya at siya, wala nga siyang nararamdaman para sa akin.” Tumayo na akong muli at tumingin kay Daddy. “Gusto ko si Avion and I don’t want him to hate me because I forced him into this marriage na kailanman ay hindi niya gugustuhing pasukin.”
Matapos iyon ay nagpaalam na ako sa kanila at umalis. Alam ko na tatanggihan agad ni Avion ito sa oras na malaman niya kina Tito Lucio ang desisyon nila.
Bukod pa sa pagkagusto ko sa kanya, I respect Avion for not looking at me kahit na anong pang-aakit ang gawin ko noon sa isla. He remained faithful to his partner. Hindi siya nagpadala sa tawag ng laman.
I contacted Bellamy, asking if she’s still in San Pablo, at nang makatanggap ako ng mensahe na naririto pa siya ay agad akong nagyaya na pumunta ng mall. SM can do. Hindi naman ako maarte sa pupuntahan.
I asked her to contact Kolt para sumama na rin kung naririto pa siya. Ayoko lamang talagang matigil dito sa bahay dahil alam ko na kukulitin lamang ako nina Dad tungkol sa kasal na iyan. Mamaya na ako uuwi, kapag wala na sila rito.
Naligo ako at nagbihis tapos ay itinakas ko iyong isang sasakyan namin. Ayokong magsama ng driver. Mamaya ay sabihin pa nila kina Dad ang kinaroroonan ko.
“And? What happened?”
Magkasama na kami ni Bellamy. Narinig ko sa kanya na umalis na raw ng Laguna si Kolt kaya’t hindi na makakasama.
“Gusto nila kaming ipakasal ni Avion.” Uminom ako ng juice dahil pakiramdam ko ay natutuyuan ako ng lalamunan sa pinag-uusapan namin.
“Okay, anong sinabi mo kina Tito?” pagtatanong sa akin ni Bellamy. Para bang gusto niya munang marinig ang buong detalye bago siya magbigay ng kanyang opinyon.
“Syempre at umangal ako! Bakit ako magpapakasal kay Avion kung may kasintahan ito. Gusto pa ata nilang sirain ko ang relayson ng dalawa. Hindi naman excuse iyong nararamdaman ko para pakasalan ko si Avion, hindi ba? One-sided lang pati ang lahat! Ngayon ay napagtatanto ko kung bakit nang malaman nina Dad na dinakip ko si Avion ay parang okay lamang sa kanila.” Napaismid ako bago hawakan ang kubyertos at alam kong mali man ay napagbuntungan ko tuloy ng galit iyong steak.
Goodness, I’m starving. Hindi ako nakakain kanina nang maayos dahil sa usapang kasal na iyan.
“Gusto mong marinig ang opinyon ko?” tanong sa akin ni Bellamy. Tumango ako at tumigil muna sa pagkain upang makinig sa kanya. Mamaya ay may masabi pa siyang hindi ko magustuhan ay mabilaukan lamang ako.
Huminga muna nang malalim si Bellamy at ininom iyong smoothie niya bago magsalita. My gosh! Ang daming palatastas ng kaibigan ko.
“Pakiramdam ko, gusto nilang gawing excuse ang kasal niyo para hiwalayan ni Avion iyang girlfriend niya. Kagaya ng kwento mo kanina ay ayaw ng mga magulang ni Avion Benavidez doon sa babaeng kinikita niya ngayon, hindi ba? Para sa kanila, kung ipapakasal kayo ni Avion, ibig sabihin mawawala sa eksena ang girlfriend ni Avion. As for your father, kilala ka niya bilang walang tumatagal o sineseryosong mga manliligaw. Lahat na ata ay inayawan mo. Ngayong nalaman niya na gusto mo si Avion ay ipipilit niya iyon sa iyon. Lalo na’t alam naman nating gusto na ni Tito Maurice ng magmamana ng posisyon niya bilang boss ng mafia niyo,” pagpapahayag ni Bellamy.
Napanguso ako dahil iyon din naman ang naiisip ko kanina pa. Sa parehong kampo, sa pamilya ko at kina Tito Lucio ay may magiging benepisyon ang kasal na ito.
Wala namang kaso sa akin kung ipakasal ako kay Avion. Sa lahat ng lalaking nai-date ko ay siya lamang iyong seseryosohin ko kapag nagkataon. Pero may problema nga dahil may girlfriend ito.
“Sinabi mo naman kay Tito nang maayos ang side mo. Sa tingin ko ay hindi ka naman niya pipilitin lalo na’t papangit ang tingin mo sa sarili mo kapag ipinagpilitan nila iyan. Hindi naman ganoon siguro kadesperado si Tito para ipilit niya ang bagay na ayaw mo. Kailan ka ba niya pinilit? Wala pa ata,” dagdag komento ni Bellamy.
“Sana nga. Isa pa, sa tingin ko rin naman ay hindi papayag si Avion. Bakit siya papakasal sa akin kung mayroon naman siyang Elosie, hindi ba? Sa tingin ko kahit ano pang sabihin ng kanyang ama sa kanya ay hindi ito papasilaw roon.” Matapos kong sabihin iyon ay nagpatuloy na ako sa pagkain.
Okay, nakapagdesisyon na ako na kalimutan na lamang ang tungkol dito. Sasakit lamang ang ulo ko kapag pinagpatuloy ko pang isipin ang mga ito, eh.
“Paano kung pumayag?”
Nag-angat ako ng tingin kay Bellamy dahil sa sinabi niya. Nakataas ang isang kilay niya at may ekspresyon ang kanyang mga mata na para bang nanghahamon ang mga ito.
Napalunok ako dahil sa bigat ng paninitig niyang iyon. Bakit niya iyon biglang itinanong sa akin? Pero paano nga kung biglang pumayag si Avion na ipakasal sa akin? Anong gagawin ko?
“Ha? Parang imposible naman iyan,” natatawang sambit ko sa kanya na mas ikinataas ng kilay niya. Napalunok ako sa sariling laway at mas pinili na lang titigan ang pinggan ko dahil natatakot talaga ako sa mga matang iyon ni Bellamy.
Matagal na kaming magkaibigan at alam ko na may kahulugan kapag ganoon nang makatingin ang mga mata niya.
“Pero paano nga kung biglaang pumayag si Avion Benavidez sa kasal? Sa hindi malamang dahilan ay nakumbinsi siya ng kanyang mga magulang? Papakasal ka ba? Alam kong malakas ang loob mo na sabihing pakakasalan siya kung wala siyang girlfriend dahil at the back of your mind, iniisip mo naman na hindi mangyayari. But what if, it happened? Papakasal ka?” may panghahamong tanong sa akin ni Bellamy na naging sanhi upang mapalagok muli ako.
Hindi kaagad ako nakasagot sa kanya. Parang nagba-blangko ang aking utak at ang mga sinabi ko kanina na kung walang kasintahan si Avion ay pakakasalan ko siya ay hindi ko na masabi pang muli sa kanya nang malakas.
“See? Hindi ka makasagot.” May mapaglarong ngiti si Bellamy. Na para bang sinusubukan niya ako kanina.
Kinagat ko ang labi ko at napaisip. Given na hindi naman iyon magkakatotoo pero paano kung biglang pumayag out of nowhere si Avion. Papakasal ba ako sa kanya? Mababago ba ang desisyon ko na magpakasal sa kanya?
“Sa tingin ko wala naman sigurong masama?” I’m not sure how to answer that. Parang kapag ganoon na ang katanungan sa akin ay hindi ko na alam ang tamang sagot.
Tumawa si Bellamy sa akin kaya’t nag-angat ako ng tingin sa kanya. “That’s something na dapat ay pinag-iisipang mabuti. Hindi basta-basta ang kasal. Kung hindi magwo-work out ang lahat sa mag-partner, pwede kayong magaya sa parents ko. Take them as example. Due to that pragmatic marriage, naghiwalay din sila. Kasi kahit anong gawin nila, hindi naman sila nag-click. Still, naisilang ako sa mundo.”
Tumingin ako sa kanya. Naalalang naikwento niya sa akin na hiwalay na nga pala ang kanyang mga magulang bata pa lang siya.
“By the way, how are they? Kanino ka na ngayon tumutuloy?” hindi ko mapigilang magtanong. Puro problema ko ang pinag-uusapan namin na nakakalimutan kong may mga problema rin ang mga kaibigan kong baka kailangan nilang pag-usapan.
“They are fine. Maayos na naman ang relasyon nila. Hindi nga lang bilang mag-asawa. My dad remarried. Nagpakasal siya sa babaeng gusto niya talaga and they have a family now while Mom, ayon papalit-palit ng lalaki. Nakakasama ko naman silang dalawa. Pero dahil nagta-trabaho na ako at bumubuo ng sariling career ay sa sariling condo ko na ako namamalagi.” Malawak na ngiti ang iginawad sa akin ni Bellamy matapos niya iyong sabihin sa akin.
Good for her. Ako rin, gusto kong gumawa ng sariling buhay ko. Iyong hindi diktado ng ibang tao. Siguro si Dad ay hinayaan ako pero si Mommy, madalas ay dinidiktahan niya ako sa kung anong dapat kong gawin.
Gustuhin ko mang magsarili. Wala namang ibang magmamana ng mga negosyo ni Dad. I’m doing fine naman doon. Iniisip ko na lang na mas palaguin pa iyon sa tulong ng kaalaman ko at skills ko.
“Basta at huwag mong kalilimutan na naandito lang naman kami nina Kolt at Ayva. Kung kailangan mo ng kausap at makakatulong upang makapagdesisyon ka, you can always contact us,” sambit ni Bellamy na siyang nakapagpangiti sa akin.
Madalas man ay punung-puno kami ng kalokohan pero kapag ganitong may mga seryosog problema at pinagdaraanan na’y masasandalan naman talaga namin ang isa’t isa.
Hindi dahil may mga pera kami ay wala na kaming pinoproblema. Sa katunayan ay katulad ng ibang tao, may malalaki rin kaming mga pinagdaraanan.
“Thanks, Bella!” Kung katabi ko lamang siya ay gagawaran ko siya ng isang yakap pero dahil nasa tapat siya, iyon na lang muna. Tinatamad akong tumayo, eh.
Nagdesisyon kami ni Bellamy na maglibot sa mall. Nagpunta rin kami arcade para magpalipas ng oras. Mamayang gabi raw kasi ay paluwas na siya at papunta Lipa, Batangas. Nakakalungkot na maiiwan ako rito sa Laguna. Si Ayva naman ay matagal pang uuwi galing Los Angeles.
Malakas ang pakiramdam ko na hindi agad ako pababalikin nina Dad sa Manila dahil na rin sa kasalang pinag-uusapan sa pagitan ko at ni Avion.
Nang mag-ala-singko ng hapon ay nagdesisyon na kaming umuwi ni Bellamy. Halos maghapon na kaming magkasama at nag-enjoy naman ako. Kahit papaano ay nakalimutan kong pagdating ko sa bahay ay maaaring may kaharapin na naman akong problema.
I wonder if my parents are home. Parang ngayon iyong mga panahong gusto kong hindi muna sila umuwi. Alam ko kasi na kakausapin lamang din naman ako ni Dad tungkol sa kasal na iyon. Gusto ko mang humanap ng kakampi kay Mommy, alam ko naman na hindi niya ako kakampihan.
“Good evening, Ma’am. Naririyan na po ang mga magulang niyo sa dining hall. Kausap po iyong mga bisita,” pagbati sa akin ng isang katulong matapos kong makapasok sa bahay.
Wala na sana akong balak puntahan pa sina Dad sa dining dahil ayoko muna sana silang makausap, ngunit nang marinig ko na may bisita kami ay parang inatake ako ng kuryosidad ko at gusto kong malaman kung sino ang mga bisita.
“Sinong mga bisita?” tanong ko habang naglalakad patungo sa dining area ng bahay.
Papalapit ako nang papalapit ay naririnig ko na ang kanilang tawanan. Napalunok ako at ang kabog ng aking dibdib ay walang katumbas. Pakiramdam ko rin ay bumaliktad ang aking sikmura. May kutob na ako kung sino pero ayokong paniwalaan iyon.
Hinawakan ko iyong kwelyo ng damit ko at bahagya iyong niluwagan. Para kasi akong nasasakal sa kaba at nahihirapang huminga.
“Papauwi na siguro iyon ngayon. Nakipag-meet lamang sa mga kaibigan—”
“Sir, excuse me po. Naandito na po si Ma’am Piper,” magalang na pagputol ng katulong namin na sumalubong sa akin kanina sa may pinto.
Nanlaki ang aking mga mata nang i-anunsyo niya ako. Gaga ito! Sinabi ko bang sabihin niya kina Dad na naandito na ako? Wala naman akong balak magpakita, eh!
“Oh, Piper!” masayang pagtawag sa akin ni Dad nang mamataan niya ako. Napwersa naman ang aking labi na magpakita ng ngiti.
Nilapitan ako ni Dad at niyakap. Ganoon din ang ginawa ni Mommy at nang si Mommy na ang yumakap sa akin ay may bulong iyong kasama.
“Your father has visitors, hija. Pease be nice and don’t shame him, okay?” Matapos iyon ay humiwalay na siya. Ang peke niyang ngiti ay muling nagpakita.
Halos mawala naman ang ngiti sa aking labi dahil sa sinabi niyang iyon. Kung mabigat na kanina ang nararamdaman ko dahil sa mga iniisip ko ay mas lalo iyong bumigat nang marinig ko ang sinabi ni Mommy. At paano niya nasabing maipapahiya ko si Dad? Kailan ko ba ipinahiya si Daddy?
“Hindi niyo sinabi sa akin na may bisita pala tayong darating, Dad? Sana ay naagahan ko.” Kahit na gusto kong umalis na rito ay hindi maaari.
“Nako, okay lamang, Piper. Kakarating lang din naman namin at isa pa biglaan ito,” maamong sabi ni Tita Alyvia habang nakangiti sa akin.
Napapagitnaan si Tita Via ng kanyang asawa at ng kanyang anak na lalaki. Tiningnan ko kung kasama nila si Nevaeh pero wala ito.
Malamig na tumingin sa akin si Avion na siyang mas naging dahilan upang maestatwa ako sa aking kinatatayuan. Bakit sila naandito? Huwag mong sabihin na pumayag nga siya sa kasal?!