“Miss Piper, your bath is ready.” Narinig kong sabi ni Emma sa akin, isa sa mga katulong namin. Isinara ko naman ang librong binabasa ko at tumayo na sa pagkakaupo sa aking kama. Marahan akong nagtungo sa aking banyo upang maligo na.
I soaked myself in the bathtub. Red wine on my side and candles around my tub. The smell of lavender oil that is mixed with my bath’s water surrounds the whole room, making me feel relax but sleepy.
“This feels good,” bulong ko sa aking sarili habang ipinipikit ang aking mga mata. Kung wala lamang kaming pupuntahan ni Mommy ay magtatagal pa ako rito ngunit dahil papunta kami sa kakilala niyang designer ay kailangan kong madaliin ang paliligo ko.
My family is invited to a party that will be held at a beach resort in Batangas. I actually don’t intend to go because that may just bore me but my dad encourages me to attend, hoping for me to see someone that will interest me.
Gustong gusto na kasi ni dad na magkaroon ako ng boyfriend since he’s planning to retire soon. At kung magkakaroon ako ng lalaking ipapakilala sa kanila ay para bang assured na siya na may magmamana ng titulo ng pagiging boss ng mafia group na mayroon kami. I told him I can do that. I can manage. Pero ang sabi niya ay iba pa rin daw kung may mapapangasawa ako na maaaring pumalit sa kanya sa pwesto dahil na rin sa mapanganib iyon para sa akin.
I get that he’s just protecting me but I can really do the job just fine. Hindi ako nagsanay ng ilang taon para lang maging housewife.
Sa ngayon kasi ay wala pa akong nakikilala na nakakuha ng atensyon ko o nagpaisip sa akin na gusto kong magpakasal. Every man that I met was boring.
Nang matapos ako sa pag-aayos ay naabutan ko si Mommy na naghihintay na sa akin sa may living room. She looks at me and I give her a smile. Tumayo na siya sa pagkakaupo at tinanguan ako bago kami sabay na lumabas ng aming bahay at sumakay sa nag aabang na sasakyan sa amin.
“Where’s dad? He’s not coming with us?” pagtatanong ko kay Mommy. Nilingon ko siya saglit. Napailing naman ako nang maabutan ko siyang nagtitipa sa kanyang cellphone.
“Your dad is busy, my dear. Ako lang ang kasama mo dahil tayo lang naman ang kailangan magpagawa ng susuutin para sa party. Hindi naman kailangan ang dad mo roon.” Tumango nalang ako sa kanya at hindi na nagsalita pa.
Buong byahe namin ay pinagmamasdan ko lang ang mga tanawin sa labas habang nakasalpak sa tainga ko ang airpods ko at nagpapatugtog doon ng musika.
Bumaba na kami ng kotse nang nasa tapat na kami ng fashion house na pagmamay-ari ng kakilalang designer ni Mommy. Sa pagkakaalam ko ay taga-France ito na piniling manatili muna rito sa Pilipinas. Ang kliyente niya ay mga sikat na artista hindi lamang dito sa Pilipinas kung hind imaging sa ibang bansa.
“Hello, Hugo. It’s nice to see you again!” Pagbati sa kanya ni Mommy. Ako naman ay pinapanood lamang ang kanilang pagbati sa isa’t isa.
“Bonjour, Vivienne!” Masayang bati naman pabalik ni Hugo. Napunta ang atensyon niya sa akin nang makita niya ako. Hindi naman ako nagdalawang isip na ngumiti sa kanya. “Is this your daughter, Vivienne? Charmante!” Hugo exclaimed while clapping his hand, and before approaching and greeted me. Ngumingiti lang naman ako sa kanya.
Matapos ang hindi kahabang pag uusap nila ni Mommy ay sinukatan na ako at si Mommy. May ilan din namang magagandang disenyo ng damit na ipinakita sa akin. Namili ako ng isang disenyo at sinabi ko na ang gusto kong kulay ay champagne. Bukod sa unique iyon ay nagagandahan ako sa kulay na iyon.
Matapos ang pagpunta kay Hugo ay nagdesisyon na kaming kumain ni Mommy ng lunch. Nagikot-ikot na rin kami sa mall at namili ng ilang gamit na nagustuhan namin.
Dumating ang araw ng party. Naka-check in na rin naman kami sa isang hotel sa nasabing beach resort. Ang iba naman ay nakikita kong nagdadatingan na mula sa kani-kanilang pinanggalingan. Nakaayos na ako at tinitingnan ko nalang ang aking sarili sa salamin.
“Do I look good?” tanong ko kay Emma na inaayos ang laylayan ng aking gown. Tumaas ang tingin niya sa akin at tumango.
“Yes, Miss. You look stunning.” Sabi niya sa akin bago tumayo sa tabi ko. Pinagmasdan niya ang repleksyon ko sa salamin. “Bakit po? You’re not satisfied with your look?” pagtatanong niya. Ngumiti ako sa kanya at umiling.
“Hindi naman sa ganoon. Pakiramdam ko lang ay may kulang. But I guess, this is fine. Hindi naman ako aattend ng party to become the center of attention.” Sa katunayan ay wala nga akong balak pumunta rito kung hindi lamang sa pagpupumilit ni Dad.
Tinawag na ako nila Mommy kaya’t lumabas na ako ng hotel room ko. Sumunod na ako sa kanila at nagtungo sa malaking event hall kung saan gaganapin ang party.
Nang makarating kami roon ay marami na kaming naabutang bisita. May ilan na nakikilala si Daddy kaya agad siyang binabati ng mga ito. Ako naman ay nakangiti lamang kahit hindi ko alam kung sino bang dapat kong ngitian. I don’t want to look rude naman dahil nakabusangot ang mukha ko. Kahit na ayokong pumunta rito, hindi ko dapat iyon ipahalata sa iba.
“Maurice!” Napatingin kami sa lalaking lumapit kay Dad at isinigaw ang pangalan niyang iyon. Agad namang humalakhak sa kagalakan si Dad nang makilala niya kung sino iyon.
“Lucio!” Nagbatian silang dalawa. Napansin ko rin si Mommy na nakikipagbeso beso sa isang babaeng kasama nitong kausap ngayon ni Daddy.
“By the way, this is my daughter, Piper Maureen Riviere. Maui, this is your Tito Lucio Benavidez and his wife, Alyvia. Lucio is my good friend,” pagpapakilala ni Dad sa akin doon sa lalaki. Magalang ko namang binati iyon at ang kanyang kasamang asawa na mukhang kakilala rin ni Mommy.
“Nice meeting you, hija. By the way, this is my daughter, Nevaeh Chantal Benavidez, and my son—” napatigil si Tito Lucio nang mapansin niyang wala roon ang kanyang anak na lalaki. “Sorry, my son is nowhere to be seen. Maybe he’s with his cousin.” Natatawa ngunit nahihiyang sabi ni Tito Lucio. Nakipagkamay naman ako sa anak niyang babae.
“Just call me Heaven or Nevaeh,” sabi ni Nevaeh sa akin nang kamayan ko siya. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.
“Maui.” Matipid kong sabi sa kanya. Madalas kasi kapag kakilala ko o kaibigan ko ay Maui ang tawag sa akin. Kapag ibang tao ay Piper naman. Either Maui or Piper is fine. Gusto ko naman ang pangalan ko.
Marami pang binati si dad at marami rin siyang ipinakilala sa akin. There are bachelors in the party, too, at sa tingin ko ay iyon ang tinatarget ni dad na ipakilala sa akin. Gayunpaman ay wala akong matipuhan sa kanila. Alam ko kasi, unang tingin palang, kung magugustuhan ko ang isang lalaki. Hindi sapat ang family background niya lang o ang maganda mukha niya. I’m looking for something more. And I can’t find that to anyone here—or maybe I’m just to early to judge. Hindi ko pa naman nakikilala ang lahat ng lalaki rito.
Kumuha ako ng wine at sumandal nalang sa railings ng veranda. Umihip ang hangin kaya’t agad kong inayos ang aking buhok. Pinapanood ko nalang ang mga taong nagkakasiyahan sa loob. Just like what I’ve expected, hindi ako mag eenjoy dito.
Iniinom ko lamang ang aking wine habang tamad na pinagmamasdan ang mga taong nag uusap at nagsasayaw sa loob ng event hall. Gusto ko na agad umuwi.
“Avion! Kanina ka pa namin hinahanap. Saan ka ba galing?” Napatingin ako sa grupo ng mga kalalakihan sa hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Napataas ang aking kilay at pinagmasdan silang mabuti. Kagaya ng sinabi ko kanina, hindi pa nga lahat ng lalaki rito ay nakilala ko.
“May kinausap lang,” sabi ng isa pang lalaki.
They are all good-looking and I bet they are part of the same family. But one of them stands out the most…well, maybe just for me.
Pinagmasdan ko lamang mabuti iyong lalaking nakakuha ng atensyon ko habang patuloy ako sa pag inom ng wine ko. I think I heard his name but I forgot. Who is he, again? I want to know his name.
“Hi Maui, naandito ka pala. Kanina pa kita hinahaap. Ang sabi ni Tito Maurice ay samahan daw kita dahil wala kang kakilala rito.” Napatingin ako ka Nevaeh nang lumapit siya sa akin. Tumabi sa akin si Nevaeh. Ako naman ay nagbabakasakali kung makukuha ko ang pangalan ng lalaking nakakuha ng atensyon ko.
“Hey, do you know what’s his name?” pagtatanong ko sa kanya sabay turo sa lalaking nakikipagtawanan sa mga kasama niya pang kalalakihan.
“Hmm, sino?” Sinundan ni Nevaeh ang aking itinuturo at agad naman niyang nakita iyon. “Ah, sino sa mga iyan? Ang isang diyan ay kapatid ko. The rest are my cousin.”
“That one, the guy with the charcoal grey suit.” Hindi ko pa rin ibinaba ang kamay kong nakaturo roon sa lalaki. Narinig ko ang paghalakhak ni Nevaeh sa aking tabi.
“That’s Avion. Avion Luther Benavidez. He’s my younger brother,” sagot ni Nevaeh sa aking itinanong.
Napakagat ako sa aking labi at hindi mapigilan ang aking pagngiti. I don’t get why and how, but that man caught my attention. That man, he’s the one.