Iminulat ni Avion Luther Benavidez ang kanyang mga mata. He can feel a million grains of sand beneath him. The birds are singing and the waves are crawling gently to the shore. Napahawak si Avion sa kanyang ulo at marahang umiling. Hindi niya maalala ang nangyari sa kanya at kung paano siya nakarating sa islang ito.
Ang huling naaalala ni Avion ay nasa isang beach resort sila sa Batangas dahil doon ginanap ang birthday party ng kanyang ama. Tapos ngayon ay pakiramdam niya, hindi na Batangas ang kinaroroonan niya.
“You’re finally awake.” Napalingon siya kung saan niya narinig ang boses na iyon at isang magandang babae ang bumungad sa kanya.
Kumunot ang noo ni Avion. Iniisip kung kakilala niya ba ang babae o nagka-amnesia na siya dahil sa sakit ng ulo niya kaya’t hindi niya maalala kung sino ang babaeng ito. Ayaw niya naman magtanong dahil baka masaktan niya ang loob ng babae kapag sinabi niyang hindi niya ito naalala.
“Where am I?” Hindi man malaman kung dapat ba siyang matakot o hindi ay pinili ni Avion na maging kalmado. Nararamdaman niya naman na hindi siya magagawang saktan ng babaeng nasa harapan niya.
Tinangka niyang igalaw ang kanyang katawan at doon lamang niya napagtanto na nakatali ang kanyang mga paa. Gulat siyang tumingin sa babae na malambing pa rin na nakatingin sa kanya.
“B-Bakit nakatali ang mga paa ko?” Ayaw niyang sumigaw ngunit sa sitwaysong kinalalagyan niya ay mukhang kailangan niyang gawin iyon. Hindi siya madalas makaramdam ng takot dahil alam niya na kaya niya namang protektahan ang sarili niya. Ngunit ang ginawa sa kanya ng babae habang may malambing itong ngiti ay nagbigay ng kakaibang kilabot sa kanya.
Lumapit ang babae sa kanya at lumuhod sa may gilid niya. Hindi pa rin napapawi ang malalambing nitong ngiti.
Maraming katanungan ang nabuo sa isipan ni Avion. Bakit siya naririto? Paano siya nakarating dito? Sino ang babaeng kasama niya? Ang huling naalala niya ay katawanan niya lamang ang mga pinsan niya tapos ngayon ay kung nasaang sulok na siya ng mundo.
“Nasa Pilipinas pa ba tayo?” Hindi na napigilan ni Avion ang magtaas ng boses. Sa tingin niya ay hindi madadaan sa mabuti at kalmadong usapan ang babae. Mukha rin kasing walang balak magsalita o sagutin ng babaeng iyon ang kahit isa sa tanong niya kanina.
“Fortunately, yes.” Lalong lumambing ang mga ngiti na iyon ng babae. Imbis na matuwa si Avion dahil may maganda siyang babaeng kasama at mukhang hindi pa ito makabasag pinggan ay lalo lamang siyang kinikilabutan dito. Mukha ngang hindi makabasag pinggan ang babae pero mukhang kaya ka namang balian ng buto.
“And why am I here?” Gustuhin mang tumakbo ngayon ni Avion pero alam niyang malabong mangyari ang iniisip niya. Nakatali ang paa niya at ngayong nakita niya ng maayos ang kanyang kamay ay napagtanto niyang may marka rin ito, marka na itinali rin siya sa kamay kanina. “Bakit nakatali ang aking paa?”
Naglaho ang mga ngiting mayroon ang babae dahil sa itinanong na iyon ni Avion. Napakunot naman ang noo ni Avion dahil sa pagbabago ng ekspresyon ng babae. Nawe-weirduhan na talaga siya rito.
“Because I’m afraid that you’ll run away from me, Avion,” malungkot na sabi ng babae habang nakayuko at nakatingin sa mga buhangin.
“Huh? Bakit naman ako tatakbo? At sa tingin mo may tatakbuhan ba ako rito? Can you explain the situation I am in? Para naman maintindihan ko at hindi na ako mag isip ng kung ano ano sayo. Mamaya isipin ko pang kidnapper ka, eh.” Sabi naman ni Avion. Pilit na inaabot iyong tali niya sa paa kahit alam niyang imposibleng maialis niya iyon.
“Paano ba matatanggal ang taling ito? Isa pa, paano mo nalaman ang pangalan ko? I don’t remember knowing you.” Sabi ni Avion, sinukuan na ang pagtanggal ng tali sa kanyang paa. Tumingin siya sa babae na ngayon ay tila ba nangniningning ang mga mata. Napangiwi siya dahil sobrang weirdo talaga ng babaeng iyon.
“I just know you. I stalked you long enough para malaman kung sino ka. Kahit na isang gabi ko lang iyon ginawa.” She clasped her hand over her chest while giving him a sweet smile.
Stalker. Iyon ang nasa isip ni Avion dahil sa narinig niya mula sa babae. Napangiwi siya habang naiiling. Sinasabi niya sa sarili niya na hindi siya makakatagal dito kasama ang babaeng ito. Pakiramdam niya ay may kasama siyang psychopath na kapag may ginawa siyang hindi nito nagustuhan ay sasaksakin nalang siya bigla at itatapon sa dagat.
“You don’t have to worry, Avion. I’m not going to hurt you. I will free your ankles, too. Just please, promise me you won’t run away.” Ngumiti ang babae. Napatulala naman si Avion sa kanyang nakita. Halos pumikit din sa saya ang mga mata ng babaeng iyon.
Kung tutuusin ay maganda naman talaga siya at pasok na pasok ang babae sa standard niya kaya lang dahil sa weirdong pag iisip nito ay natu-turn off sa kanya si Avion.
“I won’t go anywhere. Can you please untie me now?” Tamad na sinabi ni Avion bago tumingin sa palubog na araw. Tumango ang babae at agad na pumasok sa loob ng isang bahay na nakatayo sa isla. Huminga naman ng malalim si Avion at hinintay nalang makabalik iyong babae.
Bumalik din agad ang babae. May susi siyang dala. Mukhang iyon ang makakatanggal sa tali sa kanyang paanan. Lumapit ang babae roon at tinangkang tanggalin ang pagkakatali ni Avion ngunit tumigil din ito bigla.
Napakunot ang noo ni Avion at nagtatakang tumingin sa babae.
“Bakit ka tumigil?” Iritadong tanong niya sa babae. Hindi na niya maitago ang pagkairita dahil kanina pa sinusubukan ng babae ang pasensya niya.
Ngumuso ang babae at mahigpit na hinawakan ang susi. Inilapit niya iyon sa kanyang dibdib na para bang pinoprotektahan sa kung sino mang maaaring kumuha nito mula sa kanya.
“Hmm, why not play a game with me, Avi.” Nakangising sabi nito. Lumapit siya kay Avi at bumulong sa tainga nito. “Get the key from me and free yourself.”
Matapos niyang ibulong iyon kay Avion ay nakangiti siyang lumayo muli sa binata. Si Avion naman ay hindi pa rin maintindihan kung ano bang tumatakbo sa isip ng babae.
“How?” Para mang walang gana si Avion ay nagpanggap itong interesado pa. Pakiramdam kasi niya ay kanina pa siya pinagti-tripan ng babaeng ito.
“Get the key from me. I know you can do that, right? Dahil hindi na naman nakatali ang mga kamay mo. Actually, nakatali rin sila kanina kaya lang naawa ako sayo, so…I unchained your hands. The marks are still visible but I hope they are not painful?” Sabi ng babae na para bang hindi niya intensyong saktan si Avion.
Iwinagayway ng babae ang susi at tinangka naman iyong hablutin ni Avion ngunit mabilis iyong naiiwas ng babae. Marahang humalakhak ang babae habang nakakunot noo naman na si Avion. Iniisip niya na pinagti-tripan lang siya ng babae.
“That’s not what I mean, Avion. Hindi ganyan ang mechanics ng larong gusto ko.” Ang kaninang malalambing na ngiti nito ay napalitan ng isang nakakaakit na ngiti. Napataas naman ang kilay ni Avion nang mapansin ang biglang pagbabago ng ngiti ng babae.
Bahagyang hinila ng babae ang kanyang kimono cover-up dress at inihulog sa loob nito ang susi and she crawls towards Avion. Hindi naman makapaniwala si Avion sa nasaksihan at sa gustong mangyari ng babae.
“The key is inside my swimsuit, Avion. Find it,” she said, seductively. Napangisi naman si Avion dahil sa biglaang pagbabago ng mahinhin na babaeng kausap niya lang kanina. Tumaas ang isang kilay nito na para bang natutuwa siya sa kung saan papunta ang lahat.
“You’re challenging me? Okay then, accepted.” Sabi ni Avion bago ipasok sa loob ng cover up ng babae ang kanyang kamay. Naglakabay ang kamay niya rito at hinahanap ang kinaroroonan ng susi. Natatawa naman ang babae dahil sa ginagawang iyon ni Avion.
“That tickles,” aniya.
Napatigil si Avion nang may makapa siya sa may shorts ng babae. Napakagat siya sa kanyang labi at agad na kinuha iyon. He finds the key!
Mabilis na tinanggal ni Avion ang nakatali sa kanyang paa gamit ang susi na iyon. Nang matanggal niya ito ay walang pagdadalawang isip siyang tumayo.
“Thank you for that little entertainment, Miss. But sorry, I don’t think I can stay here with you. I need to go back.” Agad na tumakbo papalayo si Avion. Tinangka siyang pigilan ng babae ngunit hindi na niya inintindi pa ang kung ano mang sasabihin ng babae sa kanya.
Naghahanap siya ng bangka na maaaring masakyan pabalik ng bayan o para makaalis man lang dito. Imposible naman kasi na sila lang ang naandito sa isla.
Malayo-layo na rin ang natakbo ni Avion ngunit wala pa rin siyang nakikitang ibang tao o kahit na isang bangka. Napatigil siya at hinabol ang kanyang paghinga.
“The f**k is happening here?” Bulong niya sa sarili habang hinahabol ang kanyang paghinga.
“That’s why you should have listened to me earlier!” Nakangusong sabi naman ng babae sa kanya. Hindi niya namalayan na kasunod niya na pala iyon.
Nilingon ni Avion ang babae, may malaking tandang pananong sa kanyang mukha. Nagtataka sa kung nasaan sila. Nag iisip kung paano siya makakaalis.
“You can’t run anywhere. This is our private property and only I can call someone to pick us up.” Napaluhod si Avion sa buhanginan dahil sa narinig. He feels defeated and upset.
Nilapitan siya ng babae at naupo sa may harapan ni Avi. Itinaas niya ang nakayukong ulo ni Avion gamit ang hintuturo niya. Sinalubong naman si Avion ng isang ngiti mula sa babae.
“Come on now. Don’t feel upset. I need to step up my game if I want to get your attention, right? So, I kidnapped you.” Marahang hinaplos ng babae ang pisngi ni Avion bago muling magsalita. “Why not enjoy this whole vacation with me, my love.” Lumapit ang babae sa tainga ni Avion at marahang hinipan iyon.