It was so weird to feel. Hindi ko inaasahan na mararamdaman ko iyon sa unang pagkikita namin. Akala ko noon ay sa mga pelikula at libro ko lamang iyon mababasa o makikita ngunit nagkamali ako, dahil that love at first sight is happening to me right now. I found him.
“You said he’s your brother?” tanong ko kay Nevaeh. Tumango siya sa akin at ngumiti. Muli kong ibinalik ang aking atensyon sa lalaking nangangalang Avion. He’s just there, laughing with his cousin but why do I feel like we're in a romantic scenery with flowers and falling leaves in the background. That felt so weird but good, too.
Sa lahat ng mga lalaking nakilala ko o kakilala ko, hindi ko pa nararamdaman ang ganito. This is the first time at ngayon alam ko kung anong gusto ko. If my dad wants me to get a boyfriend, I want someone like him—no, I want exactly like him. I want him.
“Bakit hindi siya ipinakilla ni Tito Lucio kanina?” pagtatanong ko kay Nevaeh. Natawa lang naman ulit siya sa akin.
“Paano siya ipapakilala ay nawawala nga iyan kanina. Hay nako! Sakit talaga sa ulo pagminsan si Avi. Bakit? Did he pull a prank on you or maybe he did something unnecessary to you? Pay him no mind, may pagkasiraulo lang talaga ang kapatid ko.” Hindi ko na pinakinggan pa ang sinabi ni Nevaeh. Wala akong pakialam sa babala niya. Basta alam ko sa ngayon kung ano ang gusto ko.
“Excuse me,” pagpapaalam ko kay Nevaeh at umalis doon. Nakita ko kasi ang pag-alis ni Avion at pumunta siya sa kung saan. Balak ko lang siyang sundan at kapag may pagkakataon na rin ay lalapitan. Minsan lang may makakuha ng atensyon ko kaya naman hindi na para pakawalan ko pa ito.
Humihingi na lang ako ng paumanhin sa mga nadadali ko dahil sa paghahanap ko kung saan man nagpunta si Avion. Nakita ko siya sa kabilang bahagi ng hall. Nakasandal siya sa pader at nakatingin sa kanyang cellphone. Mukhang problemado ito ngunit hindi ko na pinalagpas ang pagkakataong iyon upang lapitan siya.
Huminga ako ng malalim habang naglalakad papalapit sa kanya. Iniisip ko sa aking isipan kung anong aking mga dapat sabihin sa kanya.
“Hi—” hindi ko naituloy ang pagbati sa kanya dahil agad siyang umalis sa kinatatayuan niya. Hindi niya ako pinansin. Hindi ko nga alam kung hindi niya lang ba talaga ako nakita ko o sadyang hindi niya ako binigyang pansin.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Kailangan kong kumalma. Mas magandang isipin na baka hindi niya lang ako nakita kaya’t umalis nalang siya nang ganoon-ganoon lang. Mukha rin siyang may malalim na iniisip kaya baka nga ganoon ang kaso kaya’t hindi niya man lang ako tiningnan.
“Hi, Piper.” Paalis palang sana ako roon nang may isang lalaki ang humarang sa aking daraanan. Kung hindi ako nagkakamali ay isa ito sa ipinakilala sa akin ni Daddy kanina, ngunit nakalimutan ko na kung sino siya. Kapag kasi hindi ako interesado sa isang tao ay hindi ko binibigyan ng atensyon. Maging ang mga pangalan nila ay kinakalimutan ko na rin.
“Hello,” pilit akong ngumiti sa kanya habang hinahanap kung saang lupalop nagpunta si Avion. Damn it, I lost him!
“Do you want to dance?” pagturo niya sa dance floor. Ngumiti ako sa kanya ngunit umiling din. Wala akong oras makipagsayaw. May importante akong ginagawa.
“Sorry, but I have to go.” Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita o mapigilan ako. Umalis na ako sa harapan niya at hinanap muli si Avion.
Ilang minuto ko rin siguro siyang hinanap kung saan saan hanggang sa makita ko siyang kasama ni Nevaeh. Napangiti ako at muling lumapit sa kinaroroonan nila.
“Ate, gusto ko nang umuwi. Tell them I’m going home,” narinig ko ang iritadong boses ni Avion habang kausap ang kapatid. Hindi naman pumapayag si Nevaeh sa gusto ni Avion.
Napatingin sa akin si Nevaeh nang pamansin niya ang paglapit ko. Nginitian niya naman ako at kinawayan. Ganoon din ang ginawa ko sa kanya. Nilingon ako ni Avion and the moment our eyes met, my heart starts raising and pounding hard.
Sinubukan kong ngitian si Avion ngunit hindi niya ako pinansin at muli lamang ibinalik sa kapatid ang paninitig.
“Bahala kayo. Uuwi ako.” Iyon ang sinabi niya sa kapatid at nagmartsa na naman ito papaalis. Naiwan akong nakaawang ang aking labi. Susubukan ko pa sanang magsalita ngunit hindi ko na nagawa dahil umalis na siyang muli.
Ngumuso si Nevaeh, halatang hindi rin mapalagay dahil sa kanyang kapatid. Tinanong ko kung anong nangyari at para bang nagtatalo silang dalawa. Bumuntonghininga lamang naman si Nevaeh.
“Ewan ko ba riyan kay, Avi.” Naiiling na sabi niya. Hindi rin matukoy kung bakit nagkakaganoon ang kapatid. “By the way, saan ka ba pumunta? Hinahanap ka ni Tita Vivienne kanina. Baka raw umalis ka na. Sabi kasi niya ay ayaw mo raw talagang pumunta rito sa party.” Pinawi ni Nevaeh ang kaninang dismayado at problemado niyang mukha. Ngumiti siya sa akin at iniwasang pag usapan kung anong nangyayari sa kanyang kapatid.
Pilit naman akong ngumiti kahit na ang aking mga mata ay hinahanap pa rin ang kinaroroonan ni Avion ngunit nilamon na siya ng dami ng tao at hindi ko na siya nakita. Agad bumagsak ang aking balikat.
“Umikot ikot lang ako. Akala ko kasi ay hindi ako mag eenjoy dito sa party dahil wala naman akong kakilala kaya’t ayokong pumunta. But then, I met you so it’s not boring anymore.” Totoo naman ang sinabi ko. Bukod kay Avion na nakakuha ng atensyon ko ay natutuwa rin akong makilala si Nevaeh, not because she’s the sister of Avion, Nevaeh is really she’s nice.
“Aww, that’s good to hear. Come with me, I’ll introduce you to my other cousins. Makakasundo mo rin sila.” Hinila ako ni Nevaeh. Hindi na naman ako nakaangal pa kahit na gustong gusto kong hanapin muli si Avion.
Lumapit kami sa grupo ng mga babae. Napansin ko na naandoon iyong isang lalaking kasama ni Avion kanina. katabi niya ang isang magandang babae.
“Hi, this Piper. Anak siya ng kaibigan ni Dad. Maui, they are my cousins. This is Sera, Ara, Audrey, Hara, and Silas. This is Hyacinth, she’s our friend and Silas—uhm...never mind. Their relationship is complicated,” bulong niya sa huling pangungusap na sinabi niya. Ngumiti naman ako sa kanila at binati rin sila.
I spend my time with them, talking about different stuff. Lalo na nang malaman nila na sa France ako ipinanganak. They are nice, even Hyacinth is nice. Sa lahat sa kanila ay si Nevaeh at Hyacinth ang aking nakakasundo.
“Have you seen Avion, Hyacinth?” Pagbabaka-sakali ko na nakita niya. Nahihiya kasi akong sa mga kamag-anak ni Avion magtanong dahil baka kung anong isipin nila. Napatingin sa akin si Haycinth bago tingnan ang paligid namin, hinahanap din si Avion.
“Kanina, oo. Parang lumabas siya ng event hall, eh. Tapos nakita ko siyang bumalik kasama sila Gio.” Tumingin si Hyacinth sa lalaking katabi niya na si Silas. “Si Avion, Silas?” pagtatanong nito rito. Napaiwas ako ng tingin dahil biglang tumingin sa akin iyong Silas nang itanong ni Hyacinth iyon sa kanya. This is embarrassing! Baka isipin niya, ako ang naghahanap kay Avion—well, ako naman talaga.
“Kasama ni Gio. Nasa may buffet ata sila. Hindi ako sigurado.” Kumunot ang noo ni Silas habang nakatingin kay Hyacinth. “Why are you looking for another man when I’m here beside you?” dagdag na sinabi ni Silas.
Napaiwas ako ng tingin sa kanila. Narinig ko naman ang marahang pagtawa ni Hyacinth dahil sa narinig niyang pahayag ni Silas. How sweet, I can imagine myself hearing those words from Avion. Sana lang talaga. But for now, I need to get his attention.
Nagpaalam na muna ako sa kanila at hinanap muli si Avion. Nakita ko siya sa may buffet kagaya ng sinabi ni Silas. Tinangka ko siyang kausapin ngunit hindi niya ako pinapansin. Nakita ko rin na nilalapitan sila ng ibang mga babae na naandito sa party ngunit hindi kagaya ng ginagawa niya sa akin ay matipid niyang nginingitian ang mga ito pero umiiwas din agad.
Kinagat ko ang aking labi, napipikon na ako. Kanina niya pa ako hindi pinapansin. Hindi ko akalain na sinasadya niya atang huwag akong pansinin.
I’m so done with this! Minsan na nga lang humingi ng atensyon sa ibang lalaki ay hindi ko pa makuha. Damn it. Ayoko na.
Nakasimangot akong lumapit kay Daddy nang makita ko siya. Nakikipag-usap siya sa mga kakilala niya ngunit nang mapansin niya akong nagmumukmok sa kanyang tabi ay binalingan niya ako ng atensyon.
“What’s the matter? Bakit nakasimangot ka?” Inayos ni Daddy ang aking buhok at marahan iyong hinaplos. Lalo lamang bumusangot ang aking mukha dahil naalala ko ang ginawang hindi pagpansin sa akin ni Avion. I hate it when I can’t even get the attention I want.
“I like someone, Dad.” Napansin ko ang para bang nabuhayang ekspresyon ni Dad nang marinig niya iyon. Hindi naman nawala ang pagnguso ko.
“And? Where is he? I want to meet him.” Akmang maglalakad si Daddy ngunit pinigilan ko siya. Humalukipkip ako at lalong tumulis ang labi dahil sa pagnguso ko.
“The problem is, he doesn’t like me ata. Hindi niya ako pinapansin.” Para pa akong maiiyak kaya naman kinagat kagat ko na lang ang aking labi para pigilan ang sobrang pagkainis at pagkadismaya.
“Hindi ka lang pinansin ay nagkakaganyan ka na?” natatawang sabi sa akin ni Daddy. Parang insulto sa akin ang sinabi niya kaya’t hindi ako nagsalita. “Princess, that’s not how it works. If you want someone’s attention, then do something so he can notice you. If you’re just going to stay here and pout, wala ka talagang makukuha at mapapala. Ano pa’t anak kita. You can use any means to get the man that you like.”
Nagtaas ako ng tingin kay Dad. Nginitian niya lang naman ako. Napangiti rin ako at agad na nagpaalam sa kanya. Kinuha ko ang aking telepono at may tinawagan doon.
“Noah,” bati ko sa lalaking tinawagan ko. “Ready the helicopter and our men. We will do something tonight.”
My dad is right. If ever I desire something or someone, I need to do something to get his attention and for him to notice me.
With that, I did it. I kidnapped Avion.